Thursday, January 26, 2012

9

CAMPUS QUEEN ( Chapter 9 )
Napaatras si Ysa dahilan para mabaliktad ang inuupuan, tayuan ang mga estudyante ng makitang nahulog si Ysa, ang iba ay nagbungisngisan, ang iba naman ay nagalala at agad syang nilapitan, dali dali namang lumapit si Marj ng makitang nakatembwang ang kaibigan.

"Ysa! Ano ba ginagawa mo diyan!Bakit dito ka pa nanghuli ng palaka"alalang sabi ni Marj at saka tinayo ang tulalang si Ysa.

"Sis, anong problema? Anong nangyari sayo?"tanong ni Marj pero imbes na sagutin ay nagtatakbo si Marj palabas ng library.

"Ysa!"tawag ni Marj ngunit tuloy tuloy si Ysa, hindi na nya ito nagawang sundan dahil tinawag na sya ng librarian para sa Librong hihiramin nya.

Si Ysa naman ay takot at naguguluhang tumakbo kung saan, ni hindi na nya tiningnan ang dinadaanan kaya hindi nya na rin napansin ang makakasalubong.

"Im sorry,"sabi ni Ysa na hindi man lang tinitingnan kung sino ang nabunggo at saka umalis ulit, kung nagtaas lang sana sya ng ulo ay makikita nya na ang nabunggo nya ay isang lalaking wala ng ulo.

Litong lito si Ysa, ayaw na nya ng gantong kababalaghan, kailangan kausapin nya ang Mama at Papa nya at magpapalipat na sya. Mas gugustuhin pa nyang bumalik sa Siquijor at magpalaprobinsyana doon kaysa naman dito, kung hindi sa mga hari hariang estudyante mga kababalaghan.

+

"Pa.."bungad ni Ysa sa ama, kasalukuyan silang naghahapunan maganak, desidido na talaga syang sabihin sa ama't ina ang plano.

"Ano yun anak?"malungkot na tugon ni Javier.

Napansin naman ni Ysa na malungkot ang ama kaya imbes na sabihin ang gusto ay inusisa nya ito.

"Bakit parang ang lungkot mo Pa?"tanong ni Ysa.

"Wala to anak, kumain ka na lang ng kumain"matamlay na sagot ni Javier.


"Naku.. Anong wala, pwede ba Javier, matanda na yang si Ysa kaya kung ano man ang problema mo ibahagi mo sa kanila."sabat ni Lina.

"Pwede ba Celerina, hayaan mo na ako, ayokong maapektuhan ang mga anak ko sa kung ano man ang problema ko"reklamo ni Javier.

Napatayo si Ysa at umupo sa tabi ng ama. "Pa, ano ba yon? Diba pamilya tayo, kung anong problema ng isa dapa ishare sa pamilya"sabi ni Ysa.

"Oo nga naman Pa, hindi na kami bata, maiintindihan na namin kung ano man ang pinagdadaanan mo"singit naman ni Flor.

"Kita mo na Javier, matatalino ang mga bata, kahit si Lewis, matalino yan.."wika naman ni Lina.

Sa puntong iyon ay bigla na lang naiyak si Javier, tumalungko ito sa mesa, nagulat naman ang mga anak nito, agad lumapit si Flor sa ama samantalang si Lewis ay tumakbo dito at pumangko, si Ysa naman ay titig na titig sa ama.

"Si Congressman Mariano, gusto nyang ibenta ko yung lupain sa Siquijor, ginigipit nya ako, may mangyayari daw sa inyo kapag hindi ko ginawa yun, alam nyo namang pamana pa ng Mama at Papa ag lupa doon, kaya lang naman ako lumipat dito dahil sa dito ako nadestino, tatanggalin nya daw ako sa pagkapulis pag hindi ako pumayag."mahabang salaysay ni Javier, yumakap naman dito ang mga anak, at si Ysa ay parang naputol ang dila,kung tutuusin mas mabigat ang iniinda ng ama kaysa sa iniinda nya, ano naman ang karapatan nyang magreklamo.

+

"So Corine, are you inviting that monster to your party, sabihin mo na nag mas maaga para magback out na kaagad ako"maaryeng sabi ni Mildred.

"So what? eh di wag ka pumunta kung ayaw mo"mataray na sagot ni Corine..

"Corine naman! Pagpapalit mo ba talaga kami sa loser na yon?!"taas na boses ni Bea.

"And since when did I gave you the right to raise your voice on me Bea?"sabi ni Corine sabay tingin ng masama sa kaibigan.

"Sorry, nacarried away lang ako"hingi naman ng pasensya ni Bea.

"O kung ako kaya ang macarried away at sipain kita palabas ng school na to ha!"galit ni Corine.

Nasa ganon silang usapan ng dumating si Ysa, malaking malaki ang eyebag nito dahil sa hindi madaming iniisip, tumayo si Corine at may kinuha sa may upuan na paper bag at saka ito binigay kay Ysa. "Isuot mo yan mamaya sa party"sabi ni Corine kay Ysa at saka tumalikod. Tiningnan ni Ysa ang bigay ni Corine at doon nalaman nya na damit pala ito. Napailing sya dahil wala na talaga sya balak pumunta sa party pero ng maalala bigla ang ama ay napaisip sya, sa kalagayan nya, dapat sya na ang magadjust sa mga nangyayari.

+

Sa Rooftop ay handa na ang lahat, badtrip na badtrip naman ang magkaibigang Tristan at Ren dahil sa mangyayaring party, sa rooftop na nga lang ang tinatambyan nila ay tahimik, wala sila iba nagawa kung hindi umalis, walang wala sa loob ni Tristan na dadalo ang kaibigan na si Ysa sa party na yun.

+

Masayang masaya ang mga kabataan habang nagaganap ang party, kanya kanyang kwentuhan at pwesto ang mapupusok na estudyante ng LAC, magkasabay na dumating si Marj at Ysa ng gabing iyon.

"Ysa! You made it!"masayang masayang sabi ni Corine ng mamataan ang dalawang kaeskwela, pinuntahan nya ito at saka bineso beso. "Just enjoy the party okay?"sigaw nito kay Ysa, masyadaong maingay ang tugtog kaya hindi sila magkarinigan.

Tango lang ang sinagot ng dalawa at saka pumwesto sa isang mesa doon, kumain na lang sila ng kumain ng malibang. Si Ysa naman ay nakamasid sa mga nagsasayaw ng may mamataan sa grupo ng kabataan, isang babae, mahaba ang buhok, mukhang maputla ito, nakatayo lang ito sa gitna ng sayawan at nakatingin kay Ysa.

"Are you two are having fun?"bati ni Corine sa kanila na panay ang sayaw.

Ngiti lang ang sinagot ng dalawa, si Ysa naman ay naalis ang tingin sa babae pero ng matapos kausapin ni Corine ay agad nyang binalik ang tanaw sa babae pero wala na ito. Kinilabutan bigla si Ysa at saka kumuha ng maiinom sa buffet na nakahanda.

"Sis, baka malasing ka ah, lagot tayo sa papa mo, sabi natin hindi tayo iinom"sita ni Marj sa kanya.

"Dont worry, kaya ko ang sarili ko"sabi ni Ysa.

Lingid sa kaalaman ng dalaga ay isang pares ng mata ang sa kanya ay kanina pa nakatingin، at ang mga matang iyon ay walang iba kung hindi kay Yuan na panay din ang kindat kay Corine at parang may sinsenyas sa kanya na ang ibig sabihin ay oras na.

Bandang alas onse ng magaya na si Marj.

"Ysa, uwi na tayo, nakakainip na dito eh"bulong ni Marj sa kaibigan na lasing na ata dahil nakayukyok ito sa mesa.

Tumayo naman si Ysa ng ayain ng kaibigan pero pag tato nya ay bigla naman syang napaupo muli.

"O guys? Uuwi na ba kayo?"tanong ni Corine ng makalapit sa mesa ng dalawa, may dala itong dalawang kopita ng alak. "last shot muna bago kayo umuwi"sabi ni Corine.

"Hindi ako umiinom eh,"tanggi ni Marj.

"Come ob Marj, wine lang naman yan, hindi ka malalasing diyan"paliwanag ni Corine, walang nagawa si Marj kung hindi inumin ang baso, si Ysa naman ay hindi nagdalawang salita at ininom na ang nasa baso. Isang matalim na nagiti ang nakita kay Corine pero hindi napansin ng dalawa yon.

"Mabuti pa, sabayan ko na kayo pababa, mamaya kung ano pang makita nyo"biro ni Corine.

Hindi na nakatanggi ang dalawa ng samahan sila pababa nila Corine ay Yuan, ilang minuto pa lang silang naglalakad ay parang nahilo na si Marj, at hindi pa man din nya nasasabi ang nararamdaman ay bigla na itong bumagsak, at kasabay noon ay ang pagbagsak din ni Ysa.

"Do it faster Yuan, baka makahalata yang si Marj,"sambit ni Corine, si Yuan naman ay agad tumalima.

"Yung reward ko ha, ihanda mo na,"lambing ni Yuan dito.

"Oo na, oo na, bilisan mo, buhatin mo na si Ysa at baka may makakita pa sa atin"pagmamadali ni Corine.

"Sige, eh paano yang si Marj?"tanong ni Yuan sabau nguso sa kaibigan ni Ysa.

"wag mo na intindihin to, iupo mo na lang sa isang tabi dyan, kunwari na lang nalasing sya"sabi ni Corine.

Tumango na lang si Yuan, bago buhatin si Ysa ay binuhat muna nito si Marj sa isa sa upuan sa bench at saka nito binuhat si Ysa.

Ngiting ngiti naman si Corine sa mga nangyayari.

"sabi ko naman sayo Ysa, masama ako kaaway, I can be so evil if I want to.."sabi nito at saka tinapunan ng tingin si Marj na himbing na himbing at lumakad ito pabalik sa rooftop.

+

"Kamusta po?"bungad ni Lexin sa ate Flor ni Ysa na nagbukas ng pinto para dito,wala kasi sya mapuntahan ng gabi na yon at badtrip sya sa bahay kaya naalala nyang pumunta na lang kila Ysa, tamang tama naman na kahit gabi na ay bukas pa rin ang ilaw sa loob ng bahay kaya naglakas ng loob na syang kumatok.

"O Lexin, anong ginagawa mo dito? Gabi na ah,Hindi ka ba kasama sa party sa school?"tanong ni Flor sa binata.

"Party po?"taka naman ni Lexin.

"Oo, party, yung sa rooftop, nandoon si Ysa at saka si Marj eh"paliwanag ni Flor.

Bigla namang kinabahan si Lexin, hindi maganda ang kutob nya sa party na yun, lalong lalo nat alam nyang kasama tiyak dun si Yuan, agad syang nagpaalam kay Flor at saka lumulan sa kotse at pinabarurot ito.

"Ysa.. Hintayin mo ako Ysa.."pagaalala ni Lexin.

+

Sa Hotel ng school na gamit ng mga HRM student dinala ni Yuan si Ysa, abalang abala sa pagaayos ng camera na gagamtin nya para sa maitim na plano kay Ysa.

"Gang bang ba tol? Gang bang?"tawa ng isang kaibigan ni Yuan.

"Oo pare, gagagwa tayo ng scandal, wa tu sawa ito, handa na ba yung goat pills?"nakangising wika ni Yuan.

"Kanina pa, kaso pare paano natin papainom yun dyan eh tulog"tanong ng isa pang kabarkada ni Yuan.

"Ako na bahala pare, basta iinom tayo lahat nyan, tingnan natin ang bagsik ng babaeng aswang na ito!"natatawamg sabi ni Yuan, tawanan naman ang mga kabarkada nito.

"Paano pare, hubaran na natin?" tanong ng isa nilang kasamahan.

"wag muna pare, wag kang excited, darating tayo diyan, walang pipigil!"sabi ni Yuan.

Naginuman muna ang magkaibigan, si Ysa naman ay wala pa ring malay. Maya maya ay umungot na si Ysa na parang magigising na.

Pinuntahan ito ni Yuan at tinabihan.

"Hi.. my sweet monster, hows your sleep?"malambing na wika ni Yuan at saka hinimas ito sa mukha.

Bigla namang bangon si Ysa ng marinig ang tinig ni Yuan.

"Anong.."

Tinakpan ni yuan ang bibig nito bago pa man makapagsalita si Ysa.

"Relax sweety, relax"at saka nito hinawakan ito sa may braso.

"Bitiwan mo ako!"sigaw ni Ysa at saka tumayo pero bigla naman syang nahilo.

"Sinabi ko ng relax lang eh, masyado kang hot!"sabi ni Yuan at saka sinunggaban ng halik si Ysa pero isang malakas na sampal ang binigay ni Ysa kay Yuan.

"Ganyan ba talaga ba ang gusto mo ha Ysa! Ang galitin ako! Ang pwersahin kita! Pwes yan ang bibigay ko!"sigaw ni Yuan at saka sinunggaban si Ysa, sapilitan itong hiniga at saka tinaas ang kamay at pinugpog ng halik.

"Maawa ka sa akin! Wag mo gawin to! Parang awa mo na!"pagmamakaawa ni Ysa.

Pero parang nademonyo na ng tuluyan si Yuan, sinibasib nito si Ysa.

Latang lata si Ysa, pero magkaganon man ay inipon nya ang lakas at ng maabot ang base na nasa katabong mesa ay kanya itong kinuha at buong lakas na hinampas si Yuan. Agad syang tumayo pagkatapos itong hampasin.

Mga lasing na ang mga kabarkada nito kaya hindi na nagawa pang humabol kay Ysa. Si Ysa naman ay nagmamadaling lumabas sa pintuan at kahit nanlalata ay pinilit ang sariling tumakbo.

"Mga hunghang! habulin nyo!!" sigaw nI Yuan sa mga kasama.

Agad namang tumalima ang mga ito at hinabol nila si Ysa.

Pero paglabas na paglabas ng magkakabarkada ay isang babaeng duguan ang bumungad sa kanila, sigawan ang grupo, maging si Yuan, biglang nagsara ang lahat ng pinto sa kwarto at nagpatay sindi ang ilaw. At umihip ang galit na galit na hangin, nagliparan ang mga gamit at humapas sa wall. Kanya kanyang sigawan ang mga lalaki sa loob.

Samantalang si Ysa ay walang tigil pa din sa kakatalbo, pag labas nya ng school hotel ay may nakita syang babae na nakatayo sa labas agad nyang nilapitan ito at humingo ng tulong pero pagharap nito ay naaganas na ang mukha nito kaya sindak na sindak na nagtatakbo sI Ysa.

Hanggang sa nabunggo ito sa isang lalaki, nagsisisigaw si Ysa ng mabunggo ito.

"Aahhhhhhhhhhhhhhh! Ahhhhhhh"sigaw nya.

"Ysa! Ysa! Ako to, si Lexin! "tawag sa kanya ng binata na kakarating lang, nagsisisigaw ng nagsisisisgaw si Ysa kaya niyugyog ito ni Lexin sa balikat.

"Ysa.. Ysa.. Ysa!!"sigaw ni Lexin dito.

Natauhan naman si Ysa at ng makita si Lexin ay sumiksik ito sa dibdib ni Lexin at nagiiyak ng nagiiyak.

"Bakit ngayon ka lang!!"iyak ni Ysa habang kinakabog sa dibidb si Lexin. "Bakit ngayon ka lang.."

Para namang kinurot sa puso si Lexin kayamahigpit nyang niyakap si Ysa at hinalikan sa noo.

"Im sorry.. Im sorry,.. Nahuli ako.." sabi nito.

Umiyak ng umiyak lalo si Ysa ng marinig iyon at saka yumakap din kay Lexin.

Hinarap ni Lexin ang mukha ni Ysa sa kanya at saka tinitigan ito.

"Hinding hindi na ako mawawala sa tabi mo Ysa.. Hinding hindi na.. Sa bawt hakbang mo ako ang aalalay sayo, sa bawat iyak mo, ako ang magpapahid ng luha mo at sa bawat sakit na nararamdaman mo, hayaan mong alisin ko yun ng pagmamahal ko"pagkawika noon ay dahan dahang nilapat ni Lexin ang mga labi nya kay Ysa.

+

Si Marj naman ay nagising na din ng oras na yun, agad nyang hinanap si Ysa pero wala, isang babae ang nakaupo sa paanan nya kung saan sya nakahiga. Nakaitim ito,inaninag nya iyon mabuti at muntik na syang mahulig sa hinihigan ng humarap sa kanya ang babae.. Wala itong mata..

No comments:

Post a Comment