Thursday, January 26, 2012

26

CAMPUS QUEEN (chapter 26-part1)
..+

"MA! MA!"nagpapanic na katok ni Flor sa pinto ng kwarto ng ina, kagagaling lang nito sa bakery para bumili ng pandesal.

"Ano ba yun?"tinatamad pang wika ni Lina pagkabukas ng pinto, piyat pa ito dahil magdamag niyon hinintay si Ysa pero nagpasya na syang matulog dahil na rin sa pamimilit ni Flor.

"MA! SI GOV! NATAGPUANG PATAY SA LOOB NGKOTSE NYA! PINATAY SYA MA!"shock na shock na sabi ni Flor.

Biglang bigla din si Lina, si Ysa kaagad ang naisip nito. "Ang kapatid mo nasaan? Nasaan si Ysa?"tanong nito at saka humahangos na nagpunta sa kwarto ni Ysa.

"Hindi pa sya umuuwi Ma, nagtanong tanong na nga ako sa malapit at baka napansin sya.."sagot ni Flor.

"Kailangan natin syang mahanap, kailangan nating mahanap si Ysa.."takot na takot na sabi ni Lina.

+

Si Ysa naman ay nasa simbahan kung saan sya dinala ni Tristan noon at kung saan nya nakilala ang ina nito. Nakiusap sya kay Fr.Miguel na doon muna sya makikitulog pansamantala.

Masamang masama ang loob nya sa mga pangyayari, buong magdamahg syang gising, umaga na ng tablan sya ng antok ng isang balita ang sa kanya ay muling gumising.

"Patay na si Gov. Apostol?"usisa nya sa pari, pinaguusapan kasi ito sa hapagkainan.

"Oo Hija, pinatay sya, kaawa awang pamilya, katatapos lang ng pagdadalamhati dahil sa pagkamatay ni Marietta, eto na naman ang isa pa.."malungkot na sabi ng pari. Si Ysa naman ay napanganga na lang at napatingin sa kung saan. Kahapon lang ay natuklasan nya na ang ama nya ay walang iba kung hindi ang ama din ng lalaking minamahal.

"Hija, wala ka bang balak umuwi sa inyo? Hindi sa tinataboy kita pero baka kako nagaalala na ang mga magulang mo"mabait na wika ng pari.

"Father, gusto ko lang po munang matahimik.. Kung maari po sana hayaan nyo muna akong magstay dito"pakiusap ni Ysa.

Para namang nahabag ang pari sa pahayag na iyon ni Ysa.

"O sige..dumito ka muna pansamantala.. Pero gusto ko pa rin makausap ang mga magulang mo.."wika ng pari.

Si Ysa naman ay hindi kumibo, bagkos ay nakatulala pa rin ito sa plato at inaalala ang mga masasakit na nangyari sa kanya.

Kapatid nya si Lexin, ang pinagalayan nya ng pagibig ay kapatid pala nya.

+

"HE DESERVES IT.."malamig na wika ni Lexin, kakatapos lang ng libing ng amang si Albert, sila na lamang ni Maita ang naiwan sa puntod.

"Lexin! Ano ka ba!"sita ng ina nito. "Baka may makarinig sayo, ano pa ang isipin.. You must remember na wala pa rin suspect sa pagkamatay ng Papa mo"ani Maita.

"You know what Ma, kulang pa yan, kulang pa ang pagkamatay ng hayop na yan, kulang pang kabayaran sa lahat ng pasakit na naramdaman ko.. "sabi ni Lexin na nakatulala sa puntod ni Albert.

Inakbayan ni Maita ang anak at hinilig ang ulo sa balikat nito.

"Tayong dalawa na lang ngayon anak.. Kailangan natin magtulungan.. Mas makakabuti siguro kung doon na lang tayo sa America tumira.."sabi ni Maita.

Si Lexin naman ay hindi kumikibo, wari bay malalim ang iniisip at sinasaloob.

Sa di kalayuan, nakamasid naman ang kanina pa pala nandoong si Ysa. Napagpasyahan nyang pumunta sa libing bilang respeto sa kanya pa lang totoong ama. At mula sa malayo ay tanaw na tanaw nya ang babaeng nakaitim na nakamasid sa magina. Tinitigan nya ito maigi ng biglang..

"YSA.. "

Kamuntik ng mapatalon si Ysa sa pagkabigla, nilingon nya ito at doon nakita nya ang kanyang kapatid na si Flor.

"Ate.. Anong ginagawa mo dito?"tanong nya at saka bigla na lang umiwas at lumakad palayo.

"Umuwi ka na sa atin, saan ka ba nakikituloy, halos isang linggo ka ng hindi umuuwi, alalang alala si Mama sayo.. "mabilis na sabi ni Flor.

"Hindi na ako babalik doon, puro kasinungalingan lang ang maririnig ko sa pamamahay na yon!"naglalakad na wika ni Ysa. Hinila ni Flor ito sa braso at pinatigil.

"YSA ANO BA!!"

"Tigilan nyo na ako! Tigilan nyo na ako! Ayoko na! Ayoko ng may marinig sa kahit sino sa inyo dahil puro kayo sinungaling!"sigaw ni Ysa, isang sampal ang dumapo sa pisngi nito mula sa kapatid.

"ANO BANG NANGYAYARI SAYO! At kailan ka pa nagkaganyan! Yan ba ang epekto sayo ng lalaking iyon? Ha YSA! Ganyan ba ang epekto sayo ni Lexin.. Nakakalimutan mo na kami pahalagahan!"madamdaming wika ni Flor kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha.

"HINDI MO NAIINTINIDHAN! WALA KANG ALAM SA NARARAMDAMAN KO DAHIL HINDI IKAW ANG ANAK NI MAMA SA IBANG LALAKI! HINDI IKAW.. HINDI IKAW ANG KAPATID NG KAISA ISANG LALAKING PINAGALAYAN MO NG PAGMAMAHAL"nakayuko pa ring sinabi ni Ysa na hindi tumitingin sa ate nya.

"AT ANO YSA! DAHIL SA PANGYAYARING IYON SISIRAIN MO BUHAY MO! HA! BAKIT.. GINUSTO BA NI MAMA NA MARAPE SYA! HA YSA!"pasigaw pa ring pahayag nI Flor. "Sa sobrang selfish mo, ni nakalimutan mo ngang isipin o alalahanin man lang kung anong nararamdaman ni Mama sa lahat ng ito.. Bakit Ysa.. Sa tingin mo hindi sya nasasaktan sa nangyayari sayo?"naiiyak pa ring sabi ni Flor na sa pagkakataong iyon ay pilit hinaharap ang mukha ng umiiyak na pa lang si Ysa.

"YSA.. Kung meron mang biktima dito, si Mama yon, dahil sya ang binaboy.. Paulit ulit na binaboy, kung tutuusin, dapat nilaglag ka na nya noon pa dahil bunga ka ng kahayupan ng lalaking yon, pero hindi, hindi nya pinagkait sayo ang mabuhay.. Tapos eto ka, nagmamaktol dahil sa isang lalaking hindi mo pwedeng makatuluyan samantalang anytime pwede ka pa naman makahanap ng iba.. Pero si Mama, isa lang.. "wika pa ni Flor.

Sa pagkakataong iyon ay parang naupos na kandila si Ysa at nagiiyak. Masyadong madaming masakit na pangyayari ang parang sasabog na sa dibdib nya.

"Kung talagang ayaw mo na umuwi, fine.. Sige, magmukmok ka, pagmukmokan mo ang lalaking iyon.."sabi ni Flor sabay pahid sa mga luha nya at saka tumalikod at tumungo sa taxi na kanina pa naghihintay sa kanya.

Bago tuluyang makalayo ay nilingon pa ni Flor si Ysa at nagsalita. "Alam mo, sana hindi mo na lang talaga nakilala si Lexin.. Mas maganda siguro ang buhay natin.."pagkawika ay dire diretso itong sumakay sa kotse.

Nilingon ni Ysa ang kapatid, pero nagimbal sya sa nakitang eksena, may nakasulat sa binatana ng taxing sinasakyan ni Flor.

"ISUSUNOD KO NA SYA"

Napahabol si Ysa sa taxi na umandar na.

"Hindi, wag! Huwag ang ate ko!"ani Ysa habang tumatakbo. "WAG SYA! TAMA NA! TIGILAN NYO NA KAMI! WAG ANG KAPATID KOO!"habol ni Ysa sa taxi na nakalayo na. "HUWAAAGGGGG"

Sa malayo naman ay natanaw ni Lexin ang umiiyak at tumatakbo.

"YSA.."nasabi na lang ni Lexin at saka tinakbo ang babaeng minamahal.

"YSA.. ANONG NANGYAYARI!"tanong ni Lexin sabay pigil sa nagwawalang si Ysa.

"Bakit ayaw nya kaming tigilan! Ano bang kasalanan namin sa kanyaaa!"paglulupasay ni Ysa, niyakap ito ni Lexin at inawat, sya namang dating ni Maita.

"Anong nangyari Lexin? Anong nangyayari kay Ysa"usisa nito ng makita ang pagwawala ni Ysa. Maguusisa pa sana muli si Maita ng matingin sya sa likod ni Lexin. Nandoon ang babaeng nakaitim.

"KUKUNIN KO NA SYA.. AKIN NA SYA.."nakapangingilabot na sabi nito na tanging si Maita lang ang nakakarinig, napaatras ito na nanlalaki ang mata.

"Ma bakit?"tanong ni Lexin.

"Layuan mo ako! Layuan mo kami! Umalis ka diyan Lexin"takot na takot na sabi ni Maita at saka hinila si Lexin.

"Ma, bakit! Anong nangyayari sayo?"takang taka at nagaalalang Tanong ni Lexin.

"HUWAAAGGGGGGGGG!"sabi ni Maita ay saka paatras na nagtatakbo na takot na takot ng makitang papalapit sa kanya ang babaeng nakaitim. Unti unti itong lumapit sa kanya at nakangising nagwika.

"AKIN NA SI LEXIN MAITA! AKIN NA SYA" nanlalaki at nanlilisik ang matang pahayag ng babaeng nakaitim.

"HINDI! HINDI! HINDEEEE!"sigaw ni Maita at saka mabilis na nagtatakbo.

"Ma! Anong nangyayari sa inyo?"tanong ni Lexin. Na bumitaw Sa pagkakayakap kay Ysa.

"waaaagggggg! Ang Mama mo Lexin! Tulungan mo sya!"sigaw ni Ysa nakikitang papalapit kay Maita ang babaeng nakaitim.

"Saan! Saan ko sya tutulungan?"nalilitong sabi ni Lexin at saka humabol sa malayo ng inang takot na takot na tumatakbo.

Si Maita ay sindak na sindak dahil sinusundan pa din sya ng babaeng nakaitim. Nadapa tuloy sya dahil at napatihaya, isang sakal naman ang nagbangon sa kanya mula sa pagkakadapa.

"KASALANAN NYO LAHAT TO! KASALANAN NYO KUNG BAKIT AKO GANTO MAITA! KASALANAN NYOOO! MAGBABAYAD KAYO! MAGBABAYAD KAYO! PAPAATAYIN KO KAYO LAHATTTTTTTTTTTTTTTT"gigil na gigil na sabi ng babaeng nakaitim habang sakal sakal si Maita, pasakal nya itong tinutulak sa may kalsada kung saan mabilis na rumaragsa ang mga sasakyan.

"MA! UMALIS KA DIYAN AT BAKA MASAGASAAN KA!"sigaw ni Lexin ng makitang malapit na sa kalsada ang ina, mabilis nya itong tinakbo.

"TINGNAN MO NA SI LEXIN SA HULING PAGKAKATAON MAITA! TINGNAN MO NA SYA.. DAHIL HINDI MO NA SYA MAKIKITA, HINDING HINDI NA!"pagkasabi nito ay tinulak ng babaeng nakaitim si Maita sa kalsada ng saktong may mabilis na kotse na dumadaan, huli na bago makapreno ang kotse dahil nabunggo na nya ito at nakaladkad.

"PAALAM KAPATID KO.."ngising sabi ng babaeng nakaitim at saka naglaho.

"MAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!"sigaw ni Lexin na kitang kita ang pangyayari, agad agad nya itong tinakbo at doon ay nakita nya ang duguang si Maita na wala ng buhay.

Si Ysa naman ay napatulala sa nakita. Isang malakas na hangin ang umihip at isang tinig ang kanyang narinig.

"HUMANDA KA.. ISUSUNOD KO NA KAYO.. "

+
*****

"BAGO KO ITULOY ANG KASALANG ITO AY MAYROON BANG TUMUTUTOL.."wika ng pari.

ISANG SUNOD SUNOD NA PALAKPAK ANG NARINIG SA BUONG SIMBAHAN AT NAGLINUNGAN ANG MGA TAO SA SIMBAHAN MAGING ANG IKAKASAL NA SI TRINI AT CRISANTO.

""Tingnan mo nga naman! Ang dalawa kong matalik na kaibigan, ang dalawa kong ahas na mga kaibigan na matapos kong tulungan ay tinuklaw naman ako pagkatalikod, mga hayop kayo! Hindi kayo magiging masaya tandaan nyo yan!"banta ni Lucia. Tumayo ang ilan sa mga lalaking kaanak ni Trini at Crisanto para pigilan si Lucia.

"HINDI NYO AKO MAPIPIGIL, MALALAMAN DIN NYA CRISANTO! MALALAMAN DIN NYA!!"banta nito at saka tuluyang nailabas ito sa simbahan.

"Father Miguel, pasensya na po, ituloy nyo na po ang kasal.."pakiusap ni Crisanto.

***

"Ano yung sinasabi ni Lucia na kailangan kong malaman"tanong ni Trini ng matapos ang reception at nasa kwarto na sila.

Hindi kumibo si Crisanto, bagkos ay hinawakan nito ang kamay ni Trini at hinalikan.

"Mahal na Mahal kita, yun ang importante.."wika ni Crisanto

***

"Hi Crisanto,Hi Trini.. Kamusta na kayong magasawa?"bati ni Lucia sa magasawang kararating lang.

"Mabuti naman Lucia, nasaan Asawa mo?"ganting bati naman ni Trini pero si Crisanto ay tila hindi kumportable sa presensya ni Lucia.

"ayun, busy sa trabaho? Kamusta na ang anak nyo Crisanto"baling ni Lucia sa asawa ni Trini.

"Ah eh.. Ah.. Okay naman..ang anak mo kamusta na"naiilang na sabi ni Crisanto kay Lucia.

"Ang anak ko? Hmmm, okay naman sya..mabuti naman si..."

"MOMMY.. !"tawag ng isang batang babae.

"Oh Hi BabY!"masiglang bati ni Lucia sa batang nasa 6 na taong gulang.

"Ang ganda naman ng anak nyo ni Daniel Lucia, whats her name?"tanong ni Trining.

"Ah, sya.. Her name is Crisanta Corine Rivera.."sagot nito,sya namang dating ng asawa nito.

"O hi Honey, Have you met Trini and Crisanto,mga friends ko.."malambing na wika nito.

"Hi.."maikling tugon ni Daniel Rivera at saka binuhat ang batang si Corine. "Uuwi na tayo"

****

"Crisanto.. Nabalitaan mo na ba?"tanong ni Trini, kagagaling lang ni Crisanto non galing sa trabaho.

"Ano yun?"sabi naman ni Crisanto.

"Patay na si Lucia"malungkot na balita ni Trini.

Napanganga si Crisanto sa narinig, at napailing.

"Last time na nakita natin sya was 10 years ago pa dun sa party.."ani pa ni Trini.

"Ano daw kinamatay nya?"natanong na lang ni Crisanto.

"Hindi pa alam, basta daw natagpuan na lang to na walang buhay doon sa school na pinagtuturuan nya.."sagot ni Trini.

"HI PA!"bati ni Tristan sa ama na kararating lang.

"O Tristan, masayang masaya ka ata"pansin ni Crisanto sa anak.

"Tama Pa! Kasi ako ang magiging representative ng school para sa art contest.."proud na proud na sabi ni Tristan.

"WOW! IM SO PROUD OF YOU ANAK!"masayang sabi ni Crisanto. "Narinig mo yun Trini, manang mana talaga sa akin ang anak ko."

"Naku, kayo talagang mag-ama, saan nama gaganapin yang contest na yan Tristan?"tanong ni Trini.

"SA BAGUIO PO MA, AT GUSTO KO, SAMAHAN AKO NI PAPA PAGAKAYAT DOON"

******

"Misis, gusto ko lang po sanang ipaalam sa inyo na, dakong alas diyes ng gabi ay natagpuan naming patay si Crisanto Pangilinan"balita ng pulis kay Trini.

"HINDEEEEE! HINDEEEEEE! HINDEEEEEEEEEE!"

****

"HINDEE!"bangon ni Trini.

"Mam, bakit po?"nagising naman ang nurse na si Anna. Nanaginip na naman ang kanyang alaga. Paulit ulit lang naman ang panaginip nito, pero ang laki pa rin ng epekto kay Trini dahil gigising ito na sumisigaw at umiiyak.

"Tahan na po Mam.. "awat ni Ana sa pagiyak ng alaga.

"Si Crisanto, iniwan nya ako.. Namatay sya.. Bakit ganon, bakit namatay siya ilang araw matapos mamatay ni Lucia.. Huhuhuhu"tangis nito.

+

"SO YSA, NAPATUNAYAN MO NA BA SA SARILI MO KUNG GAANO KA KAMALAS"bungad ni Corine kay Ysa na kakapasok lang, balitang balita na kasi na patay na rin si Maita Apostol, sari saring tsismisan ang lumabas, paano naman ay sunod sunod ang naging pagkamatay ng pamilya Apostol, unang una si Marietta, sumunod naman ay si Alberto, at kakalibing lang ni Alberto ay sumunod naman si Maita. At syempre, sa eskwelahan, si Ysa ang naging tampulan ng sisi dahil halos konektado sa kanya lagi ang mga sunod sunod na pagkamatay.

"PWEDE BA CORINE, WALA AKO SA MOOD MAKIPAGASARAN SAYO.."Seryosong sabi ni Ysa at saka nagtangkang pumasok sa room. Humarang naman si Corine sa daanan.

"And where do you think you're going Ysa? Papasok ka? Eh kung isa naman sa aming mga classmate mo ang biglang mamatay ng sunod sunod? Damn.. Mas nagiging nakakatakot ka na day by day Ysa.. Una, magkasunod na namatay ang kaibigan mo, then ang mga kaibigan mo, then ang pamilya ni Lexin.. Isnt it funny, na lahat yon may kinalaman sayo.. "pangaasar ni Lexin.

"Pwede ba Corine.."

"At sa sobrang kamalasan mo, pati Tatay mo dinamay mo.. Oopps, I was talking about your not real father ah, not the real one.." ngisi pa ni Corine. Sa puntong iyon ay di na nakapagtimpi si Ysa. Bigla nyang hinila ang buhok ni Corine.

"ANONG GUSTONG MARINIG CORINE, NA PINATAY KO SILA? HA? YUN BA? GUSTO MONG MARINIG NA AMININ KONG MALAS AKO O MAMATAY TAO AKO?"sabi ni Ysa.

"BAKIT! TALAGA NAMAN! DAHIL YOU'RE FREAK!"

Isinandal ni Ysa si Corine sa may pinto, at saka sinakal.

"GUSTO MONG MAKITA HA CORINE, GUSTO MO MAPATUNAYAN KUNG MAMATAY TAO TALAGA AKO? GUSTO MONG SAMPULAN KITA? HA!"galit na galit na sabi ni Ysa. Nagpumiglas si Corine at nakawala sa pagkasakal ni Ysa. Tiningnan nya ito ng masama.

No comments:

Post a Comment