Thursday, January 26, 2012

14

CAMPUS QUEEN ( Chapter 14 )
..
+
"Ang ganda ganda talaga ng anak ko, Im sure.. Ikaw na ang mananalo"papuri ni Lina sa anak habang inaayusan ito ng baklang inupahan ni Corine.

"Syempre naman tita Lina, si Ysa ata ang pinakamagandang babae sa lahat."dagdag ni Lexin.

"Asus, nagbolahan pa tong future magbiyenan!"singit naman ni Flor na nandoon din sa dressing room.

"Okay, okay lahat ng di kailangan dito pwede ng lumabas!"sigaw ng baklang organizer ng pageant.

"O paano Mine, wag ka kakabahan ah, sigurado naman ang pagkapanalo mo eh"wika ni Lexin bago umalis pero pinigil ito ni Ysa ay niyakap.

"Thank you Lexin, thank you sa lahat sana wag kang magbabago ah"sabi ni Ysa habang nakayakap sa nobyo, napatingin sya sa salamin at nakita nya na may isang babaeng nakatayo doon at nakamasid sa kanila, nakasuot ito ng gown pero ang pinagkaiba nga lang ay sobrang putla nito at parang wala ng buhay.

Nilingon ito ni Ysa pero wala namang nakatayo doon.

"Bakit?"tanong ni Lexin.

"wala, wala.. Kinakabahan lang ako, pagsisinungaling ni Ysa at sak pasimpleng humarap muli sa salamin pero wala na ito.

Hinarap ni Lexin sa kanya at saka ito hinalikan sa noo at saka nagwika."Wag kang kakabahan, nandito lang ako lagi, kahit anong mangyari.."

Ngumiti si Ysa at niyakap ang nobyo."Salamat Mine"

At sa di kalayuan ay nakatanaw lang si Corine.

"Sige Ysa, lubus lubusin mo na yang moments mo with Lexin.. Dahil maya maya,ni hindi ka ni pagtingin sayo ay di nya masikmura."nakangising sabi ni Corine at saka tumalikod, pagtalikod na pagtalikod nya ay nandoon ang babaeng nakaitim at nakangisi din ito.

+ S

"LADIES AND GENTLEMEN, LET ME PRESENT YOU THE CANDIDATES FOR CAMPUS QUEEN 2012, LETS GIVE THEM A ROUND OF APPLAUSE!"bungad ng emcee.

At isang masiglang tugtog ang nakasalang habang rumarampa ang mga contestant, una ay casual wear, tapos ay sports wear at ang pinakahuli ay evening wear.

Sa tuwing lalabas si Ysa ay malakas na sigawan ang naririnig nya mula sa kapamilya at sa nobyo na panay ang kuha ng picture sa kanya.

Napatingin si Ysa sa gawi nila Lexin at doon ay nakita na naman nya ang babaeng nakita kanina sa salamin, malungkot itong nakatingin sa kanya.

Hindi sya nagpahalata sa pagkatakot, dire diretso pa rin sya sa pagrampa.

Natapos ang lahat ng bahagi ng contest at oras na para sa pagaaward, ang campus queen ay popularity contest, pinakamaraming nabentang ticket ang mananalo.

"Our 2nd runner up with 17, 825 worth of ticket that been sold, ladies and gentlemen MICHELLE DUZON.."announce ng emcee, palakpakan naman ang mga tigasuporta na natawag, lumapit ang natawag at sinuotan ng sash at maliit na korona at saka boquet of flowers

"Our first runner up, with 20, 160 worth of ticket that been sold, ladies and gentlemen, LESLEY FLORES.."tawag muli ng emcee at katulad din ng naunang natawag, sigawan din ang mga supporters nito. Lumakad din ito sa harapan at inawardan.

Kabadong kabado si Ysa sa mga oras na yon, hindi naman sya sikat sa school katulad ng mga naunang tinawag kaya malabong manalo sya.

"Before we announce the new campus queen, let me call on our former Campus Queen Ms. Corine Rivera to leave a few message for our contestants."Sabi ng emcee.

Glamorosong umakyat ng stage si Corine at saka kinuha ang mike sa emcee at nagsalita.

"Good Evening Ladies and gentlemen, to all the teachers,and my fellow students, before i pass my crown as the campus queen, let me leave a short message for our aspiring campus queen"simula ni Corine at saka tumitig kay Ysa. "Enjoy the Fame that the school will give you, after this night, you will no longer be an ordinary student, just make sure that you can handle all the consequences"makahulugang sabi ni Corine na parang ang sinasabihan lang ay si Ysa.

Matapos magsalita ay Kinuha na ng emcee ang mike para ianounce ang mananalo.

"and our new Campus Queen with 50،500 worth of ticket that been sold.. Our new Campus Queen is.. YSABELLA FAJARDO!"sigaw ng emcee.

Sigawan ang mga kasama ni Ysa ng marinig ang pangalan nya, nagtatalon si Lewis, sigaw ng sigaw naman ang maginang si Lina at Flor, samantalang si Javier ay tuwang tuwang nakipagapir pa kay Lexin na proud ng proud naman sa girlfriend.

Si Ysa naman ay hindi makapaniwala, lalo nat inabot ng 50, OOO ang nabentang ticket nya, nangingini na lumakad sya palapit sa harapan ng stage, nakangiting lumapit sa kanya si Corine at bineso.

"Congrats.."maikling sabi nya at saka ito sinuotan ito ng sash, kabang kaba si Ysa, masayang masaya siya, matapos makoronahan ay kumaway kaway pa si Ysa.

Si Corine naman ay nakamasid lang at nangingiti, hinanap ng mata nya si Yuan at ng makita ay tinanguan ito, ng tanguan si Yuan ay may tinawagan naman ito sa cellphone at maya maya ay..

Namatay lahat ng ilaw sa event hall, at saka biglang bumukas ang malaking screen kung saan kanina ay pinapakita ang mga pictures ng mga contestant.

Una ay blanko lang ito pero maya maya ay nagkaeksena na, sa eksena ay may nakahigang babae sa kama, kinukunan ito mula ulo hanggang paa. Dinig na dinig din nila ang boses ng kumukuha.

"Sweety.. Gising na.. Gising na sweety.."wika ng boses.

Pamaya maya ay kinlose up ang mukha ng babae, at ang babae ay walang iba kundi ang bagong hirang na Campus Queen, si Ysa.

Gulat na gulat si Ysa sa nakita, lalo na ng napalitan ang eksena kung saan ay nakatalikod na sya at nakakandong sa lalaki at nakikipaghalikan, hindi nya makita ang mukha pero tiyak na iisipin ng lahat ng nakakapanood na sya pa rin yun dahil sa damit na suot. Ito yung damit na suot nya nung party sa rooftop. Ang mga sumunod na eksena ay mas naging mainit na,wala ng saplot ang dalawang nasa video at maya maya pa ay naiba na naman ang eksena, pinakita ang mukha ni Ysa at pagkatapos ay ang 5 lalaki na nagpapakasasa sa katawan ng babae.

"Si Ate.."nabiglang sabi ni Lewis na napanood ito, bigla namang tinakpan ni Flor ang mata ng kapatid.

Gimbal na gimbal si Ysa sa napanood, dinig na dinig nya ang sinasabi ng nasa video.

"Sige pa Ysa.. sige pa.."sabi ng boses.

Dinig na dinig din ni Ysa ang bulung bulungan ng mga tao, maging ang panic ng mga teachers.

"Ano ba yan! Papatay nyo yan.. Nakakahiya.. Ano ba yan.." sabi ng Dean.

Nakita nya ang mga mukha ng mga tao na tingin pa lang sa kanya ay alam nyang hinuhusgahan sya at nang magawi sya sa mukha ng mga mahal nya sa buhay ay pareho lang ito ng sa ibang nandoon, at si Lexin, kitang kita nya ang poot at disappointment sa mukha nito.

"Lexin!"tawag nya sa nobyo, pero mabilis na lumabas ito, kasunod ang pamilya nya.

"Ma.. Pa.. "tawag nya at saka sya nagmamadaling bumaba sa stage, hinagis na lang nya kung saan ang bulaklak na hawak. Hindi nya ininda ang mga samut saring komento ng mga tao doon.

Paglabas nya ay nakita nyang pinagsususuntok ni Lexin ang pader at saka pinagsisipa ang mga basurahan.

"Lexin.. Lexin.."tawag nya sabay lapit dito. "Lexin magpapaliwanag ako"bungad nya at saka humawak sa braso nito.

Pero tinabig iyon ni Lexin. "Ano pa! Ano pa ang sasabihin mo Ysa! Ano na namang kasinungalingang itatanim mo sa utak ko! Anong paliwanag pa ang maibibigay mo sa lahat ng nakita ko!! Ha Ysa!!"galit na galit na sigaw ni Lexin.


"Hindi ako ang nasa sex video na yon!"sigaw ni Ysa kay Lexin.

"Sinungaling!!"ganting sigaw ni Lexin.

"Maniwala ka sa akin hindi ako yon!kung mahal mo ako mas papaniwalaan mo ako!"umiiyak na sabi ni Ysa.

"Yan ba ang dahilan, yan ba ang dahilan kung bakit ayaw mong saktan ko si Yuan,dahil sa video na yon? Kaya mo ba inaagaw yung cellphone nya nung isang araw Ysa! HA!"galaiting galaiti na sabi ni Lexin.

Naiiling na umiiyak si Ysa, "Hindi mo naiitindihan.. Hindi ganon ang nangyari.. Hindi.."

"Wag mo na bilugin ang ulo ko Ysa, madumi kang babae, tama sila Bea, malande ka! Madumi!"sigaw ni Lexin at isang malakas na sampal ang ginanti ni Ysa.

Tinitigan sya ng matalim ni Lexin at saka ito umalis,sinundan naman nya ito.

"Lexin.. Lexin Im sorry, nabigla lang ako, hindi ko sinasadya!"sigaw nya sa binata na mabilis ang lakad.

Hanggang sa paradahan ay sinundan ito ni Ysa, pero binalewala sya ni Lexin at dire diretsong sumakay ng kotse.

"Lexin.. Magusap tayo!"kalampag ni Ysa sa bintana ng kotse. "Magusap tayo! Pagusapan natin to!"patuloy na kalampag ni Ysa kahit umaandar na ang kotse, hinabol pa nya ito hanggang sa labas ng school.

"Lexiinnn Lexiinnnne!"sigaw nya at saka dahan dahang napaupo at nagiiyak.

+ M

"CHEERSS!!"masayang sabi ni Corine, nasa bar sila nila Mildred, Bea, at Yuan at ang mga kabarkada nito. Sabay sabay silang nagtose.
"Para sa pagbagsak ni Ysabella Fajardo!"sigaw ni Corinr.

"CHEERS!"sabay sabay nilang sigaw.

"Ang galing galing mo talaga Corine, all this time, umaarte ka lang pala, pati kami naloko mo, lalong lalo na ako!"bulalas ni Bea.

"Excuse me, ikaw lang ang naloko, I've known Corine since Pre-school and I know what is acting and what is not"nakasmile na tingin ni Mildred kay Corine.

"Les drink to that!"ganting sabi ni Corine at saka nakipagtose.

"So Corine, ano ang susunod na plano?"tanong ni Yuan at saka tumabi sa binata.

"Relax.. Hinay hinay lang.. Sa ngayon, pakalat muna natin yung edited na video and then will spread all over the town, at dahil sa kahihiyan, ikikick out sya sa school, and you know what is more exciting, iiyak iyak syang babalik sa Lugar ng mga aswang na yon"sabi ni Corine na tuwang tuwa at saka nilagok ang hawak bote ng alak..

"Paano si Lexin? Baka magimbestiga yon?"nagaalalang sabi ni Yuan.

"I doubt it, din you just saw his face when he saw the video, damn, he is so convinced, at saka isa pa, bago pa lumabas ang totoo, Ysa and her family is out of here!"malanding sabi ni Corine. "Tingnan nating ngayon ang galing Ysa.. You want to be famous.. I Just made you sooo famous"tawa ni Corine at saka nagtwanan don ang mga kasama.

+

Tulala si Ysa habang nakaupo ito sa taxi, hindi na nya nakita ang mga magulang, kaya kahit walang pera ay sumakay na lang ito ng taxi.

Nagkalat na ang eyeliner at mascara sa mukha ni Ysa dahil sa kakaiyak kaya hindi na sya nagtaka kung bakit tingin ng tingin sa kanya ang driver. Nang makarating sa bahay ay saka pa lang narealize ni Ysa na wala syang pera kaya binayad na lang nya ang bracelet na bigay sa kanya ni Lexin, tinanggap naman ito ng driver dahil alam nya siguro na magandang klase yon at orig. Pero bago pa man sya bumaba ay nagsalita ang driver.

"Miss.. Magiingat ka.. Kanina pagsakay mo ay may kasama kang dalawang babae.."babala nito.

Para namang kinilabutan si Ysa sa narinig pero dahil mas mabigat ang nararamdaman ay hindi na nya iyon masyadong binigyan ng pansin.

+ P

"Wala kang kwentang anak! Napakalandi mo!"galit na galit na sabi ni Javier kay Ysa at saka ito sinampal. Kakapasok pa lang nya ng pintuan ay iyon na kaagad ang bumungad sa kanya.

Napahawak sya sa pisngi nya.

"Ano ka ba naman Javier, maghunusdili ka, nakakahiya sa mga kapitbahay!"awat ni Lina.

"Nakakahiya! Nakakahiya! Wala ng mas nakakahiya pa sa ginawa ng anak mo Lina! Sirang sira na tayo dahil sa kalandian nyang anak mo na yan!"gigil na gigil si Javier"Hindi ka na nahiya, pati yung kapatid mong walang kamuwang muwang nakikita yung kababuyang pinagagagawa mo!"galit pa na sabi nito at saka napahawak sa dibdib nya at biglang tumirik ang mga mata nito ay inatake.

"Pa.. Pa.. Pa!!"sigaw ni Flor at agad na tumawag ng tulong sa kapitbahay."Tulungan nyo po kami!! Tulong!! Si papa.. Inatake"sigaw nito sa labas samantalang si Lina ay agad na tumabi sa asawa, tarantang taranta si Ysa at hindi malaman ang gagawin. Maya maya ay dumating na ang kapitbahay, agad na binuhat nito si Javier at nagmamadaling sinakay sa unang unang tricycle na nakita,si Flor agad ang sumunod dito samantalang si Lina ay tarantang taranta at kumuha ng mga kakailanganin, si Ysa naman ay nagiiyak sa isang tabi.

Nakita ito ni Lina, at napalitan ng galit ang taranta nito,"Kita mo na Ysa ang bunga ng mga pinagagagwa mo! Pati ama mo nadadamay sa kagagahan mo!"galit na sabi nito ay saka umalis matapos kunin ang mga kailangan.

Naiwang tulala si Ysa, pakiramdam nya ay pinagtakluban sya ng langit at lupa, kinamumuhian na sya ni Lexin at ang mga magulang naman nya ay halos isumpa sya dahil sa video na yon.

Matapos maligo at magbihis ay napatingin na lang sya sa sash at korona. "Eto ba. Eto ba ang kapalit ng pagiging Campus Queen?"naiiyak na namang sabi nya at saka sya tumabi sa nakakabatang kapatid na si Lewis, niyakap nya ito. "Sorry Lewis, hindi ko naman sinasadyang magkaganon si Papa" bigla namang nagising ang kapatid at ng makita syang umiiyak ay tumayo umupo ito mula sa pagkakahiga.

"Ate.. Bakit ka umiiyak?"tanong nya at saka pinahiran ang luha sa mata nito na lalaong nagpaiyak kay Ysa.

"Wala.. sad lang si Ate kasi naging bad sya.."iyak ng iyak na sabi nya.

"Hindi ka bad ate.. Alam ko hindi ka masama.. hindi ko alam ang nangyayari pero alam ko ate mabait ka.. "sa simpleng sinabing iyon ng kapatid ay lalaong bumuhos ang emosyon ni Ysa, pakiramdam nya ay nakahanap sya ng kakampi, niyakap nya ang kapatid at maya maya ay sabay silang nakatulog.

+ M

***

Isang babae ang umiiyak, maganda ang babae, mahaba ang buhok, minukhaan nya ito at nakilala, ito ang babae na nagpapakita sa kanya sa pageant. Nilapitan ni Ysa yon. Paglapit nya doon sa hinawakan sya bigla nito sa braso at tinitigan ng masama.

"Mangyayari na naman mga nangyari na.. Uulit and di dapat maulit.. Madami na namang mamamatay.."wika nito at saka ito yumuko at pagtingala ulit nito at ang magandang mukha nito ay duguan at unti unti itong naagnas sa paningin nya.
***

"AHHHHHHHHHHHHHH!"sigaw ni Ysa at saka biglang bumalikwas ng bangon.

"Anong nangyari?"nagaalalang tanong ni Flor na napasugod sa kwarto ng marinig ang sigaw ng kapatid, kagagaling lang ni Flor sa hospital at kasalukuyang inaasikaso ang bunsong kapatid na si Lewis

Pawis na pawis naman si Ysa at takot na takot at saka tiningnan ang kapatid. "Nanaginip ako.." sagot nya.

"Akala ko kung ano na"matabang na sagot ni Flor at saka tinalikuran si Ysa at lumabas ng kwarto.

Biglang natauhan si Ysa mula sa trauma sa panaginip, nagmamadali syang lumabas ng kwarto at sinundan ang kapatid.

"Nagluto na ako ng pagkain nyo ni Lewis, ikaw na bahalang maginit, may pera sa ibabaw ng ref, in case kailangan nyo"malamig na sabi ni Flor habang naglalagay ng pagkain sa tupper ware para dalin sa hospital.

"Kmusta na si Papa ate?"tanong ni Ysa.

"Under observation pa sya"maikling tugon ni Flor.

Napansin ni Flor na kakaiba ang pakikitungo ni Flor sa kanya, lumapit si Ysa sa kapatid at niyakap ito katulad ng lagi nyang ginagawa.

"Ate.. Sorry.."lambing ni Ysa pero kumawala si Flor sa pagkayakap.

"pati ba naman ikaw ate galit sa akin"malungkot na sabi ni Ysa.

Napatingin sa kanya si Flor at napapalo hampas sa mesa.

"Bakit Ysa.. Anong gusto mong maramdaman ko? Matuwa.. Maglulundag? Masiyahan dahil pinagpiyestahan ng kung sino sinong lalaki ang kapatid ko at inatake ang si Papa dahil don.. Ha Ysa? Yun ba gusto mo maramdaman ko?"sigaw ni Flor.

"Ilang ulit ko bang sasabihin na hindi ako yon! Hindi ako! Oo inaamin ko, ako yung nakahiga, muntik na akong reypin nila Yuan nung party pero nakatakas ako bago pa man sila mat gawin sa akin, kaya pano magiging ako yon, Ate, kilala mo ako.. Halos ikaw na ang bestfriend mo kaya ikaw higit sa lahat ang inaasahan kong makakaintindi sa akin lalo na sa gantong pagkakataon."madamdaming sabi ni Ysa.

Napayuko si Flor, inaamin nya, ayaw talaga nyang maniwala sa napanood na video pero dahil sa mga nangyayari ay pati sya ay naguguluhan, awang awa sya sa kapatid pero ayaw naman nyang kunsintihin ito sa mga nangyayari.

"Pupunta na ako ng hospital, ikaw na bahala kay Lewis.. Sige na.."nasabi na lang ni Flor kahit masakit sa loob nyang pakitaan ng ganon ang kapatid.

"Ate.."pigil ni Ysa sa braso. "Hindi ko na alam ang gagawin ko"emosyonal na sabi ni Ysa.

Hindi ito pinansin ni Flor at nagtuloy tuloy na umalis. Si Ysa ay naiwang tulala at umiiyak. Ito na ata ang pinakamadilim na yugto ng buhay nya.

Buong araw ay ginugol ni Ysa sa pagaayos sa bahay, nilibang nya ang sarili dahil ayaw nyang alalahanin ang mga pangyayari.

Nasa may terrace sya ng mapansin nya na kakarating rating lang ng kapitbahay na si Alexa, inaalalayan ito ni Axle, nakita nya na parang natigilan ito at lumingon kung nasaan sya at kitang kita nya na nailing ito.

Napagpasyahan ni Ysa na pumunta don, sinabihan nya si Lewis na nagpaplay station na wag aalis ng bahay.

Pakatok pa lang sya ay bumukas na ang pinto at bumungad sa kanya ang nakangiting si Axle.

"Kanina ka pa hinihintay ni Mama"sabi nito.

"Panong.."nasambit na lang nya at saka naalala na na may pagkamanghuhula pala si Alexa.

Tumuloy si Ysa, nakita nya na nakaupo ito sa sala at inaasahan na talaga sya, may nakahanda na ring Juice sa maliit na lamesa.

"Maupo ka Ysa.."sabi ni Alexa.

Naupo si Ysa at nilingon si Axle na palabas.

"Sasamahan nya si Lewis sa inyo para di ka masyado magalala sa kapatid mo."wika ni Alexa.

Napatango na lang si Ysa at saka humarap kay Alexa. "Ate Alexa.."umpisa ni Ysa.

"Alam ko Ysa, alam ko kung gaano nadudurog ang puso mo ngayon, nararamdaman ko"nakangiting sabi ni Alexa.

Napayuko si Ysa at saka humagulgol.

"Ysa.. Sa gantong pagkakataon ay ang pagiging matapang mo ang kailangan.. Mas madami pang darating na hindi maganda, mas grabe kumpara sa nangyayari sayo ngayon."payo nI Alexa.

"Anong ibig nyo sabihin?"tanong ni Ysa.

"Ysa.. Malalaman mo din, sa ngayon ang tanging magagawa ka lang ay balaan ka at tulungan gumaan pakiramdam mo"sabi ni Alexa at saka tumayo at tumungo sa isng cabinet at may kinuha, isang kandilang kulay rosas at saka umupo ulit.

"Kung gusto mo gumaan ang pakiramdam mo sa oras ng pighati, sindihan mo ito, makakatulong sayo to para makatulog ka na mapayapa at tanging magaganda lang ang mapapanaginipan mo"paliwnag ni Alexa at saka inabot ang kandila sakanya.

Kinuha ni Ysa yon pero nabitiwan din nya ng makita sa bintana ang isang babae na nakaputi, ito yung nasa panaginipan nya.

"Ysa.. May darating na tulong pero sana, imbes na katakutan mo ay tanggapin mo ito"babala ni Alexa.

+ D

***

"Mahal na mahal kita, lagi mo tatandaan yan.."wika ng lalaki sa babae, nasa may bench sila ng school.

"Mahal na mahal din kita.. Soobraaa, hindi ko kakayanin kung mawawala ka.."sagot naman ng babae, hindi nya maaninag ang mukha ng mga ito pero parang pamilyar ang mga boses nila.

***

Naiba ang eksena, papanik ang babae sa stage na nakagown, aawardan ito, malakas na palakpakan ang narinig nya.

"AND OUR NEW CAMPUS QUEEN IS..."

***

Napadilat si Ysa ng maputol ang panaginip, at pagdilat nya ay tiningnan nito ang kandila at doon nakita nya na naman ang babaeng nakaitim na sakto namang kakaihip lang sa kandilang bigay sa kanya at saka ito bumaling sa kanya at ngumit ng nakakaloko.

"TAKBOOO..."nakakakilabot na sabi ng babaeng nakaitim.

No comments:

Post a Comment