CAMPUS QUEEN ( Chapter 23 )
G
***
"Cely, ayan na naman yung anak ni Mayora, napakagwapo talaga ni sir Albert, napakaactive pa sa munsipyo kahit sa murang edad.."kinikilig na sabi ni Pilar na katrabaho ni Lina o mas kilalang Cely sa kanilang pinagtatrabahuhang restaurant.
"Asus, eh mukha namang mayabang, malayong malayo kay Mayora na mapagkumbaba, sige na puntahan mo na.."nakaismid na sabi ni Lina. Hindi alam ni Lina na napukaw na pala nya ang atensyon ni Albert ng mga oras na yun.
Sakto naman na nakalapit na si Pilar para tanungin ang order ng binata.
"Good Evening sir.. Here is our menu.."bati ni Pilar.
"Miss, anong pangalan nung kasamahan mo na yun,"nguso ni Albert kay Cely na abala sa ibang table sa pagkuha ng order.
"Si Cely po sir?"nakangiti pero nagtatakang tanong naman ni Pilar.
"Oo yun nga, gusto ko sya magsilbi sa amin.."utos ni Alberto.
"Pero sir, may.."
"Ang sabi ko gusto ko si Cely ang magsilbi sa amin.."diing sabi ni Albert.
Wala namang nagawa si Pilar kung hindi ang lumapit kay Cely.
"O bakit nakasimangot ka?"tanong ni Cely kay Pilar.
"Wala naman, yung crush ko kasi ikaw ang gustong magserve sa kanYa.."nakaismid na sabi ni Pilar.
"Ako, bakit ako.. Ayoko nga!"tanggi ni Cely o Lina.
"Wala kang magagawa, kaibigan nun yung mayari nito kaya sumunod ka na lang.. Sige ka pag natanggal ka dito di kayo makakaipon ni Javier sa kasal nyo.."pananakot kunwari ni Pilar sa kaibigan.
Sandaling napaisip si Cely at maya maya ay padabog na pumunta sa lamesa nila Albert.
"Good evening sir, welcome to Hernandez, may I take your order?"casual na sabi ni Cely.
"Can i take you out?"nakangiting sabi ni Albert, napatingin dito si Cely at saka sininghalan.
"Sir.. Nagkamali po kayo ng pinuntahan, hindi po ito ang kabaret at hindi po tinetakehome ang mga empleyada dito.."walang emosyong sabi ni Cely.
"O.. Cool ka lang, masyado ka naman hot.. ang ibig ko lang naman sabihin ay kung pwede kita yayayain sa labas.."nakangiting sabi ni Albert.
"Hindi po.. Pasensya na po sir, hindi po ako sumasama sa hindi ko po kilala"pormal pa ring wika ni Cely.
"Syempre kilala mo ako, anak ako ni Mayor Apostol.. At ikaw kilala kita, ikaw si Cely.."wika ni Albert at saka sinipat ang name plate ni Celey. "Celerina... Lu.. Luma.."
"Lumague po.. Oorder po ba kayo sir? Or aalis na po ako..kasi mukhang busog na po kayo sa mga salita nyo.."nakaismid ng wika ni Celerina at saka tumalikod.
"Miss Celerina Lumague, teka lang.. "pigil ni Albert. "Masyado ka naman seryoso, sige na, oorder na ako.."
Nakairap na tumalima si Cely.
"Isang Chicken Caldereta, isang lechon kawali at saka.."salota ni Albert habang sinisipat ang suot ni Cely na uniform, maikling paldang itim at puting blouse ang uniform nila sa restaurant. "At isang hitang manok.."ngisi ni Albert.
"Is that all sir?"naiinis ng tanong no Cely.
"Saka friend rice at pineapple juice"dagdag nito na ang mata ay nasa mga hita pa rin ni Cely.
Naiinis na umalis si Cely at kapagdakay tuloy tuloy sa kusina at binigay ang order.
Hindi na sya ang nagdala, pinili na lang nya na magstay sa kitchen kaysa makaharap ang anak ng Mayor nila.
Maya maya pa ay mismong boss na nya ang nagpatawag sa kanya. Agad syang sumunod pero laking gulat nya na ang boss pala nya ay nasa table ni Albert.
"Cely, halika! Dali.."tawag sa kanya ng boss pagkakita agad sa kanya.
"Bakit po sir?"
"Maupo ka dito.."utos ng boss nya, ang tinutukoy nito ay sa upuan sa tabi ni Albert.
"SIR?"parang naninigurong tanong nya.
"Ang sabi ko maupo ka dito..!"ulit nito. Wala sa loob na naupo na lang si Cely. "O ayan na Albert yung request mo.."nakangiting sabi ng boss ni Cely.
"Sir? Ano po ba yun?"di mapakaling sabi ni Cely dahil sa mga titig sa kanya ni Albert.
"Gusto ka kasi makilala nitong kaibigan ko Cely, anak to ni Mayora Marietta."wika ng boss ni Cely na si Edwin sabay hawak sa balikat nito.
"Eh sir.. May trabaho pa po ako.."sabi ni Cely at saka umakma na tatayo pero pinigilan ito ni Edwin.
"Sinabi ko na bang umalis ka? Binabayaran ko oras mo kaya pag sinabi kong maupo ka dito, maupo ka.."galit na sabi ni Edwin, may pustahan kasi sila ni Albert na mapapasunod nya ang dalaga pero sa inaakto ni Cely ay parang matatalo sya dito.
Si Cely naman na likas na palaban ay tila sumabog na sa puntong iyon, nanginginig ang lamang tumayo ito at saka hinarap ang dalawang lalaki.
"IM SORRY PO MR. DE OCAMPO, SA PAGKAKAALAM KO PO, WAITRESS PO ANG PINSUKAN KONG TRABAHO DITO AT HINDI POKPOK NA PWEDE NYO NA LANG ITABLE MAGKAKAIBIGAN!"galit na sabi ni Cely na kinatingin ng ibang costumer. "AT KUNG PINAGMAMALAKI NYO NA BINABAYARAN NYO ANG SERBISYO KO, PWES.. TINATAPOS KO NA ANG SERBISYO KO SA INYO!!"pagkasabi non ni Cely ay kinuha nito ang isang pitsel ng tubig na puro yelo at saka binuhos kay Edwin.
Gulat na gulat ang lalaki sa ginawa ni Cely, si Cely naman ay dali daling pumunta sa locker nya ay kinuha ang bag.
"WALANG HIYA KANG BABAE KA!"galit na sigaw ni Edwin ng matyempuhan ito na palabas, aakmaan na sana ya ito ng suntok ng pigilin ito ni Albert.
"Edwin.. Bakla lang ang pumapatol sa babae.!"ani Albert.
Binawi ni Edwin ang kamay at saka hinarap muli ang dalaga.
"Huwag na huwag ka ng babalik dito CELY! Hindi mo na makukuha ang sweldo mo! Layas!"galaiting galaiting sigaw ni Edwin.
"TALAGANG HINDI!! AT SAKSAK MO SA BAGA MO YANG PERA MO!"
***
Isang katok ang pumutol sa pagbabalik tanaw ni Lina ng mga sandaling iyon, kumpara kanina ay mahinahon na sya at nakakapagisip mabuti.
"Sino yan??"tanong nya.
"Ma, si Ysa po ito.. May gusto po sanang kumausap sa inyo.. "medyo alangnang sabi ni Ysa.
"SINO?"tanong ni Lina pero alam nyang si Lexin, nakita nya ito sa bintana kanina sa harap ng gate.
"Si Lexin po.."
"Lalabas na ako.."wika ni Cely.
+ S
Nakabawi na si Carlo mula sa pagkabigla, nakaupo na sya at pinagkape ng mga kaanak ni Charm.
"Hijo, kung hindi mo sana mamasamain, bakit ba naparito ka sa anak ko? May kaso ba sya?"nagaalalang tanong ni Berta at sa likod naman nito ay ang nakaalalay na si Adonis.
"Oo nga hijo, kasi kung hindi ako nagkakamali, tiga maynila ka at dalwang taon ng umuwi si Charmaine mula maynila, magkakilala ba kayo?"tanong ni Adonis.
"Hindi po, sa totoo lang po, naparito po ako dahil sa isang kaibigan.. Medyo hindi kapani paniwala kung paano naman nakilala si Charm, basta ang alam namin nasa kanya ang sagot, pero mukhang huli na ang lahat dahil wala na sya.. Kung hindi nyo ho mamasamain, Ano ho ba ang kinamatay nya?"tanong ni Carlo matapos ang paliwanag.
Kitang kita nya ang pagtitinginan ng magasawa, maging ang pagtitinginan ng ibang nandon sa lamay na tila ba natatakot.
"Sa totoo lang ho sir, hindi ho namin maipaliwanag.."sagot ni Adonis.
"Paanong hindi nyo po maipaliwanag..??"tanong ni Carlo.
"Isang hapon kasi, galing kami sa bayan, hinahanap namin sya pero hindi namin sya makita, akala namin nasa kapitbahay lang pero nung sasalok na ako ng tubig sa balon. Dun na bumalaga sa akin ang bangkay ng anak ko.."pigil na pigil ang iyak ni Mang Adonis.
"Narinig ko na lang sumigaw si Adonis kaya naman nung nilabas ko, kitang kita ko ang takot sa mata nya habang tinuturo ang balon, pagkahila ko sa pangkuha ng tubig, nagulat pa ako at mabigat, at pagkataas non ay nandoon si Charmaine, dilat na dilat ang mata na para bang takot na takot at nakalawit ang dila."humihikbi ng kwento ni Aling Berta.
Napaisip ng malalim si Carlo at tila ba nahuhulaan na ang nangyari.
"Akala ko hindi totoo ang sinasabi ni Charmaine noon, nung umuwi sya, Kakaiba na sya, dati kasi masiyahin sya pero biglang nagbago.. Naging matatakutin na sya, sarado daw namin ang pinto at bintana dahil may babaeng nakaitim, uwi uwi pa nya yung pinaghubarang damit ng namatay nyang kaibigan kasi daw hindi sya masusundan nito, maliban na lang daw kung may magsabi kung nasaan sya.."kwento pa ni Berta.
Naisip ni Carlo na marahil natunton ito nung ibigay ng nanay ni Grace ang address nito dito, yun din siguro ang isa sa dahilan kung bakit ayaw daw itong ibigay nung una.
"Nung umuwi ho sya, wala ho ba sya ibang nabanggit tungkol sa mga naging kaibigan nya sa Maynila?"naalalang itanong ni Carlo, nabanggit kasi ni Ysa sa kanya minsan ang kwento ng tatlong magkakaibigan.
"Wala pero meron syang isang kahon na pinakatago tago, patago daw yun ng kaibigan nya, hindi na ako nagusisa kung ano yun dahil kakaiba lagi sya pag may kinalaman sa kahon na yun"pahayag pa ni Berta.
"Nasaan po ba yung kahon na yan? Maari po bang makita kung hindi nyo mamasamain, maari ho kasing makatulong yun sa pagkatuklas ng pagkamatay ni Charmaine"nagbabakasakalin g sabi ni Carlo, nakita nyang parang medyo nagalangan ang magasawa pero maya maya ay nakita nyang tumngo si Berta at sya namang tayo ni Adonis na naintindihan ang tinuran ng asawa, pumunta ito sa isang kwarto at maya maya ay lumabas ito na may dalang isang kahon. Isang kahon ng sapatos na binalutan lang ng magandang disenyo, naupo si Adonis at inabot kay Carlo ang kahon.
Kinuha ni Carlo yun at tiningnan ang ibabaw, may picture doon ng tatlong babae, ang isa ay nakilala nyang si Charm. Ang dalawa ay marahil ang dalawa nyang kaibigan na namatay. Binuksan ni Carlo ang kahon at bumungad sa kanya ang samut saring laman nito, mga papel, mga lumang dyaryo, mya malilit pang kahon at isang tape recorder na may lamang tape. Ipeplay na sana nya iyon ng biglang humangin ng malakas at magpatay sindi ang ilaw. Tila nataranta ang mga naroon na para bang takot na takot lalo na ng nagumpisa ng magliparan ang mga gamit, kilabot na kilabot ang mga nakikiramay, kanya kanya silang dasal, si Carlo naman ay nabitiwan ang kahon tape recorder, mabuti na lamang ay hindi ito nasira dahil lupa ang sahig, yumuko sya para kunin ito at pagkahawak ay isang paa ang umapak sa kamay nya, tiningala sya at laking gulat nya ng mapagsino ang may-ari ng paa, ang babaeng nakaitim, na bagamat walang mata ay bakas na bakas sa mukha ang galit.
"HINDI MO KAMI MAPIPIGILAN NG ANAK KO.."wika nito at saka nito sinakal si Carlo. Ang mga nandun naman ay may nahintakutan ng makitang tumataas sa ere ang pulis na dumating. At maya maya pa ay isang lalaking nakatalukbong ang tumayo at nagsaboy ng lupa sa harap ni Carlo.
"ESPIRITU NG KAMPON! LUMAYAS KA SA PAMAMAHAY NA ITO.. !"sigaw nya at maya maya pa ay bumagsak na si Carlo.
Kahit sanay ng manganib ang buhay dahil sa trabaho ay nakaramdam si Carlo ng takot sa mga sandaling iyon, napahawak sya sa leeg at pagkatapos ay hinawakan nito ang tape recorder at saka hinagilap ang kahon at ang mga laman nito saka lumapit sa lalaking tumulong sa kanya, nakajacket ang lalaki ang nakasuot sa ulo ang hood nito kaya di nya mamukhaan, pero laking gulat pa sya ng mamukhaan ang lalaki ng tinanggal ito.
"AXLE!"bulalas ni Carlo.
"Kamusta po inspector?"wika ni Carlo.
"Anong ginagawa mo dito??"usisa nito.
"Magmula po ng ilibing si Mama, madalas po itong magpakita sa panaginip ko, at gusto nyang tulungan ko kayo, pinuntahan ko din si Mrs. Alumpihit para sa address ni Charm, pagkagaling ninyo ni Ysa sa kanila ay pinilit ko ito na ibaigay din sa akin ang address, pero ayaw nya, kaya pinili ko na lang na sundan ka at dahil sa pagtanong tanong mo ay narinig ko ang address kaya naman nauna na ako"kwento ni Axle.
"Nakalimutan kong banggitin ang pagdating nya kani kanina lang, sabi nya may kasama daw syang pulis para tumulong at ikaw nga yun"salita ni Aling Berta na nakabawi na mula sa kababalaghang naganap.
"Paano mo nalaman ang tungkol kila Charm?"natanong ni Carlo.
"Pinamana ni Mama sa akin ang kanyang kakayahan..parang sinalin nya sa akin ang mga alam nya.. Ang kagandahan lang, nakakakita ako kaya mas malakas ang kakayayahan ko.."sagot ni Axle.
"Ang papa mo?"
"Binilin sa akin ni Mama sa panaginip ko na wag na wag idamay si Papa sa kung ano mang ginagawa namin.. mapilit si Papa na isama ako sa ibang bansa pero katulad ko, nagpakita sa panaginip nya si Mama at sinabing kailangan ko pa manatili dito, at dahil malaki anh tiwala ni Papa kay Mama, pumayag ito pero isang buwan lang ang palugit, at kinailangan ko syang basahan ng ritual ng proteksyon para di sya idamay ng babae."kwento ni Axle.
"Kung ganon, kailangan natin magtulungan. Nanganganib si Ysa at lahat ng malapit sa kanya kaya kailangan tulungan natin sya.."nabuhayang sabi ni Carlo.
"Bago yun,"ani Axle at saka bumaling sa ina ni Charm. "Maari nyo po bang ipahiram sa amin ang damit na suot ni Charm nung namatay?"pakiusap nito, nung una ay bantulot ang magasawa pero ng ipaliwanag ni Carlo ang layunin ay binigay din nito. Matapos nun biniluhan ni Axle gamit ang isang patpat ang buong bahay na may hawak itong kandilang puti. Proteksyon daw ito sa sinomang masamang espiritung papasok. At pagkatapos nun ay dalawang maliit na kandila na pink ang inilagay nito sa kabaong ni Charm at saka nagbilin sa may asawa.
"Sa oras na maubos ang kandila na yan, ipalibing nyo na agad si Charm, dahil kung hindi, kagaya ng espiritu ng ibang namatay dahil sa babaeng nakaitim, hindi rin sya matatahimik."babala ni Axle. Tumango naman ang magasawa na manghang mangha sa sinasabi ni Axle.
Pagkatapos maibigay ang damit ni Charm nung namatayay agad ng nagpaalam ang dalawang lalaki.
Nang nasa kotse na ay masayang masaya si Carlo.
"Sa wakas, malalaman na natin ang katotohanan, tiyak matutuwa nito si Ysa.."ani Carlo.
"Sa tingin mo ba pag nalaman nya ang katotohanan matatapos na ang lahat inspector? Nagkakamali ka.. Magagaya lang sila sa mga namatay.. Sa ngayon, kailangan natin alamin ang nasa likod ng babaeng nakaitim.. at kung paano sya puksain.
"Anong ibig mo sabihin?"tanong ni Carlo. Pero hindi sya sinagot ni Axle, bagkus ay kinuha nito ang tape recorder at saka ito pinindot ang play.
"Hi, ako po si Arianne Liu, and today.. Naguumpisa ang araw ko sa LOZADA ARELLANO COLLEGE.. WISH ME LUCK...." simula ng boses sa tape recorder at pagkatapos ay tahimik ng pinakinggan ng dalawang binata ang mga susunod.
+ M
"Good Evening po Tita.. "magalang na bati ni Lexin kay Lina.
"Good Evening din Hijo.. "casual na sagot ni Lina na bago sa pandinig ni Lexin dahil kadalasan, pagkain kaagad ang alok nito sa kanya.
"Maupo ka.."pagpapaupo ni Lina kay Lexin. Nakapagbihis na si Lexin mula sa pagpapaulan, mabuti na lamang ay may damit itong naiwan kila Ysa kaya nakapagpalit din sya. "Ysa" baling ni Lina Sa anak.
"Ano yun Ma?"
"Pwede ba ibili mo ako ng gamot ko sa sakit ng ulo dun sa kanto.. Habang maaga pa.. Sige na anak,"utos ni Lina kaY Ysa. Agad namang sumunod si Ysa, pero bago lumabas ang dalaga ay tumingin muna ito kay Lexin at ngumiti.
Nang makaalis na si Ysa ay nagumpisa ng magsalita si Lexin.
"Tita.. Alam nyo naman po kung gano ko kamahal si Ysa, alam na alam nyo yan.. Kaya naman po sana kung may ano mang galit kayo sa ama ko, wag nyo na po idamay ang kung ano mang meron kami ni Ysa, gusto na po namin magpakasal.."titig na titig kay Linang sabi ni Lexin.
"HINDI PWEDE.."
Napatingin si Lexin kay Lina at nakita nito ang pagiba ng ekspresyon ng mukha ni Lina na para bang gulong gulo.
"Pero tita..!"
"Sana nga yung sama lang ng loob ko kay Albert ang problema, pero hindi.."emosyonal na wika ni Lina.
"Kung ganon tita.. Ano?"natanong ni Lexin. "Bakit bigla biglang tinatanggihan nyo ako para kay Ysa.."
"Dalawamput apat na taon na ana nakakaraan.."umpisa ng kwento ni Lina habang nakamasid sa malayo. "Nakilala ko si Albert sa isang restaurant na pinagtatrabahuhan ko nun, undergrad ako ng college nun kaya naman wala akong makitang magandang trabaho kaya napilitan akong mamasukan para makatulong na makaipon sa kasal namin ni Javier, at hindi ko makakalimutan ang araw na nakilala ko ang Papa mo dahil naging sanhi yun ng sapilitang pagreresign ko sa restaurant na yun, at akala ko, kapag umalis na ako dun ay mawawala na sya sa buhay ko pero nagkamali ako..."
***
"CELERINA! CELRINA!"gising sa akin ng nanay ko nun, pansin ko sa boses nya nun ang pagkaexcited kaya nagtataka akong napalabas ng kwarto non.
"CELERINA ANAK! NANDITO YUNG ANAK NI MAYORA MARIETTA.. ! ANG DAMING DALANG PAGKAIN.."tuwang tuwa na sabi ni Nanay.
Kahit gulo gulo pa ang ayos ko ay nalabas ko ng di oras ang sinasabi ni nanay at dun nga tumambad sa akin si Albert, at sa kusina namin ay punong puno ng pagkain, maging sa labas ng bahay namin ay punong puno din, ng usisero at usisera.
"Magandang Umaga Cely.."bati nya.
"Anong ginagawa mo dito? At saka ano yang mga yan?? Wala kaming ibabayad diyan!"iritang sabi ko.
"Regalo ko sayo yan.."malaking ngiti ni Albert nun.
"Regalo?? Hindi ko naman po birthday.."
"Ano ka ba Bata ka! Ganyan ba ang tamang pagtrato sa bisita at sa anak ng mayora"saway ng nanay sa akin. "Ay naku sir, wag nyo po pansinin yang si Lina, mangyari po kasi eh kakagising lang kaya masungit."paliwang ni Nanay noon.
"Tiago! Tiago! Halika nga dito at may bisita tayo! Lubayan mo muna yang lintek na mga manok na yan! Madali ka!"sigaw ni Nanay kung nasan si Tatay, maya maya ay humahangos na pumanik ang tatay at tila ba iritable dahil sa pagbubunganga ng nanay.
"Ano ka ba naman Tonya! Sino ba yang bisita na yan at binganga ka ng bunganga..." napatigil si Tatay ng makita ang bisita namin, "Magandang Umaga po, bakit po naparito kayo sir Albert?" sa manggahan nila Mayora nagtatrabaho ang tatay ko nun kaya naman ganun na lang ang pag-galang ni Tatay.
"Dinadalaw ko lang po si Celerina.."magalang na wika ni Albert.
"May sakit ka ba Hija?"natawa ako sa tanong ni Tatay, si Nanay naman ay kinurot si Tatay, pinagbihis ako ni Nanay kaya wala akong nagawa kung hindi sumunod. Sakto naman nun, dumating si Javier dahil may lakad kami ng araw na yun.
"O Javier, mabuti nadaan ka, halika nga dito at kumain tayo, ang daming dala ni Sir Albert."aya ni Tatay, gustong gusto nya si Javier dahil sa pursigido ito ay masipag, pero kabaliktaran naman ito ni Nanay, hindi nya gusto para sa akin si Javier dahil mahirap lang ito.
"O Javier, wala ka bang makain sa inyo at nung mabalitaan mong madami kami pagkain dito ay sumugod ka kaagad.. Pasensya na Javier pero para lang sa amin ito.."nakaismid na sabi ni Nanay, para namang napahiya si Javier non na nobyo ko pa lang.
"Ano ka ba Nanay! Aalis kami ni Javier.. At hindi kailangan ni Javier ng mga pagkain na yan dahil nakakakain naman sya.. Partida pa yun dahil sarili nyang pera ang pinambibili nya"makahulugang sabi ko.
"Hoy Celerina, anong aalis, may bisita ka dito tapos aalis ka.. Anong klaseng ugali yan, dumating lang ang damuhong lalaking to eh.."
"Nanay, mas masama naman ho ata kung babalewalain ko si Javier eh NOBYO ko ho sya.."katwiran ko kay Nanay.
"Abay.. Etong batang to.."biglang tinakpan ni Nanay ang bibig ko na parang pinipigil ako na marinig ni Albert, pero narinig naman ako ni Albert.
"Nobyo mo?"tanong ni Albert. "May Boyfriend ka na pala.."parang dismayadong sabi ni Albert.
"Ay opo, kasintahan po ng anak ko tong si Javier"pagmamalaking sagot ni Tatay na lumapit pa at inakbayan ang nakayukong si Javier na tila nakabawi na sa pagkapahiya ni Nanay. "Future pulis po ito kung hindi nyo natatanong.."kwento pa ni Tatay sa hindi namang interesadong si Albert na parang naiba ang mood ng mga sandaling iyon pero wala ako pakialam, inaya ko na si Javier, inusisa nya ako king bakit nandun si Albert pero diko sya sinagot, bagkus ay sinabi ko sa kanya na madaliin na kasal namin, hindi naman sya tumanggi.
At ganun na nga ang nangyari, minadali ni Javier ang kasal namin, may nangyari na sa amin kaya bago pa ako ikasal ay pinagbubuntis ko na noon si Flor kaya naan walang nagawa si Nanay ng nagpakasal kami, maging si Albert na ang balita ko ay kinasal na din sa anak ng Vice noon.
Masaya ang pagsasama namin ni Javier non, sa Siquijor namin naisipang tumira, nandoon kasi ang mga magulang ni Javier, nagawi lang sya sa amin dahil sa pagaaral nya, naging maganda ang trabaho nya sa pagpupulis, ako naman, nagtayo ng sariling karindirya na ng lumaon ay medyo lumaki, naging maayos ang pamumuhay namin, nakapagpagawa kami ng bahay sa mismong lupa nila Javier na pinamana pa ng mga magulang nya, unti unti na ring naging maganda ang tingin ni Nanay sa kanya pero sayang lang at matapos ang 3 na taong pagsasama namin ay namatay si Nanay at ilang buwan lang ang nakalipas ay sumunod si Tatay. At naiwan tong bahay na to dito dahilan para ayain ko si Javier na lumipat dito dahil ayokong ibenta to, pumayag naman sya at nagpaassign na lang sa presinto dito, ang nagiisa nyang kapatid na matandang dalaga ang tumira sa pinagawa naming bahay.
Nagtayo muli ako ng mumunting karindirya dito at dahil madami naman nakakakilala sa akin kaya pumatok din agad to at ng nakaipon ay pinaayos namin ang bahay. Dalawang taon ang lumipas mula ng lumipat kami dito ay wala na ako naging balita kay Albert, sa totoo lang ay nakalimutan ko na din ang sakanya, ang huling usap usapan sa bayan ay nagpunta na daw sa America.
Akala ko noon, hindi na magkukrus ang landas namin ni Albert hanggang sa isang araw, habang nasa palengke ako at namimili kasama ang kasambahay ko..
"CELERINA!!"narinig kong tawag ng isang pamilyar na tawag.
Nilingon ko ito at nakita kong si Albert pala, as usual, may kasunod itong mga body guards, may mga tao din na parang supporters nya.
"Mas lalo ka atang gumaganda.."masayang bati nya.
"Hiyang po sa pagiging nanay sagot ko na lang non.
"Siguro nga, pero tiyak mas maganda ka kung ako ang napangasawa mo"nakangiting wika nya na hindi maganda ang dating sa akin.
Npansin nya na hindi maganda ang dating sa akin ng birong iyom kaya iniba nya ang usapan
"Nga pala, tumatakbo ako as Vice Mayor. Suportahan mo ako ah.."wika nito na nakangiti at saka ako kinamayan, naramdaman ko ang pagpisil nya sa kamay ko kaya binawi ko kaagad yun.
"Sige po, mauna na kami.."paalam ko at saka ako dire diretsong naglakad at hindi na lumingon pa.
Hindi na ulit naulit ang insidenteng yun, nabalitaan ko na lang na nanalo sya bilang Vice Mayor ng Bayan namin. Kaya nagpaVictory Party sya, kinailangan umattend ni Javier dahil sa pulis sya, inaaya nya ako pero tumanggi ako at nagsabing masama pakiramdam ko, sinama na lang nya si Flor na limang taon nun at ang katulong namin. Dahil sanay naman ako magisa, hindi ko yun ininda. Ilang oras na ang nakalipas nun ng may kumatok sa pintuan namin.
"CELY! CELY!"kalampag ng kung sino man yun.
Humahangos akong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang kasamahang pulis ni Javier.
"Cely.. Si Javier.. Nasa hospital.. Nagkaron ng riot sa Paparty ni Vice.. Halika sumama ka sa akin!"sabi nito.
"Ano, nasaan ang anak ko, nasaan si Flor? Kamusta si Javier, nasaan ang asawa ko?"tarantang sabi ko.
"Sa sasakyan ko na lang ipapaliwanag, wag ka na magbihis, halika na"kahit umuulan non ay hindi ko ininda ang panahon, agad akong sumakay sa owner ng pulis.
Kung nagtagal siguro ako ng konti ay naabutan pa ako ni Javier na wala man lang galos kasama ang anak ko at ang katulong namin.
Abot abot ang dalangin ko, ni hindi ko na namalayan ang ngisi sa labi ng pulis. Dahil sa sobrang pagaalala ay huli na ng mapansin kong iba pala ang ruta namin.
"Saang hospital ba talaga nandon si Javier." naguumpisa na akong kabahan pero hindi ko yun pinahalata.
"Wag kang magalala, malapit na tayo.."
Maya maya pa ay huminto kami sa tapat ng isang malaking bahay.
"Nasan tayo? Hindi naman.."hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil isang kamay na may panyo ang tumakip sa bibig ko at hindi ko na alam ang sunod na nangyari.
Nagising na lang akong nasa isang silid, iba na ang suot ko, isang manipis na nighties at wala na akong panloob.
"Gising ka na pala mahal ko?"
Nagulat na lang ako ng makita ko si Albert na nakaupo sa isang couch at nakarobe lang, may tangan itong alak sa kopita.
"Hayop ka! Anong ginawa mo sa akin?" saka ko tinakip ang kamay ko sa katawan ko.
"Wala pa ako ginagawa.. Gagawin pa lang.. " at saka sya lumapit sa akin at nangyari na ang mga sumunod na mangyayari, pinilot ko manlaban pero dahil sa gamot na binigay nila sa akin ay pakiramdam ko ay nanghihina ako. Ilang beses nya akong binaboy. Isang linggo akong nandon sa lugar na yun, isang linggo nya akong pinagpakasasaan. Pinapakain nila ako pero ng mga oras na yun ay anhin ko na lang ay mamatay ako. Para akong isang hayop non na nakakadena na gagamitin na lang ni Albert kung kailan nya gusto.
Matapos ang isang linggo, narescue ako nila Javier, wala na dun ang mga tauhan ni Albert, maging sya o kahit anong bakas nila. Tulala at di ako makausap non, napagalaman ko na may nakapagsabi sa kanila na may nangyayaring kababalaghan sa lugar na yun at walang kamalay malay si Javier non na alalang alala na sa akin na ako pala ang ililigtas.
Matagal ako bago nakausap, dinala nila ako sa hospital at dun natuklasan ang sinapit ko, sariwang sariwa pa rin sa akin ang panangis ni Javier non.
"DIYOS KO! BAKIT ANG ASAWA KO PA.. BAKIT POOOO??"naririnig kong sigaw nya habang pinagsususuntok ang pader sa hospital.
Iyak lang ang nagawa ko nun, pakiramdam ko ang dumi dumi ko, isang linggo o dalawang linggo akong walang kibo non, at si Javier, walang sawa akong inalagaan. Gang sa para akong nagising sa isang masamang panaginip at nagiiyak ako na sinisigaw na si Albert Apostol ang may gawa sa akin non.
"SI ALBERT! DEMONYO KANG ALBERT KA! NAPAKAWALANGHIYA MO!!!"sigaw ko non habang sinasaktan ang sarili ko.
Agad nagsampa ng kaso si Javier sa lalaki pero huli na, nasa america na ang demonyong iyon, nabayaran ang mga dapat mabayaran at si Javier, walang ginawa kung hindi ang magiinom sa sobrang pagkaapekto sa nangyari sa akin.
Makalipas ang isang buwan ay nagpasya si Albert na bumalik na lang kami sa Siquijor, katulad na din ng hiling ko sa kanya. At doon pinilit namin kalimutan ang mga pangyayari. Nagdesisyon kaming wag ng ituloy ang kaso.
***
Napatigil si Lina sa pagkukwentong iyon. At saka tila may isang masakit pang bagay na inalala.
"Napakahayop talaga ng lalaki na yun! Hindi ako magugulat kung ganun sya kawalang hiya dahil saksi ako sa kademonyohan nya, buong buhay namin ni Mama ay nakaunder kami sa kanya, puro pananakit ang ginagawa nya sa amin magina.. Kung hindi pisikal ay verbal.."galit na sabi ni Lexin at saka tumingin si Lexin kay Lina. "Pero tita.. Wala naman pong kinalaman sa amin yun ni Ysa.. Mahal na mahal ko sya.. Ay hinding hindi ko sya sasaktan.. Pinapangako ko..Kaya wag nyo na po kami idamay.."
"Yun nga Lexin ang masakit.. Damay kayo ni Ysa simulat simula pa lang.. "napipiyok na iyak ni Lina at saka humagulgol.
"Paano tita???"
"Nang nasa Siquijor na kami ulit, hindi ako nagpagamit kay Javier dahil duming dumi ako sa sarili ko.. Pero isang araw natuklasan ko na lang na..."hinto ni Lina sa pagsasalita.
"Na buntis ako.. Nagbunga ang kahayupang ginawa sa akin ng ama mo.."
Parang namanhid ang uong katawan ni Lexin ng mga oras na yun, at parang nagblanko ang utak nya. Nanlalaki ang matang naiiling si Lexin.
"Magkapatid kayo sa ama Lexin.. Magkapatid kayo ni Ysa sa ama kaya hindi kayo pwede.."naiiyak na rebelasyon ni Lina.
"hindi totoo yan!"mahinang sabi ni Lexin at saka tumayo. "Hindi totoo yan! hindi totoo..!"
"Ilang ulit ko din pinalangin sa diyos na sana hindi totoo, pero totoo Lexin, magkapatid kayo ni Ysa.. Pero sadyang mabuting tao si Javier kaya inako nya ito at minahal na parang isang tunay na anak.."tuloy tuloy pa rin ng pagiyak ni Lina.
Pero parang naririnig si Lexin, dire diretso itong lumabas sa pinto.
Paglabas nya, bago sumakay ng kotse, ay nakita pa nya si Ysang humahangos palapit sa kanya, pero dire diretso lang sya sa kotse at tuloy tuloy ang pagpapaandar.
Nagulat naman si Ysa sa reaksyon ng nobyo.
"Mine! Anong problema? Ano napagusapan nyo?!"sigaw ni Ysa sabay kalampag sa bintana pero mabilis na pinabarurot ni Lexin ang pagmamaneho.
Takang taka naman si Ysa at naisip bigla ang ina, sa isip nya, siguro ay pinagsalitaan ito ng hindi maganda ng ina. Agad syang tumakbo papasok ng bahay para sitahin ang ina. At doon naabutan nyang umiiyak na nakaupo ang ina.
"Anong sinabi mo sa kanya? Anong sinabi mo sa kanya? ANO??"hysterical na sabi ni Ysa.
Pero naiiling na umiyak lang si Lina.
"Siya lang ang kasayahan ko! Sya lang pero hindi nyo pa ako napagbigyan!"wika ni Ysa.
"Hindi na kayo pwede, tanggapin mo na yun Ysa!!"
"AYOKO! KUNG MAY PROBLEMA KAYO, WAG NYO AKO IDAMAY SA PAGIGING MISERABLE NYO!!!"sigaw ni Ysa at isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Ysa, nanlaki ang mata ni Ysa sa sampal na yun.
Gulat na gulat naman si Lina sa nagawa sa anak,"Im sorry Hija.. Im so sorry.." pero dire diretsong lumabas si Ysa.
"YSA! ANAK! UMUULAN!"
+ P
Hindi makapaniwala si Carlo at Axle sa mga naririnig sa tape recorder kung saan kinukwento ni Arianne ang tungkol sa mga nangyayari sa kanya.
"Kailangan talaga malaman ito ni Ysa Axle, kailangan nya malaman to.."sabi ni Carlo sabay kuha sa cp pero kinuha yun ni Axle.
"Tapos? Ano? Gusto mo bang magaya si Ysa kay Arianne ha Inspector?"ani Axle.
"Pero nanganganib sya!"
"At nanganganib din kayo..!!"sabi ng boses mula likuran nila at ng lingunin nila yun ay sinunggaban nito ng sakal si Carlo, si Axle naman ay mabilis ang naging kilos, agad nyang kinuha ang kahon at nilagay sa isang bag na itim pati ang recorder, tutulungan sana nya si Carlo pero huli na dahil ang kotse ay papunta na sa isang matarik na lugar at pabulosok paibaba. Napapaikit si Axle at nagwika ng isang orasyon.
"Ele-eyu fonta simpen Saiguid"
At pagkatapos nun ay dirediretso silang bumulusok pababa.
"AAARRRGGGGGGHHHHHHHHHH!!"
+ M
Sa simbahan na minsang pinagdalahan sa kanya ni Tristan dinala si Ysa ng kanyang mga paa. Agad syang pumasok sa pintuan at umupo sa isa sa mg upuan doon.
Pero imbes na lumuhod ay nahiga sya sa upuan at hindi namalayan na nakatulog na pala sya, maya maya ay nagising sya dahil sa isang tugtog sa Piano.
Dahan dahang naglakad si Ysa papunta sa pinanggagalingan ng tugtog. At nakita nya ang isang piano pero wala namang tao, napaupo na lang sya doon at sa harapan ng Piano ay may salamin, at kitang kita ni Ysa na sa salamin ay katabi nya mismo si Tristan, nagpipiano at nakatingin sa kanya pero ng lingunin nya ang tabi nya ay wala ito, tumingin sya sa muli at kitang kita nya na nandoon si Tristan at nagumpisang kumanta.
Kung hindi man tayo,
Hanggang dulo..
Wag mong kalimutan,
Nandito lang ako,
Laging umaaalalay,
Hindi ako lalayo..
Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw..
Pakiramdam ni Ysa ng mga sandaling iyon ay gustong gustong nya yakapin si Tristan pero wala syang magawa dahil nasa reflection lang sya, kaya naman lumapit ito sa salamin at doon ay yumakap at pumikit.
"Tristan.. Kailangan kita.. Kailangan kita.. Bakit kailangan mong lumayo.."unti unting pumatak ang mga luha ni Ysa at napadilat na lang sya ng maramdaman ang isang mahigipit na yakap sa kanya, nagmulat sya ng mata at nakitang si Tristan iyon.
"Nandito lang ako Ysa.. Hindi ako mawawala.."madamdamin at sincere na pahayag nito.
"HIJA! HIJA"napamulat si Ysa sa gising sa kanya, napabangon sya ng makita ang isang lalaki na sa tantya nya ay ang pari.
"Pasensya na po Father, pagod lang po.. Wala na po kasi ako iba mapuntahan.."wika ni Ysa at saka napatingin sa piano, tila nanlulumo sya ng mapagtanto na panginip lang ang lahat.
"TRISTAN.."nasambit na lang nya.
"Kung gusto mo Hija, dun ka muna mamahinga sa quarters nila sister ng makapagpahinga ka, medyo gabi na rin at hindi na kita hahayaang umuwi ng gantong oras."pagaalala ni Father.
Walang nagawa si Ysa kung hindi sumangayon sa pari, patayo na sana sya ng mapansin ang hawak nya. Isang puting rosas at may nakataling papel. Nagtataka syang binuksan ito.
'Ngiti lang Ysa, nandito lang ako'
~Tristan
Inamoy ni Ysa ang rose at bumulong.
"Salamat guardian angel ko.."

"Nasaan po ba yung kahon na yan? Maari po bang makita kung hindi nyo mamasamain, maari ho kasing makatulong yun sa pagkatuklas ng pagkamatay ni Charmaine"nagbabakasakalin

No comments:
Post a Comment