Thursday, January 26, 2012

11

CAMPUS QUEEN ( Chapter 11 )
+

"May nakikita akong hindi nakikita ng pangkaraniwang tao"pagtatapat ni Tristan at saka tinulak ang duyan na inuupuan ni Ysa.

Napalingon bigla dito si Ysa."Ano?"at saka pinigil ang pagandar ng duyan nya."May third eye ka?"tanong nya.

"Parang ganon na nga, pero.. Basta mahirap ipaliwanag, bata pa lang ako ganto na ako, kakaiba.. Ewan.."kwento ni Tristan.

Hindi alam ni Ysa kung ano ang iisipin, sa totoo lang, madami syang tanong at pakiramdam nya ay maiiyak sya dahil parang anghel si Tristan na nagmula sa langit.

"Sige lang.. Madaming oras.. Makikinig ako.. "sabi ni Ysa at saka naupo ulit sa duyan, tinulak sya muli ni Tristan.

"8 yrs old pa lang ako non ng matulaklasan ko ko lahat ng to, patay non si Lola Munte, tiyahin ng Papa ko, wala akong kamalay malay non na pag patay na pala ang isang tao hindi mo na pwede ito makasalamuha. Kararating ko lang ng masalubong ko non si Lola Munte, wala sa hinagap ko na burol na pala nya yon, niyakap pa nya ako at ako naman, yumakap din, pagpasok ko doon, nagiiyakan sila, nagtanong kung bakit, wala na raw si Lola Munte,ako naman todo bida, hindi kako,,nandiyan si Lola Munte, wag na kako sila umiyak. Ayun, galit na galit si Mama, ano daw yung pinagsasasabi ko eh patay na daw si Lola Munte, magmula non, madalas na akong managinip ng masama, madalas na akong makakita ng hindi maganda hanggang sa makalakihan ko na, at nakakatuwa nga eh, dahil sa sitwasyon kong to.. Namatay ang Papa ko.."kwento ni Tristan at saka pumiyok nung huling bahagi ng kanyang kwento.

Napatigil naman si Ysa sa pagduduyan at nilingon ang binata, doon ay nakita nya na tulala ito.

***

15 yrs old ako noon ng ayain ko si Papa sa Baguio, tutol si Mama non pero dahil mapilit ako, natuloy pa din kami.

"Hay nako nako, Tristan, tumigil ka nga, hindi kayang magdrive ng daddy mo pag ganong kalayo at saka delikado sa Baguio"pigil non ni Mama sa akin.

Pero pinilit ko pa rin ang sa akin, kaya si Papa, kahit takot magdrive ay sumige pa rin si Daddy para mapagbigyan lang anG unico hijo nya.

Habang nasa byahe kami, pansin ko na kabang kaba si Papa, ako din ay kinakabahan dahil buong byahe kasama namin ang isang babaeng nakaitim sa byahe at ako lang ang nakakakita sa kanya..

Paakyat na kami ng Baguio non kung saan matarik ang daan ng biglang..

"Pa may babae!"sigaw ko kay Papa ng may tumawid na babae, taka ko naman kung papaanong may tumatawid sa lugar na yun ng ganong oras. Bigla namang nagpreno si Papa.

"Ano ba yun Hijo? May babae ba?"tanong ni Papa sa akin saka ito bumaba ng kotse.

"Pa.. "pigil ko kay Papa pero nakababa na sya. Pumunta sya sa harap ng kotse pero wala naman sya nakita pero ako.. Meron, yung babaeng nakaitim, nasa likod ni Papa, titig na titig, napakurap ako at wala na ang babae pero si Papa, kakaiba na ang itsura nya, para syang naging robot at naglakad sya papunta sa bangin. Lalabas na sana ako ng kotse pero ayaw nitong bumukas.

"PA! PAPA.. !!"tawag ko sa kanya habang kinakalampag ko yung bintana ng kotse. Pero wala.. Walang nangyari, tuloy tuloy syang tumalon sa bangin at nakakapangilabot at kataka taka pa ay mismong sa harap ng kotse sya bumgsak at pag tingin ko sa paligid wala na ang kotse kung saan huminto si Papa, nasa may paanan na kami ng pagakyat sa Baguio.

"PAPAAAAAAAAA!!" yun na lang ang nagawa ko.. Ang sumigaw..

Nang dumating ang mga pulis ay hindi ko maipaliwanag ang nangyari, galit na galit sa akin si Mama, ako ang sinisisi nya. Kung hindi ko daw inaya si Papa doon ay hindi mangyayari doon.

***

Natapos magkwento si Tristan na nakatanaw pa rin sa malayo matapos maikwento nito lahat ng pangyayari.

"Ang Papa mo.. Nakikita mo rin ba sya..?"ang tanging natanong ni Ysa.

Napayuko si Tristan sa tanong nya.

"Yun nga ang masakit eh, kung sino pa yung gustong gusto mo makitang kaluluwa, yun naman ang ayaw magpakita sayo.."malungkot na sabi ni Tristan.

Sa puntong yun ay tumayo na si Ysa at saka lumapit kay Tristan at saka ito tinapik sa likod at doon ay parang binutas ang emosyon ni Tristan at umagos ang luha sa kanyang mata.

+

"Marj?"

Biglang napalingon si Marj sa kanyang likuran ng marinig ang bati na yon, pero wala naman syang nakita kaya pinagpatuloy na lang nya ang pagFafacebook. Pero maya-maya ay may nakarinig na naman sya ng tumatawag sa kanya.

"Ma? Tawag mo ba ako?"pero walang sumagot sakanya. Kaya tumayo sya at pumunta sa may kusina pero wala doon ang ina nya.

Kunot noong bumalik sya sa tapat ng computer ng makita nyang may nagmessage sa kanya. Binuksan nya iyon at takang taka sya dahil kay Aileen galing ang msg.

"Paanong.."sabi niya at saka binuksan ang message.

From: Aileen Bernabe
To: Marj Lacerna
When: xx/xx/xx
Message:
MAG-IINGAT KA!


Kinilabutan si Marj sa nabasa, sa isip nya, sino kayang loko ang magtitrip na gamitin ang account ni Aileen sa Facebook.

Ieerase na sana ni Marj ang message ng maghang ang computer nya, sinubukan nya itong irefresh pero walang nangyari. Irerestart na sana nya ang computer ng magblack out ang cp nya at maya maya ay may video na nagplay.

Ang eksena sa video ay sa school nila, may babaeng tumatakbo, at dinig na dinig nya ang sigaw nito.

"Tulong! Tulong! Tulungan nyo ako"sigaw ng babae sa Video. At maya maya ay naiba naman ang eksena, sa isang restroom, kilala ni Marj ang restroom na yon, iyon ay ang haunted restroom sa school nila, may babae na pumapasok at humahangos, binuksan ng babae isa isa ang cubicle, takot na takot ito at umiiyak, nang makarating ito sa pinakadulo ay sinara nya ito at saka umiyak ng umiyak. Pamaya maya pa ay bumukas ang pinakapinto ng CR at may pumasok na tao, masyadong madilim kaya hindi nya iyon makita. Inaninag nya mabuti pero naiba na naman ang eksena. Ang sumunod na eksena ay nagpabaliktad sa sikmura niya, isang di makilalang lalaki o babae ba yun ang sumasaksak sa isang estudyante, at ganon din ang sunod sunod na eksena, may pinapatay ang kung sino man yung nakahood na yun. Biglang naalala ni Marj ang kwento ni Aileen na patayan 3 years ago, hindi kaya ito iyon sa isip isip nya.

Pamaya maya ay nakita nyang nahila ng isang lalaking pinapatay ang damit ng killer, at doon ay natanaw ni Marj ang isang tattoo sa may batok nito. Isang maliit na paru paro. Matapos ang eksena na yon ay nagiba na naman ang eksena. Pero bago pa man maiba ang eksena ay nagawa nya itong idrawing sa papel.

Si Ysa ang pinakita sa eksena, ang unang unang araw ni Ysa sa LAC, at sa bawat eksena na pinapakita kay Ysa ay may nakasunod lagi ditong babaeng nakaitim at ito rin ang babaeng nakita nya sa school kagabi. Kilabot na kilabot si Marj, kinuha nya ang cp nya para twagan si Ysa pero dahil sa sobrang takot ay nabitiwan nya iyon. Hawak na nya ang cellphone ng may isang kamay din ang humawak sa cellphone nya, at pagtingin nya sa may-ari ng kamay ay ang babaeng nakaitim.

"WAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!"

+

"Bakit sinasabi mo sa akin lahat ng ito Tristan?"tanong ni Ysa ng medyo gumaan na ang pakiramdam nG binata.

"Dahil alam kong may nakikita ka ring hindi mo gusto.."sabi ni Tristan

Napatingin naman dito si Ysa kay Tristan. "Anong ibig mo sabihin?"tanong nya.

"Tuwing makikita kita, lagi ka na lang umiiyak at parang takot na takot, ganyan din ako nung una Ysa."nakangiting sabi ni Tristan.

Napayuko si Ysa at saka umupo ulit sa duyan. "Hindi ko alam Tristan, naguguluhan ako, akala ko mga ligaw na kaululuwa lang ng mga estudyante ang nakikita ko pero kagabi.. Kakaiba yung nakita namin ni Marj"kwento ni Ysa.

"Kakaiba? Ano nangyari kagabi?tanong ni Tristan.

"May babaeng nagpakita kay Marj, ayon sa kanya, babaeng nakaitim daw.. Walang mata, ito rin yung nakita kong katabi nya nung pauwi na kami"pahayag ni Ysa.

Bigla namang lapit sa kanya si Tristan sa narinig. "Babaeng nakaitim? Na walang mata? Nagpakita ba kamo to sa kaibigan mo"pagkukumpirma ni Tristan.

"Oo.."matipid na sagot ni Ysa.

"Nasa panganib ang kaibigan mo Ysa.."kinakabahang sabi ni Tristan at saka ito hinila si Ysa

"Anong sinasabi mo?"taranta ni Ysa na sumusunod lang kay Tristan.

"Lahat ng naposses at namatay dahil dito, puro yung babaeng nakaitim na yun ang nakikita, yung din ang nakita ko non bago mamatay si Papa at siguradong ito rin ang nakita ni Aileen kaya nagkaganon sya"Sabi ni Tristan habang naglalakad.

Si Ysa naman ay kinabahan din kaya nang makakita ng Taxi ay agad nyang pinara ito at saka nagpahatid kila Marj.

Sa taxi ay walang tigil ang kabog ng dibdib nya, napansin naman yun ni Tristan kaya hinawakan nito ang kamay ni Ysa. "Wag ka na masyado magalala"sabi ng binata.

Pamaya maya ay isang malamig na hangin ang dumaan sa tenga ni Ysa.

"Bilisan mo Ysa.. Bilisan mo.." sabi ng tinig at ng mapatingin sya sa may bintana ay nakita nya ang kaibigang si Aileen.

"Manong, pakibilisan naman po, please.."pakiusap ng dalaga sa driver.

+

Palinga linga si Lexin sa paligid, sa likod nya ay may isang boquet of White roses na ibibigay sana nya kay Ysa. Napansin naman ito ni Bea kaya lumapit sya sa binata.

"Sinong hinahanap mo? Yung aswang..?"malanding tanong ni Bea.

Tumingin lang si Lexin kay Bea at saka ito inirapan.

"bakit ba nagpapakagago ka sa aswang na yon eh ang landi landi naman non!"inis na sabi ni Bea.

Nagpanting ang tenga ni Lexin kaya hinarap nito si Bea at saka piniga ang pisngi nito.

"Pwede ba, kung wala kang sasabihing matino, tumahimik ka na lang at baka samain ka sa akin lumipad ka sa binatana"gigil na sabi ni Lexin at saka ito patulak na binitawan at tinalikuran si Bea.

"Akala mo ba matino yang Ysa na yan, eh kanina lang nakita kong may kasamang lalaki!"sigaw ni Bea na nakahawak pa rin sa pisngi na piniga ni Lexin.

Nilingon ito ni Lexin at saka tinitigan sya ng masama, si Bea naman ay kumubli sa likod ni Mildred.

"Ano ka ba naman Lexin, wala ka na ba talagang respeto sa mga babae!"kinakabahang sabi ni Mildred.

Nangisi si Lexin at saka nagsalita"Bakit.. Babae ba yan?!"sabi nito at saka umalis.

Bungisngisan naman ang mga kaklase nito.

"Anong tinatawa tawa nyo diyan!"galit na sita ni Bea.

"Sis, totoo bang nakita mo si Ysa na may kasamang ibang lalaki?"usisa ni Mildred.

"Ano ka ba! Syempre gawa gawa ko lang yon!"mataray na sabi ni Bea at saka tinanaw ang malayo nang si Lexin.

+

"Marj! Marj.. Nandiyan ka ba?!"tawag ni Ysa sa bahay nila Marj pero kusa na tong bumukas. Pumasok sila at nakita nya kaagad ang Computer nila na bukas.

"Marj.. Marj.."tawag nya.

"Ysa ikaw ba yan.."narinig nyang tanOng ni Marj.

Hinanap naman ni Ysa si Marj at nakita nya to sa ilalim ng sofa na nakasiksik.

"Marj! Anong ginagawa mo dyan?"tanong ni Ysa at saka nilapitan ang kaibigan.

"Yung.. Y-yung p-papel s-sa I-ibabaw ng C-computer, k-kunin mo, Y-yung k-killer, m-meron sya N-noon"nagkakandautal sa takot na sabi ni Marj at saka lalong sumiksik sa ilalim ng sofa.

"Anong Papel? Anong killer?"takang tanong ni Ysa.

"Ysa.."tawag ni Tristan na nasa harapan ng computer. "Eto siguro yung sinasabi nya"sabi ni Tristan na hawak hawak ang papel na dinrawingan ni Marj.

Lumapit si Marj kay Tristan para tingnan ang papel, na makita ito ay nakita nya anh drawing na paru paro. Takang taka sya sa hawak na papel. Lumapit ito ulit sa kaibigan pero wala na sa ilalim si Marj.

"Marj.. Nasaan na yon.."taka nya.

"Ysa, tingnan mo to.."sabi ni Tristan na nakatitig sa Monitor ng computer, balik tingin nama si Ysa, at doon nakita nya si Marj, wala ng buhay, dilat na dilat ang mata at nakalawit ang dila, napahawak si Ysa sa bibig at naiiling, sa backrgound nito ay ang kusina,kaya lakas loob na tinungo ni Ysa ang kusina, pagbukas na pagbukas nya ng pinto ay bumulaga ang nakabitin na bangkay ni Marj na parehong pareho ng nasa Monitor ng comp ant itsura nito.

"MAAAAAARJJJJJJJJJJJJJ!"

No comments:

Post a Comment