Thursday, January 26, 2012

18

CAMPUS QUEEN ( Chapter 18 )
. G

***

Isang orasyon ang ginagawa ni Alexa ng gabi na yon, ilang kandilang itim ang pinaligid nya sa kanya habang taimtim na umuusal ng ritwal, ng isang malakas na hangin ang galit na galit na pumasok sa binatan ni Alexa at hinipan ang sindi ng kandila.

"ANONG KAILANGAN MO SA AKIN??"salita ni Alexa habang wala pa ring katinag tinag sa kanyang pwesto.

Umihip ang hangin sa may tenga ni Alexa na tila ba nagsasabing''PAKIALAMERA" at pagkatapos ay nagkalabugan ang mga gamit nito na para bang may naghahagis.

"KAHIT MAPATAY MO AKO HINDI NYO MASASAKTAN SI YSA! KILALA NA KITA! KILALA KO NA KAYO!!"matapang na wika ni Alexa at saka may anong kinuha sa kanyang bulsa at pasimpleng inilagay ito sa ilalim ng carpet, pagkatapos nito ay matapang na tumayo si Alexa pero pagkatayong pagkatayo nya ay sya namang lipad ng basag at matulis na salamin nadiretso sa mismong noo nya.

***

"ATE ALEXAAA!"balikwas na bangon ni Ysa at isang babae ang sa kanya ay bumungad.

"Okey ka lang?"tanong ng babae sa kanya.

"Sino ka?"tanong ni Ysa.

"Ako si Grace, anak ako ni Mrs. Alumpihit, yung caretaker"pakilala ni Grace."nakita ka namin ni Kuya Ato sa room 203, walang malay kaya pinabuhat kita gang dito sa kwarto ko,"sabi ni Grace at saka naalala ni Ysa ang dahilan kung anong nangyari, nakarinig sya ng pagaaway sa kwarto nya at nilabas nya iyon at pagpasok nya ay nakita nya ang babaeng nakabigti at puro saksak sa katawan.

"Nakikita mo din ba si Arianne Ysa?"putol ni Grace sa mga iniisip nya, napatingin sya bigla sa babae.

"Paano mo nalaman?"tanong nya kay Grace, tumayo ang dalaga at pumunta sa may cabinet, at doon ay may kinuha, lumapit ito kay Ysa at pinakita ang kung ano mang kinuha nya sa cabinet.

Tatlong babae ang nasa larawan, ang isa ay kinumpirma nyang si Grace, ang isa naman ay si Arianne at ang huli ay hindi nya kakilala.

"Ako, si Arianne, at si Charm ang nasa picture nasa picture, mga kaibigan ko sila"pahayag ni Grace na nakapwesto sa may bintana at nakatanaw sa malayo.

"Kaibigan mo?"gulat na tanong ni Ysa at saka napaupo sa kama, luminga linga sya sa kwarto at napansin nya na pink na pink pala halos ang kwarto ni Grace, maganda ang paligid at maaliwalas.

"Oo Ysa, kaibigan ko sila, si Arianne at si Charm.. Tandang tanda ko pa nung unang beses namin magkakilala sa Dorm na to"kwento ni Grace..

***

Galing sa malayong probinsya noon si Arianne, sya ang pinakamaganda sa amin, pero sya din ang pinakasimple, napakamahiyain nya at napakawalang kibo kabaliktaran naman ni Charm, madaldal, masayahin, maingay at prangka.

"Magandang Hapon po, Ako po si Arianne Liu, ako po yung scholar ng LAC, pinapunta po nila ako dito kasi may dito daw ang libreng padorm"nakangiting bati sa akin ni Arianne noon ng unang beses syang dumating dito.

"Hi Arianne, Ako si Grace, Mary Grace A. Caysido, anak ako ng caretaker dito si Ms. Nita Alumpihit, wag ka na magtanong kung bakit magkaiba kami ng apelido, basta ang story, majondi ang nanay ko pero loves na loves ko yun!"masayang pakilala ko sa kanya at ngiti lang ang sinagot nya.

"Ikaw? Chinese ka ba?"usisa ko nun kay Arianne.

"Half Chinese, half Filipino ako,!!"sagot nya na para bang hindi komportable sa topic, pero ako sadyang makulit at matanong.

"Nasaan ang parents mo? Saang kang probinsya galing?"tanong ko pa.

"Patay na ang parents ko, pinatay sila, ninakawan kasi ang shop ng tatay ko at pinatay sila ng nanay ko, dun ako pinadala sa Isabela, sa mga lola ko, ayaw nila ako pagaralin kaya nagdesisyon akong kumuha ng scholarship, at eto nga"kwento ni Arianne sa akin, ramdam na ramdam ko ang bigat ng loob nya noon kaya hindi na ako nagtanong pa.

"Hmm, sige, dito ka sa room 203 sa second floor yun, kung may kailangan ka pa, punta ka lang dito ah.."sabi ko at ngiti naman ang sagot nya at saka umalis na.

Doon nagumpisa ang pagkakaibigan namin ni Arianne, si Charm naman nakilala lang nya dahil iyon ang roommate nya, pero nagkajive kaming tatlo, ang dating tahimik na si Arianne may taglay pa lang kakulitan, ang saya saya namin non, madalas dito sa kami sa kwarto na to nagstay hanggang sa umagahin kami kakakwentuhan, at yang picture na yan, kuha yan nung birthday ko. Pero bigla na lang nagbago ang lahat ng makilala ni Arianne ang lalaking yon, nagumpisang malayo ang loob sa amin ni Arianne, at si Charm na may gusto pala sa lalaki na yun ay nagtanim ng sama ng loob, madalang na sila magpansinan, madalas makita ko na si Arianne nagiisa, at si Charm naman ay nabarkada non kila April ang pinakapopular sa school at Campus Queen nila , lalo pang nagngitngit si Charm kay Arianne ng manominate to sa Campus Queen. Tandang tanda ko pa ang eksena na yun.

"ARIANNE!! ARIANNE! MAGUSAP NGA TAYO!"sita ni Charm kay Arianne na noon ay kakagaling lang ng school.

"Ano yon?"sagot ni Arianne.

"Talaga bang inuubos mo ang pasensya ko! Lahat na lang ba talaga kukunin mo sa akin!"galit na galit noon si Charm, hinila pa nya noon si Arianne at nilublub sa toilet, buti na lang at dumating ako para umawat, iyak ng iyak na umalis noon si Arianne, akala ko nga aalis na sya sa dorm pero bumalik din sya kinabukasan na parang wala lang. Akala ko noon hindi na sila magkakabati ni Charm pero nagkabati din sila, madalas kasing managinip ng masama si Arianne at makakita ng kung ano ano kaya si Charm ang naging sandalan nya.

Matapos makoronahan si Arianne ay sunod sunod na patayan ang nangyari, hindi ko alam ang mga pangyayari, bastat ang alam ko ilang linggo matapos ang patayan, nakita na lang namin si Arianne na nakabitin sa kwarto nya at puro saksak, walang makapagsabi kung anong nangyari, pati si Charm noon ay sindak na sindak, wala man lang kumuha sa bangkay ni Arianne non kaya nilagak muna sa morge tapos nabalitaan na lang namin na nawala yung bangkay nya at ang masakit pa noon, walang naghanap kung hindi kami ni Charm, matapos ang insidente na yon ay madalas tahimik at wala ng kibo ang masayahing si Charm, bigla na lang syang magsisisigaw tuwing gabi na para bang may nakikitang kakaiba pero dahil malayo din ang probinsya ni Charm, kami ang nagasikaso sa kanya, dinala namin sya sa albularyo noon at sinabi ng albularyo na isang itim na espiritu ang gumugulo sa kanya kaya binigyan sya ng bracelet. Pangontra daw yun, at matapos nga nyang isuot yun ay umayos na sya kaso isang taon mula ng pagkamatay ni Arianne ay nagtangka naman syang magpakamatay, buti na lang at nandoon si Chel para tulungan sya.

***

Matapos ang kwento ni Grace ay napansin ni Ysa ang mga luha nito sa mata؛

"Anong nangyari kay Charm pagkatapos nyang magtangka??"natanong lang ni Ysa.

"Nawala na lang sya bigla, umuwi sa probinsya na lang tas noon wala na silang balita"sabi ni Grace. "Ysa, alam ko, nakikita mo si Arianne, kailangan hanapin mo si Charm"pakiusap ni Grace.

"Bakit ako?"tanong ni Ysa.

"Dahil kahit ikaw madami ka ding tanong, dahil alam kong naghahanap ka din ng kasagutan"sabi ni Grace, napatayo si Ysa sa kama.

"Sa totoo lang, tama ka dun, sa bawat araw na lumilipas padagdag ng padagdag ang mga tanong sa isip ko, ano ang kinalaman ko sa mga nangyayari ngayon, bakit ako?pero kung sakali bang masagot ko itong lahat, may mangyayari ba? Mabubuhay ba ang mga kaibigan ko, mababago ba ang lahat ng masasakit na pangyayari sa akin?"madamdaming wika ni Ysa.

"Ysa..wag mong hayaang maulit ang nakaraan, wag mong hayaan may mga magulang na naman na mamatayan, YSA.. PLEASE.. HELP US.."pagmamakaawa ni Grace.

Napatingin si Ysa sa suot na bracelet, sa isip isip nya, maari kayang ito yung bracelet na binigay kay Charm noon para di lapitan ng masamang espiritu, naalala nya tuloy ang sinabi sa kanya ni Alexa, may darating na tulong bastat wag kung husgahan o kwestyunin ang paraan nito.

Hindi nya napansin na nakalapit na pala sa kanya si Grace, hinawakan nito ang kamay nya at saka lumuhod sakanya, naramdaman nya na tila nanlalamig ang dalaga.

"Ysa.. Parang awa mo na, tulungan mong mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Arianne, kaya siguro nagpaparamdam sya sayo dahil gusto nyang tulungan mo sya, Ysa tulungan mo ang kaibigan ko, at malay mo, hindi lang pala sya ang mabigyan mo ng tulong.."pahayag ni Grace at kitang kita nya ang mga luhang tumutulo dito.

"Susubukan ko, pero hindi ako nangangako,"tugon ni Ysa sa pakiusap ni Grace.

"Tanungin mo si Mama, tanungin mo sya kung tiga saan si Charm, alam nya yon, kulitin mo sya Ysa, pilitin mo sya, im sure sasabihin nya din sayo yun"wika pa ni Grace at saka ito tumayo, ganun din si Ysa.

Malalim na nagisip si Ysa, nararamdaman nya ang sakit sa puso ni Grace, nawalan din sya ng kaibigan at alam nya kung sinong may gawa pero wala sya magawa dito.

"Sige Grace.. Tutulungan kita, bastat tulungan mo din ako.."si Ysa naman ang nakikiusap.

"Madaming tulong Ysa, madaming darating na tulong.."salita ni Grace.

"Paano, babalik na ako sa kwarto ko, may pasok pa ako"paalam ni Ysa pero nasa harap na to ng pintuan ng may maalalang itanong.

"Grace, bakit nga ulit nagpakamatay si Charm?"tanong nya na hindi lumilingon.

"Dahil namatay ang kaibigan nya, namatay ang isa sa matalik nyang kaibigan bukod kay Arianne, namatay ako Ysa.."malamig na wika ni Grace kasabay non ang pagihip ng isang malakas na hangin.

Napatindig ang balahibo ni Ysa sa narinig, gusto man sana nyang lumingon pero natatakot sya na may hindi magandang makita.

"May congenital heart disease ako, masyado akong mahina kaya si Mama, hindi na ako pinagaral, si Arianne at Charm lang ang tanging kaibigan ko non kaya naman sobra sobra ang pagpapahalaga ko sa kanila ganon din sila sa akin, pero 1year after mamatay ni Arianne, masyado ko yun dinibdib dahilan para bumagsaka ang katawan ko at pagkatapos ng ilang araw kong pagkakaratay, binawian din ako ng buhay, pakiramdam ni Charm ay pinagkaisahan namin sya dahil magkasunod kaming namatay kaya naman ng minsang makakuha sya ng pagkakataon ay sinubukan nyang patayin ang sarili nya"kwento ni Grace.

Pakiramdam ni Ysa ng mga sandaling iyon ay nakatayo lahat ng balahibo nya, lalong lalo na ng lumamig sa likuran nya.

"YSA.. IYAKAP MO AKO KAY MAMA.."bulong ni Grace na nasa likuran pala nya at saka isang malakas na hangin ang parang yumakap kay Ysa at sa puntong iyon ay napalingon sya kasabay naman ng pagbukas ng pinto.

"Ms. Fajardo! Anong ginagawa mo sa kwarto ng anak ko??"sita sa kanya ni Ms. Nita Alumpihit ang ina ni Grace, may dala dala itong padlock.

"Mrs. Alumpihit, alam ko po imposible pero dinala ako dito ni Grace, ng anak nyo..tinulungan nya ako kagabi, kaya binuhat nila ako ni Ato nung janitor dito.

"PINAGLOLOKO MO BA AKO MS. FAJARDO!!!!"nakita nyang panlalaki ng mata ni Nita.

"Hindi po nagsasabi po ako ng totoo, talagang nakausap ko si Grace at.."

"TAMA NA!"putol ni Nita sa sinasabi ni Ysa. "Unang una, paano mo makakausap ang anak ko na matagal ng patay, at si Ato na sinasabi mong janitor dito ay kamamatay lang kagabi, at paano ka nila maipapasok sa kwarto na to na hindi kinukuha sa akin ang susi ng limang padlock nito!"nanginginig na sabi ni Nita.

"Pero totoo, totoong nakausap ko sya, kanina lang, kinukwento nya akin ang mga kaibigan nya, si Arianne, si Charm at tungkol sa sakit nya kung bakit sya namatay!"paliwanag ng tarantang si Ysa.

Naiiling na pumapatak ang luha ni Nita sa narinig."Pwede ba Ms. Fajardo, wag mong idamay ang ala ala ng anak ko sa kalokohan mo"wika ni Nita.

"Hindi po ako nagloloko,talaga lang pong nakausap ko ang anak nyo,"pilit na sabi ni Ysa at saka naalala ang picture na hawak."Eto po, sya mismo ang nagbigay sa akin nito, sabi pa nya tanung ko daw sa inyo kung nasaan si Charm at.."

"PAANO MO NAKUHA ITO! PAANO KA NAGKAROON NG KOPYA NITO??"biglang naging mabagsik ang tinig ni Nita. "Alam mo bang tatlo lang silang may kopya nito, nagkapunit punit ang kay Arianne, dala ni Charm yung sa kanya at kasama ito ng anak ko ng ilibing sya!"sabi pa niTo.

"Pero totoo ang sinasabi ko, totoo pong si Grace ang mismo ang nagbigay sa akin nyan at..."

"TAMA NA!!"putol muli ni Nita sa sinasabi ni Ysa."Hindi na ako makikinig sa ano mang sasabihin mo! Kaya mabuti pa Ms. Fajardo, lumabas ka na dito, at wag na wag ka ng gagawi pa sa kwarto na to, kung hindi, mapipilitan akong magsabi sa Management para mapaalis ka na dito"pagkasabi nun ay binuksan nito ang pintuan para kay Ysa.

Walang kibo namang lumabas si Ysa at pagkalabas nya ay padabog na sinara ni Nita ang pinto.

+ S

"TABI! TABI! EXCUSE ME, EXCUSE ME.. "sigaw ni Mildred habang nakikipagsiksikan sa mga taong nagkakagulo sa Cafeteria, agad agad tumakbo dito Ng mabitaan nya sa guard ang nangyari kay Bea.

Nang makapasok na si Mildred ay nakita nya ang strecther na saktong dumaan sa kanyang harapan, may nakatakip ditong kumot na puti, walang sabi sabi na tinanggal nya ang kumot at bumulaga sa kanya ang putol putol na katawan ni Bea.

"OH MY GOD!!"napahawak sa bibig na sabi ni Mildred at saka pumalahaw ng iyak. "BEA! WHAT HAPPEN? IM SORRY.. BEA.."panangis ni Mildred, tinakpan ulit ang bangkay at saka lumabas na.

Si Mildred ay napalupasay sa sahig at nakatulalang nagiiyak.

"IM SORRY BEA.. KUNG ALAM KO LANG, DIKO NA DAPAT SINUNOD SI CORINE,..HUHUHUHUHUHU, DAPAT HINDI NA KITA PINAPUNTA DITO KAGABI!"iyak ni Mildred at nagpapapadyak pa.

Nakatawag naman ng pansin ni Bonker na nagiimbestiga doon ang pagwawala ni Mildred lalo na ang mga sinasabi nito.

"Excuse me Hija, "wika ni Bonker ng makalapit dito. "Tama ba ang narinig ko na ikaw ang nagpapunta dito kay Beatrice Joson kagabi?"tanong nya.

Si Mildred naman ay wala sa loob na tumango, "OPO, SABI SA AKIN NI CORINE, PAPUNTAHIN KO DAW SI BEA SA SCHOOL, TESTINGIN KO DAW KUNG.. KUNG PUPUNTA SI BEA KAHIT KAGABI.. HUHUHUHUHU"parang batang nagsusumbong na sabi ni Mildred, ni hindi na nya ininda kung anong kinahihinatnan ng mga sinasabi nya.

"Etong Corine ba na to eh si Corine Rivera?"pagkukumpirma ni Bonker, tumango naman si Mildred. "Ang mabuti pa hija sumama ka sa amin sa presinto at doon tayo magusap usap"wika ni Bonker at saka tinayo ang dalaga.

+ M

Papasok na sana si YSA ng makatanggap sya ng tawag mula sa ate nya na natagpuang patay si Alexa sa loob ng bahay nila, kaya imbes na pumasok ay dire diretso itong sumakay ng taxi at nagpahatid sa kanila.

Sa Taxi ay samu sari ang kanyang naiisip, ang huling kausap nya kagabi kay Alexa, ang panaginip nito. Sa dami ng iniisip ni Ysa ay hindi nya napansin na pagdaan ng LAC ay nagkakagulo ang mga estudyante.

Nang makarating sa kanila ay imbes na pumunta sa bahay nila ay dire diretso ito sa bahay nila Alexa.

Isang pamilyar na boses ang narinig nyang tumawag sa kanya. "Ms. Fajardo?"

Nilingon ito ni Ysa at nakita nya si Carlo na isa sa mga nagiimbestiga ng kaso nila Yuan.

"Inspector Sta. Ana,?"tawag nya, agad lumapit sa kanya ang batang pulis.

"Anong ginagawa mo dito?"sabay pa nilang tanong, natawa din sila pareho.

"Ako nandito kasi Pulis ako at nagiimbestiga, eh ikaw? Sa pagkakaalam ko hindi ka naman pulis ah"natatawang biro ni Carlo.

"Diyan po ako nakatira sa harapan sir"turo ni Ysa sa bahay nila. "Kaibigan ko po si Ate Alexa"

"Ahh.."napapatangong sabi ni Carlo. "Teka.. Teka.. Teacher mo ba ako?"tanong nito.

"Po? Hindi po.."wala naman sa loob na sagot ni Ysa.

"Eh hindi pala, bakit kung makasir at makapangupo ka para akong teacher mo na uugod ugod, 25 lang ako Noh"biro ni Carlo sa dalaga.

Nangiti si Ysa at saka pinagmasdan mabuti ang pulis, hindi nya alam pero parang may kamukha ito kaso hindi nya matandaan kung sino.

"Carlo na lang.. Okay? At ikaw.. Mas hindi ka naman mukhang teacher kaya di pwedeng tawagin kitang Ms. Fajardo, so..?"sabi ni Carlo.

"Ysa na lang.."maikling tugon nito"Carlo, anong nangyari kay Ate Alexa?"tanong ni Ysa.

Kitang kita ni Ysa kung paanong naging seryoso ang nakangiting mukha ni Carlo at saka ito namulsa at tumingin sa may binatana nila Alexa.

"Natagpuan na lang sya ng anak nya na patay ang kanyang ina at may tusok na basag na salamin sa noo,gulo gulo ang paligid, pero wala namang senyales na ninakawan eto o ano, sarado ang lahat ng pinto at hindi binuksan ng pwersahan.."kwento ni Carlo. "Parang.....parang.."

"Parang hindi tao?"tapos ni Ysa sa sinasabi ni Carlo, napatingin sa kanya si Carlo na para bang gulat na gulat.

"Paanong..?"takang tanong ni Carlo.

"Maniniwala ka ba na kagabi lang napanaginipan ko si Ate Alexa, at sa panaginip ko, namatay sya dahil may salamin na basag na tumama sa noo nya..at hindi magnanakaw o kung sino mang kriminal ang may gawa non.."kwento ni Ysa.

Napanganga si Carlo sa sinabi ni Ysa,bago pa ito makasagot ay sakto namang dating ni Axle at walang sabi sabing yumakap kay Ysa.

"Wala na si Mama, wala na si Mama"iyak nito, napayakap na lang si Ysa kay Axle, at dun ay bumuhos ang luha ni Axle.

"Sabi nya, umalis muna daw ako, binigyan nya akong pera, gumimik daw ako, ayoko nga pumayag dahil ayaw ko syang iwan pero mapilit sya, kaya napilitan pa rin akong umalis.."kwento ni Axle sa pagitan ng mga paghikbi nya.

Biglang naalala ni Ysa ang eksena sa panaginip niya kung saan may nilagay si Alexa sa ilalim ng carpet, agad syang kumalas ng yakap kay Axle at dumirediretso sa pintuan niLa Alexa pero pinigilan ito ng pulis.

Bumalik ito kila Carlo na parang tarantang taranta."Carlo, kailangan kong makapasok, kailangan kong kunin yung nilagay ni Ate Alexa sa carpet, yun yung nakita ko sa panaginip ko!"sabi nya kay Carlo.

"Pero Ysa,panaginip lang yun, paano mo naman macoconnect yun sa totoong nangyayari"sagot ni Carlo.

"Tama si Ysa inspector, kailangan nyang makuha kung ano man yun kasi kung hindi importante yon, bakit kailangan pang ipakita nya yon sa panaginip ni Ysa"singit ni Axle na tumigil na sa pagiyak.

Si Carlo naman ay seryosong seryosong nakatingin sa dalawa at para bang tinatantya ang sinasabi ng dalawa at saka nya ito tinalikuran at dirediretsong naglakad papunta sa bahay niLa Alexa.

"CARLO PLEASE.."pagmamakaawa ni Ysa dahil sa pagalis ni Carlo, lumingon naman si Carlo at sumenyas ng sandali lang, maya maya ay nakita nyang kinakausap nito ang isang kasamahang pulis at pagkatapos makipagusap ay pumunta ulit sa kanila.

"Nagiimbestiga pa sila doon sa loob, at baka nakuha na yung kung ano ang hahanapin mo"sabi ni Carlo na kinalungkot ni Ysa."Kaya ako na lang ang hahanap, hintayin mo ako diyan"

Biglang aliwalas ang mukha ni Ysa sa narinig, napahawak sya sa braso ni Carlo. "Salamat Carlo, maraming salamat.."wika ni Ysa at saka umalis si Carlo.

Hinarap ni Ysa si Axle at kinamusta, malalim ang iniisip nito at parang tulala.

"Alam na ba ng Papa mo Axle?"natanong na lang ni Ysa sa binata pero iling lang ang nasagot nito.

"Axle.. Alam ko walang katumbas ang sakit at lungkot na nararamdaman mo ngayon pero nandito lang ako ah, wag kang mahihiya.."nakangiting sabi ni Ysa.

Tumingin sa kanya ng seryoso si Axle at saka hinawakan ang kamay nito.

"Alam mo ba kung ano ang huling bilin sa akin ni Mama bago ako umalis ng bahay kahapon, lagi daw kitang babantayan, sabi pa nya, kung ano mat ano man ang mangyari, wag daw kitang sisisihin dahil nakatakda ang nakatakda pero bakit gustong gusto kitang sisihin na pinasok mo ang buhay namin na syang naging dahilan ng pagkamatay ni Mama"pighating wika ni Axle at saka tumayo.

"AXLE.."nasabi na lang ni Ysa kasabay ng pagtulo ng luha nya at bigla bigla na lang syang tumakbo at umalis, sakto namang paglabas ni Carlo na dala dala ang nilagay ni Alexa sa carpet, naiiling na pinamulsa na lang nya ito.

+ P

"WHAT IS THE MEANING OF THIS??"galit na galit na sabi ni Corine, nasa presinto sya nun dahil sinundo sya ng mga pulis sa bahay nila, pinaliwang ni Bonker dito ang mga ebidensya na nagtuturong sya ang suspect.

"Katulad ng sinabi ko Ms. Rivera, isa ka sa suspect sa pagkamatay nila Juanito De Guzman at mga kabarkada nito at saka ni Beatrice Joson na kung hindi ako nagkakamali ay parehong malapit sayo at pareho ring may atraso"wika ni Bonker.

"WHAT ARE YOU TRYING TO SAY? THAT I KILLED THEM, O COME ON, IM A BITCH BUT IM NOT A KILLER!"nanlalaki ang matang sabi ni Corine.

"So papano mo ieexplain lahat ng ebidensya na nagtuturo sayo ? Sabihin mo nga sa akin Ms. Rivera, the audio tape, the pictures at ang mga statement ni Mildred Mariano."paliwanag ni Bonker.

"How many times do I have to tell ypu that i did not murder anybody! At isa pa, why are you harrasing me, hindi ba dapat tawagan ko muna ang lawyer ko baka nyo ako ganituhin"mataray na sabi ni Corine.

"Ms. Rivera, will you lower down your voice, baka nakakalimutan mo,nasa presinto ka, mga pulis ang kausap mo ang Im expecting some respect from you.."diin na sabi ni Bonker.

"I DONT CARE KUNG PULIS KAYO! OR KAHIT ANO PANG KLASENG TAO KAYO, YOU KNOW WHAT, ONCE MY FATHER LEARNED ALL ABOUT THIS, YOU'RE ALL DEAD!"sigaw ni Ysa na nakapamewang pa.

Imbes na magsalita ay sinenyasan ni Bonker ang isang pulis, para namang nagets ito, agad nitong kinuha si Corine at hinila.

"Teka, saan nyo ako dadalin?! Anong ibig sabihin nito, bitiwan nyo ako!" Pagpupumiglas ni Corine.

"Miss Rivera, wag ka ng magpumiglas, doon mo na lang hinatayin ang lawyer mo sa loob ng selda!"nakangising sabi ni Bonker.

"OH MY GOD! NO WAY! WAG NYO SA AKIN GAWIN TO, YOU'LL PAY THIS! NOOOO!"sigaw ni Corine habang dinadala ng pulis sa selda.

+ M

Maghapong umiiyak si Nita sa loob ng kwarto ng anak,isa isa nyang inalala ang masasayang alaala ng anak nung nabubuhay pa, madalas sya nitong yakapin at kantahan, maging sa huli nitong sandali ay si Grace pa rin ang gumagawa ng paraan para pagaanin ang loob nya. Tandang tanda pa nya ang huling sandali ng anak.

***

Patang pata na ang katawan ni Grace noon, ni hindi na nga nito makuhang umupo man lang, si Nita nun ay hindi maitago ang emosyon sa kalagayan ng anak.

"Ma..Ano ka ba? Iyak ka ng iyak, pag may masamang nangyari sayo,sino na lang ang magaalaga sayo, ano ka ba, umayos ka nga.."wika ni Grace na nakuha pang magbiro sa kabila ng kalagayan nya.

"Anak.. Diko kakayanin na wala ka, ikaw ang buhay ko.."umiiyak na sabi ni Nita.

"Ma, bago nyo pa ako pinanganak, nakaya nyo ng wala ako,at nabuhay layo,paano nyo sasabihing ako ang buhay nyo.."sabi ni Grace na natatawa.

"Ikaw talaga, puro ka kalokohan, mamamatay ka na lang, nakukuha mo pang magpatawa"sita ni Nita sa anak.

"Ma.. Kung sakaling mamatay ako,wag na wag mong babaguhin ang ayos ng kwarto ko para kunwari nandito pa rin ako, at saka Ma, yung picture namin nila Charm, isama mo sa akin ah, gusto ko may ala ala pa rin nila ako kahit nasa kabilang buhay na ako.."sabi ni Grace.

Lalong nagpapalahaw sa iyak si Nita, "Anak,please, lumaban ka, please.. Kailangan kita.."pagmamakaawa ni Nita.

"Gustuhin ko man Ma, pero hindi ko na kaya, pagod na po ako..pagod na pagod na ako Ma, hirap na ako eh.."mahina ay naiiyak na sabi ni Grace, "Please Ma, pakawalan mo na ako.."

Napaiyak naman si Nita lalo sa tinuran ng anak, "Anak.. Kung hirap ka na, sige.. Pakakawalan na kita.."hikbi nitong sabi at saka dumukdok sa kama at umiyak.

Narinig pa nya na kumanta ito..

Sanay di magmaliw ang dati kong araw,
Nang munti pang bata sa piling ni Nanay,
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal,
Awit ng pagibig, habang akoy nasa..

Biglang huminto ang pagkanta ni Grace kasabay ng paghinto ng tibok ng kanyang puso..

"GRAAAAAAAAACE.."

***

Sariwang sariwa pa din sa isip ni Nita ang mga ala alang iyon, napayakap sya sa unan ng anak at nahiga sa kama nito.

Nasa ganun syang pwesto ng biglang bumukas ang bintana, napatinign si Nita dito at tumayo at saka sinara, bago sya bumalik sa pwesto ay nadaan sya sa salamin at doon nya napansin na may nakasulat dito parang pulbos ang ginamit pangsulat na kanina ay wala naman.

MA, ITURO MO NA SI CHARM KAY YSA PLEASE

GRACE

Basa ni Nita sa nakasulat dito at umihip na naman ang hangin dahilan para mapayakap sya sa sarili.

+ D

Kung saan saan na dinala si Ysa ng mga paa, masamang masama ang loob nya sa pangyayari, sa isip isip nya ay tama si Axle, sya dapat ang sisihin.

Sa paglakad lakad ni Ysa ay nakarating sya sa park kung saan inamin ni Tristan noon about sa kakayahan nya.

Hindi nya alam kung bakit pero parang may nagudyok sa kanyang sumakay sa duyan, pagkaupo ay nagpaduyan siya ng nagpaduyan ng biglang may pumigil nito, paglingon nya ay nagulat pa sya ng makita ang kanina lang ay iniisip nya ay kaharap na nya ngayon.

"Tristan?"

"O bakit? May iba ka bang hinihintay?"ngiting ngiting tanong ni Tristan.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ni Ysa.

"Teka teka, wag mong sabihing ikaw na ang may-ari ng playground na ito?"tawa ni tanong ni Tristan.

Hindi alam ni Ysa pero kahit lungkot na lungkot sya ay nagawa pa rin nyang tumawa sa tinuran ng binata.

"Yan.. Ganyan Ysa, mas bagay sayo ang may ganyan.."salita ni Tristan at saka hinila sa kamay si Ysa.

"O teka, saan mo ako dadalin?"tanong ni Ysa.

"BASTA.."maikling tugon ni Tristan.

Hindi na nagreklamo pa si Ysa at sumunod na lang kay Tristan, maya maya ay narating na nila ang pupuntahan.

"SIMBAHAN?"tanong ni Ysa ng huminto sila sa harap nito.

"Bakit Ysa? Sa sobrang dami ng pinagdadaanan mo ngayon nakalimutan mo na sya?"wika ni Tristan na hindi ata nangangawit kakangiti.

Para namang naguilty si Ysa sa sinabing yun ni Tristan, hinila ulit sya ng binata at pumasok sa simbahan, pero imbes na sa may altar ay hinila sya ni Tristan sa may kampanaryo, takang taka namang sumunod si Ysa na sumunod na lang dito, ng makarating sila sa pinakataas ay binitiwan sya ni Tristan at sumilip sa may labas.

"Anong ginagawa natin dito?"tanong ni Ysa.

"Dito.. sisigawan natin si Bro para tiyak rinig ka.."sagot ni Tristan.

"Ha?"si Ysa.

"Ganto oh, "sabi ni Tristan at saka pumorma na sisigaw. "BRO! NADIDINIG MO BA AKOOOOOOO!"sigaw ni Tristan.

Natawa si Ysa sa ginawa ng binata at nailing.

"Sige na gawin mo na.. go, para diretso langit dasal mo..hahaha"pilit ni Tristan.

Pumunta si Ysa sa may bintana at saka huminga ng malalim at sumigaw.

"BAKIT PO BA NANGYAYARI SA AKIN TO! GULONG GULO NA PO AKO! TULUNGAN NYO PO AKO BROOOO!"

"Ysa.. "sabi ni Tristan ng mapaupo ito at umiyak, imbes na lumapit dito ay pumwesto ito sa may bintana.

"BRO! WALA NAMANG GANYANAN! AKO NA LANG, AKO NA LANG ANG BIGYAN NYO NG PAGSUBOK, NASASAKTAN NA PO SI YSA!"hiyaw ni Tristan "at nasasaktan ako pag nasasaktan sya."mahinang sabi ni Tristan sa huling salita nya.

Napatingin dito si Ysa at ganon din naman si Tristan kay Ysa.

"Kung pwede ko lang isalin sa akin lahat ng sakit na nararamdaman mo, gagawin ko.. Mas gugustuhin ko pa ang ganon kaysa naman nakikita kitang ganyan"seryosong sabi ni Tristan habang titig na titig kay Ysa.

"TRISTAN.."sambit ni Ysa.

"Ysa, wala akong Chopper para impaimpress ka, hindi maganda ang boses ko para haranahin ka, at hindi ako mayaman para ibigay ang lahat ng gusto mo, pero Ysa..isa lang ang kaya kong ipangako sayo.. walang araw, o oras o minuto sa buhay mo na hindi pasasayahin.."pahayag ni Tristan.

No comments:

Post a Comment