Thursday, January 26, 2012

20

CAMPUS QUEEN ( Chapter 20 )

"Hi Crisanto,Hi Trini.. Kamusta na kayong magasawa?"bati ni Lucia sa magasawang kararating lang.

"Mabuti naman Lucia, nasaan Asawa mo?"ganting bati naman ni Trini pero si Crisanto ay tila hindi kumportable sa presensya ni Lucia.

"ayun, busy sa trabaho? Kamusta na ang anak nyo Crisanto"baling ni Lucia sa asawa ni Trini.

"Ah eh.. Ah.. Okay naman..ang anak mo kamusta na"naiilang na sabi ni Crisanto kay Lucia.

"Ang anak ko? Hmmm, okay naman sya..mabuti naman si..."

***

TOK TOK TOK TOK..

Naputol ang pagmumuni muni ni Trini dahil sa sunod sunod na katok sa pintuan ng kwarto nya, agad nya yung pinuntahan at binuksan.

"CARLO!"nakangiting bati ni Trini sa kapatid.

"ATE! KAMUSTA NA?"bati ni Carlo sa ate nya.

"Naku, eto malungkot, kasi naman ang dalang dalang mo pumunta dito eh"biro ni Trini sa nakababatang kapatid.

"Hay, pano naman, dala dalawang kaso ang hawak ko ngayon, di maipaliwanag ng babae sa may kabilang bayan tas yung sunod sunod na patayan sa LAC"kwento ni Carlo at saka dire diretsong pumasok sa kwarto ng kapatid.

"LAC.. School ni Tristan yun ah.. Naku baka mapano ang anak ko dun"biglang pagaalalang wika ni Trini.

"Ate.."malungkot na sabi ni Carlo.

"Naku Carlo,wag mo pababayaan ang pamangkin mo, pulis ka at kailangan ikaw ang unang aalalay sa kanya.."wika ni Trini umupo sa tabi ng kapatid.

"ATE..."

"Nasaan na nga pala yang si Tristan, kumain na kaya sya?"tanong ni Trini, maya maya ay may kumatok sa pinto. "O si Tristan na siguro yan, anak tuloy, nandito si Uncle Carlo mo"

Bumukas ang pinto at inuluwa ang isang babaeng nakaputi. "Ma'am, time to take your medicine na po"sabi ng babaeng nurse ni Trini.

"Nurse Anna, naiinom ba ni ate lahat ng gamot nya??"tanong ni Carlo sa babae.

"Opo sir, lagi ko po sinisiguro na iniinom nya ang gamot nya.."sagot ng nurse.

"Carlo, ayokong uminom ng gamot, napakadami.."reklamo ni Trini sa kapatid ng paiinumin na sya ng kanyang private nurse. "hanapin mo si Tristan, pauwiin mo na sya,"utos nito.

"Ate, inumin mo na ang gamot mo, please.."pakiusap ni Carlo sa kapatid.

"AYOKO! HINDI KO IINUMIN YAN GANG WALA SI TRISTAN!!"pagmamatigas ni Trini, sakto namang pasok ni Tristan sa bukas na pinto. "TRISTAN! Anak, ayan ka na pala.. Halika dito"lumapit sa kanya ang anak.

"Ma, inom na po ng gamot"malambing na wika ni Tristan sa ina at saka ito nilapitan. "Sige na Ma.."

"sige anak, iinumin ko na,"wika ni Trini at saka nilunok ang tabletas na dala ng nurse.

Naiiling naman si Carlo habang pinagmamasdan ang kapatid na si Trini, ng hindi matagalan ang nangyayari sa kanyang ate ay lumabas na ito ng silid at bumaba sa sala, naupo ito sa sofa,nakadukdok sya sa gilid ng sofa ng may napansin ito doon, mga basyo ng alak.

"NURSE ANA! HALIKA NGA DITO!"galit na tawag ni Carlo sa private nurse ng kapatid, maya maya ay kaharap na nya si Ana kasunod ang nagaalala ring si Tristan.

"Bakit po sir?"inosenteng tanong ng nurse.

"BAKIT MAY MGA BASYO NG ALAK DITO! NAKAKAINOM BA SI ATE NG ALAK!"galit na galit na sita ni Carlo.

Parang takot na takot naman ang nurse at wari ay takang taka. "Sir, hindi ko po alam, hindi ko po hinahayaan uminom si Mam ng alak, tinapon na po natin lahat ng alak dito dipo ba?"pagpapaliwanag ni Ana.

"SINUNGALING!! ANG SABIHIN MO NAGPAPABAYAD KA KAY ATE PARA BUMILI NITO!!"galaiting galaiting sabi ni Carlo.

"Dala ni Tristan yan Carlo, wag mong sisihin si nurse Anna"singit ni Trini na nakalabas na pala ng kwarto.

"ATE, bakit lumabas ka.. Sabi ko naman sayo wag kang lalabas ng kwarto mo eh"nagmamadaling lapit ni Carlo sa kapatid at saka ito inalalayan.

"Uncle, sorry.. Gusto ko lang naman mapasaya si Mama eh"guilty na sabi ni Tristan. "Wag mo sisihin.."

"SA SUSUNOD NA MANGYARI ULIT TO AT HAYAAN MONG UMINOM SI ATE NG ALAK, IREREPORT KITA SA HOSPITAL NYO!"banta na lang ni Carlo sa nurse at saka inakay pabalik sa kwarto ang kapatid.

"TRISTAN, HALIKA HALIKA.."aya ni Trini sa anak at agad namang sumunod ang nagaalalang si Tristan.

+

"Kayo Mama ang dahilan kung bakit ako nasa gantong sitwasyon, alam nyo nung una pa lang na hindi si Maita ang mahal ko pero pinilit nya akong ipakasal sa kanya"katwiran ni Albert sa ina, umagang umaga kasi ay pinangangatalan ni Marieta ang anak tungkol sa pakikitungo kay Lexin.

"Ano ka ba naman Albert, bakit naman napasok dito ang pagpapakasal mo kay Maita, si Lexin ang pinaguusapan natin!"galit na sabi ni Marietta.

"Ang sinasabi ko ma, kung sanang mahal ko din ang ina, eh di sana.."

"Ano mahal mo din ang anak? Bakit Albert, doon ba tinitingnan yon, so ang ibig sabihin ni minsan hindi mo minahal si Lexin dahil hindi mo mahal ang ina nya?"putol ni Marieta sa sasabihin pa ni Albert.

"Dapat kasi hinayaan mo na lang ako sa totoong mahal ko, dapat pinayagan mo na akong magpakasal kay..."

"Alin sa baabeng ginahasa mo! Na kahit kasal ka na kay Maita at kasal na rin yung babae at may anak ay nagawa mo pa ring gahasain,pasalamat ka na lang at hindi ka nila dinemanda"galaiting sambit ni Marietta.

"Pero Mahal ko sya.."

"Hindi ka nya mahal, kaya nga nagpakasal sya sa iba.."diing sabi nI Marietta sa anak. "si Maita ang asawa mo at ang anak nyo dapat ang pagtuunan mo ng pansin"

"YUN PA NGA ANG MASAKIT, AKUIN ANG ANAK NG MAY ANAK AT PAKASALAN ANG BABAENG HINDI MO NAMAN MAHAL"

"Anong ibig mo sabihin?"nagulat na tanong ni Marietta.

"Wala ma.. Mabuti pa umalis na ako at hinihintay pa ako sa Munisipyo"pagpapaalam ni Albert at saka umalis.

Naiiling namang tumayo si Marieta at tinungo ang kwarto ng apo. Pakatok na sana sya ng marinig nyang may kausap ang apo.

"Wag kang magalala anak.. Kakausapin ko ang daddy mo para hindi ka na nya saktan, kinausap na din sya ni Lola mo kaya wag ka ng magalala"narinig nyang sabi ni Maita. Kakauwi lang nito galing Paris kagabi.

"Mommy.. Punong puno na ako sa kanya..."dinig ni Marietang sabi ni Lexin.

"Dont worry, nandito na ako so he wont bother you anymore"dinig pa ni Marietang paniniguro ni Maita.

"MAITA, LEXIN, BREAKFAST IS READY!"tawag nya sa magina.

"COMING MA.."sagot ni Maita.

+

Isang linggo na ang nakalipas mula ng mamatay si Javier pero noon pa lang nararamdaman ng mga naiwan nya ang kalungkutan, ni hindi nila magawang magusap usap. Ni hindi sila makapagsabaysabay sa pagkain. Si Ysa ay nagkukulong pa din sa kwarto, kung hindi pa ito pilitin ni Flor o ni Lina na kumain ay hindi ito kakain. Bagsak na bagsak na ang katawan ni Ysa. Wala itong ibang ginawa kung hindi ang umiyak gabi gabi at matulog sa umaga.

"Ysa, kumain na tayo"aya ni Lina sa anak habang nagaahin, lumabas kasi si Ysa para maligo. "Pinagluto ka ni ate Flor mo ng paborito mong pinakbet, binili kita ng saging na tundan, tapos yung kapitbahay nating si Aling Natty, birthday kasi ni Peter, yun bang panganay nya kaya nagpadala sya ng Lechon baboy at Caldereta..."

"busog po ako.."tipid na putol ni Ysa sa sinasabi ng ina at saka tumuloy sa cr.

"busog eh ni hindi ka nga kumakain, kumain ka man isang subo, dalawang subo, papatayin mo ba ang sarili mo Ysa?"nagaalalang pahayag ni Lina.

"OO MA! GUSTO KO NG MAMATAY, GUSTONG GUSTO KO NG MAMATAY..!"

Isang malakas na sampal ang tumama sa mukha ni Ysa mula kay Lina na kinagulat naman ni Ysa, napahawak ito sa pisngi.

"Bakit kung umasta ka akala mo ikaw lang ang namatayan.."nanginginig ang boses na sabi ni Lina. "Namatayan din ng ama si Ate Flor mo at si Lewis, pero nakita mo ba silang nagkaganyan, ako, namatayan ako ng asawa, namatay ang kaisa isang lalaking minahal ko pero nakita mo ba akong nagkaganyan? Hindi Ysa, hindi ko ginawa, kasi alam ko, kung nakikita tayo ng ama mo, hinding hindi nya yon magugustuhan..ang malungkot tayo dahil sa kanya.."naiiyak pang sabi ni Lina.

"Iba ang sitwasyon ko Ma, ako ang dahilan ng pagkamatay ni Papa, AKO! AKO!"sigaw ni Ysa at saka dahan dahang napasandal at tumangis.

"WALANG SUMISISI SAYO ANAK!!"ani Lina.

"Kaya nga ako nagkakaganto, kasi wala man lang isa sa inyo ang sumisisi sa akin.."iyak pa ni Ysa at maya maya ay inuntog nito ang sarili sa may ref. "Kasalanan ko! Dapat ako mamatay! Kasalanan ko!!"pagwawala ni Ysa.

"Gusto mo talagang mamatay? Ha?"galit na sabi ni Lina at saka pumunta sa lababo at kumuha ng kutsilyo. "O ayan, saksakin mo ang sarili mo! Magpakamatay ka! SIGE! YAN ANG GUSTO MO!"malakas na sabi ni Lina at saka pilit na pinahahawakan ang kutsilyo sa iyak ng iyak na si Ysa. "SIGE AYAN! IWAN MO DIN KAMI KATULAD NG GINAWA NG PAPA MO! IPARAMDAM MO PA LALO SA AMIN YSA KUNG GAANO KASAKIT MAWALAN NG MINAMAHAL!!"gigil pang sabi ni Lina, si Ysa naman ay napaupo habang umiiyak. "Napakaselfish mo anak.. Nagdurusa din kami.. Nagdurusa din kami..,HINDI LANG IKAW!!"sabay talikod ni Lina at hagis ng kutsilyo sa lamesa.

"MA.. "tawag ni Ysa sa ina, huminto naman si Lina at nilingon ang anak. "IM SORRY MA.. IM SO SORRY.."umiiyak na hingi ng paumanhin ni Ysa.

Dali dali itong nilapitan ni Lina at niyakap, ganun din si Ysa.

"Anak. Tayo na lang ang meron tayo.. wala tayong dapat gawin kung hindi ang magtulungan.. Ikaw, ako, si Flor at si Lewis"salita pa ni Lina habang mahigpit na yakap ang anak.

Maya maya ay kumalas na ito sa anak at pinahiran ang luha ni Ysa at inayos ang buhok at saka tumayo at inalalayan patayo si Ysa.

"Mabuti pa, kumain na tayo.. Tatawagin ko lang ang mga kapatid mo"utos ni Lina sabay talikod. "FLOR! LEWIS! KAKAIN NA.."

Hindi na naituloy ni Lina ang pagtawag dahil biglang bumagsaka si Ysa.

"YSA.! ANAK! YSA!"panic ni Lina. "FLOR! Ang kapatid mo!!"sigaw nito.

+

***
Papasok si Arianne magisa papasok ng school, pinagtitinginan sya ng mga kaklase, at saka magbubulungan. Nakayukong nagpatuloy si Arianne sa paglalakad, maya maya ay makakasalubong nya ang grupo ng mga kababaihan kabilang si Charm. Halatang inaway away ang dalaga at maya maya ay tinulak pa ito ni Charm, pero isang lalaki ang dumating.. Hindi malinaw kung sino, at pamaya maya pa ay humarap na ito at..

***

"AHH!!"napadilat si YSA matapos ang panaginip, nagulat pa sya ng makita nyang nasa hospital pala sya, at ang mas kinagulat nya ay ng makita ang nakadukdok sa kama nya. Si Lexin!

Kitang kita nya ang pagaalala sa mata ng binata kahit pa sabihin mong natutulog ito, pinagmasdan pa ni Ysa ang itsura ni Lexin na tila hindi na nakuha pang ayusin ang sarili. Tinutubuan na to ng bigote at balbas pero hindi iyon nagpabawas sa kagwapuhan ng binata. Gustong gusto nya itong yakapin at magsumbong na parang bata dahil sa nangyari sa ama. Hahawakan na sana ni Ysa ang ulo ng binata ng bigla itong umungol na nagpapahiwatig ito na gising na, pumikit ulit si Ysa at nagpanggap na tulog pa din.

"Tulog ka paa din MINE..kailan ka ba magigising..alalang alala na ako sayo, ano bang ginagawa mo sa sarili mo, bakit inaabuso mo ang sarili mo ng ganyan"ani Lexin at saka hinawakan ang ulo ni Ysa at hinimas. "Masyado ng naging miserable ang buhay mo ng dahil sa akin, siguro mas mabuti pa nga na lumayo na lang ako sayo ng tuluyan.."narinig ni Ysang sabi ni Ysa na kinagulat nya at parang may kung anong sumundot sa kanyang puso pero hindi sya nagpahalata.

"Ysa...kung ikakasaya mo na wala ako sa buhay mo.. Gagawin ko, pero hindi ibig sabihin noon ay mawawala ka sa puso ko..Mahal na mahal kita.."bulong ni Lexin sa inaakalang natutulog na si Ysa.

Cause you're all I want, You're all I need
You're everything,everything
You're all I want your all I need
You're everything, everything.
You're all I want you're all I need.
You're everything, everything
You're all I want you're all I need, you're everything, everything.

Mahinang kanta ng umiiyak na si Lexin at maya maya ay tumayo na ito at bumulong muli kay Ysa. "BYE YSA.."at saka tumalikod.

"LEXIN.."tawag ni Ysa na hindi na napigilan ang sarili, napalingon si Lexin at nakitang nakaupo na sa higaan si Ysa.

"ano yon?"

"Wala.. Pakitawag na lang si Mama paglabas mo.."nasabi na lang ni Ysa.

"Sige.. "ani Lexin at tuluyan ng lumabas.

Si Ysa naman ay tumulo na lang ang luha. "Mahal na mahal kita Lexin, mahal na mahal kita.." iyak ng iyak na sabi ni Ysa.

+

Pinalabas din si Ysa ng hospital matapos magbalik ang nawalang lakas, binigyan din si Ysa na pampaganang kumain. Ilang araw lang ang lumipas ay nakarecover na si Ysa, nagpaalam na ito sa ina na babalik na sa dorm at kailangan na nyang pumasok, pumayag naman ang ina dahil ayaw nyang magmukmok pa ito lalo sa bahay. Ang balak ni Ysa ay magpaalam na sa caretaker na hindi na sya magdodorm, kukunin na lang nya ang gamit nya at sa bahay na nila muli tumira.

Dumiretso muna sa school si Ysa at papasok sya ng classroom ng makita nyang nakatayo at titig na titig sa kanya si Bea, walang kamalay malay si Ysa na pumanaw na ang dalaga. Hindi nya ito pinansin at nagpatuloy pero hinawakan sya nito sa braso.

"MAGIINGAT KA SA KANILA YSA.. MAGIINGAT KA SA KANILA....!"Babala ni Bea kay Ysa.

"YSA!"tawag ng lalaki mula sa likuran nya.

"Carlo?"

"Oo ako nga, sino nga palang kausap mo diyan"usisa ni Ysa, lilingunin na sana nya si Bea pero wala na ito kaya iniba na lang ni Ysa ang usapan.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong na lang nya.

"Hindi pa rin kasi tapos ang imbestigasyon namin tungkol sa magkasunod na patayan dito."paliwanag ni Carlo.

"Magkasunod?"

"Oo, ang kaso nila Juanito De Guzman at ang kay...Beatrice Joson"sagot ni Carlo.

"Beatrice? Si Bea? Paanong.."naguguluhang sabi ni Ysa at saka nilingon ang classroom para hanapin ng mata si Bea, at doon nakita nya ito sa tapat ng magisang si Mildred, maya maya ay tumingin ito sa kanya at unti unti itong naglaho.

"natagpuang putol putol ang katawan nya sa loob ng ref ng cafeteria"kwento pa ni Carlo. "Namatay sya nung mismong araw na mamatay si Alexa at ang ama mo"

Shock na shock sa narinig, kung gayon, ang Bea na nakita nya kanina ay kaluluwa na lang pala. Naalala nya ang sinasabi nito, magiingat daw sya, halos katulad ng sinasabi ng mga kilala nyang namatay dahil sa..

"Sa babaeng nakaitim.."sambulat ni Ysa.

"Ano?"tanong ni Carlo.

"Malakas ang kutob ko na ang mga nagaganap na patayan ngayon, may kinalaman sa babaeng nakaitim.."rebelasyon nya kay Carlo na talagang kinabigla nI Carlo. "Alam ko Carlo mahirap paniwalaan.."

"Naniniwala ako Ysa.."sabi ni Carlo.

"Talaga?"

"Oo Ysa, dahil ayon sa pagkakatanda ko, namatay din ang asawa ng kapatid ko dahil sa babaeng nakaitim, iyon ang paulit ulit na sinasabi ng pamangkin ko, tandang tanda ko pa, haloa magunaw ang mundo ni Ate Trini sa pagkamatay ni Kuya Crisanto"salaysay ni Carlo, para namang pamilyar kay Ysa ang kwento at mga pangalang sinasabi ni Carlo, hindi kaya..

"Galit na galit si Ate sa pamgnkin kong si Tristan noon.."tila naman nakumpirma ni Ysa ang hinala. "pero dahil mahal ni ate ang nagiisa nyang anak ay nagkapatawaran din sila, kaso ilang taon ang lumipas ay tuluyang nawala sa katinunan si Ate dahil sa isang mas malagim na pangyayari."

"Anong nangyari??"interesadong tanong ni Ysa sa pulis na tiyuhin pala ng kanyang kaibigang si Tristan.

"Namatay ang anak ni Ate.. Namatay ang kaisa isa nyang anak na si Tristan.."nakagugulantang na kwento ni Carlo na kinaupos ni Ysa sa kinatatayuan, agad naman itong sinaklolohan ni Carlo.

Nanginginig ang laman ni Ysa, pilit nyang dinedeny sa utak na maaring hindi ito ang Tristan na kilala nya.

"Anong buong pangalan ng pamangkin mo??"nanlalamig at nanghihinang tanong ni Ysa.

"Bakit?"

"ANONG BUONG PANGALAN NG PAMANGKIN MO?!!"sigaw ni Ysa.

"MARK TRISTAN S. PANGILINAN"

Sa narinig ni Ysa ay tila tuluyan ng na nagimbal ang mundo nya. Paanong ang tanging tao na nakapagkakalimot ng mga problema nya ay isa pa lang multo. Kaya pala.. Kaya pala kakaiba ang pakiramdam nya sa tuwing kasama nya ang binata.

Kahit hinang hina ay pinilit nya ang sarili na lumakad, susundan dapat sya ni Carlo pero pinigil nya to.

"Gusto kong mapagisa.."ani Ysa sabay tanggal ng alalay ni Carlo.

"Pero Ysa.. Bakit ba nagkakaganyan ka?"nagaalalang tanong ni Carlo.

"HAYAAN MO NA LANG AKONG MAG-ISA!"sigaw ni Ysa at saka parang lutang na lutang na naglakad kung saan saan hanggang mapunta sya sa may rooftop kung saan sila madalas magkita ni Tristan.

"TRISTAN! MAGPAKITA KA SA AKIN!! MAGPAKITA KA SA AKIN!"sigaw ni Ysa. "NGAYON KA MAGPAKITA SA AKIN! NGAYONG KA MAGPAKITA!"nanginginig pa ring sabi ni Ysa.

Isang malakas na hangina ang umihip.

"YSA.."narinig nyang tawag ni Tristan.

Nilingon ito ni Ysa at doon nakita nya ang malungkot na si Tristan.

"Kaano ano mo si Carlo Sta. Ana?"tanong agad ni Ysa habang papalapit kay tristan.

"Uncle ko sya, bunsong kapatid sya ng Mama ko.."hindi makatingin ng diretsong sagot ni Tristan.

"TOTOO BA! TOTOO BA NA PATAY KA NA?"sita ni Ysa na pilit tinatatagan ang loob sa anumang maaring isagot ni Tristan.

"OO YSA.. TOTOO.."malungkot na sagot ni Tristan kasabay ng pagihip muli ng hangin na tila nakikidalamhati sa kanilang dalawa

No comments:

Post a Comment