CAMPUS QUEEN ( Chapter 2 )
.by arian
"Uy Miss, bakit ba sigaw ka ng sigaw?" Narinig ni Ysa na sabi ng kumalabit sa kanya.
Dahan dahan nyang hinarap iyon at muntik na syang mahimatay sa kahihiyan ng makitang tao lang pala iyon at hindi multo na inaakala nya.
"Hi.." nakangiting bati sa kanya ng lalaki, ito rin ang lalaki na nakita nya kanina na tuwang tuwa sa kanya.
"Ikaw!! Sinusundan mo ba ako?!" asar na tanong ni Ysa.
"Miss, ikaw lang ba ang pwedeng tumambay dito?" mapangasar na sabi ng lalaki.
Napahiya na naman si Ysa kaya nagtangka syang aalis na.
"O teka Miss, hindi naman kita pinapaalis, kung gusto mo tumambay dito, sige lang, ako na lang ang aalis" pigil sa kanya.
Napaisip naman si Ysa, masyado na yata ang ginagawa nyang pag-arte.
"Hindi, wag kang umalis, kung gusto mo tumambay, okey lang, doon na lang ako sa kabilang dulo, basta wag mo akong guguluhin!" sabi ni Ysa.
Ngiti lang ang binigay sa kanya ng lalaki at saka inabot ang kamay sa kanya. "by the way, Im Tristan.." pagpapakilala nito.
Tiningnan lang ni Ysa ang kamay ng binata at saka tumalikod at lumakad sa kabilang dulo at saka lumingon ulit kay Tristan. "Ysa! Ako si Ysa.." sIgaw nya dito.
Isang ngiti na naman ay pinakawalan nito at saka ito pumunta sa kabilang sulok.
Lihim na pinagmasdan ni Ysa ang lalaking kakakilala pa lang, matangkad din si Tristan, gwapo, pero ang pagkagwapo nito ay charming, siguro dahil lagi syang nakasmile at maaliwalas ang mukha, hindi katulad nung mayabang na Lexin na yon, nag-init bigla ang ulo ni Ysa ng maalala ang lalaking nambwiset sa kanya kanina. Natingin sya sa mata ni Tristan at nasopresa sya ng makitang kapareho iyon ng mga mata ni Lexin, malungkot.
"Huwag mo ako masyado pakatitigan, baka matunaw ako nyan.." putol ni Tristan ng mapansin na tinitigan sya ni Ysa.
Tila napahiya naman ang dalaga kaya inirapan nya ang lalaki. "Ofcourse not!" sagot nya.
Tumawa ng tumawa si Tristan, pero imbes na mainis si Ysa ay natagpuan nya ang sarili na nangingiti din.
"Saan kang school nanggaling?" tanong sa kanya ni Tristan.
"Sa isang university sa Siquijor," maikling sabi nito at saka naupo sa may sa isang tabi doon.
"Uyy, siquijor..." sabi ni Tristan.
"Alam ko na sasabihin mo, na bayan yun ng mga aswang.. " nakairap na kagad si Ysa.
"Hindi, na maganda doon.. Ikaw talaga ang praning mo.." natatawang sagot ni Tristan.
Naiiling na tumawa din si Ysa at saka nilabas ang sketchpad sa bag.
"Ganyan.. Ngingiti ka lagi.. Mas bagay sayo.. " wika ni Tristan.
Nagblush naman si Ysa sa tinuran ng binata.
"Anong course mo?" tanong ni Ysa sa binata.
"Engineering, Computer Engineering.. " sagot naman ni Tristan."Ikaw?"
"Business Administration.. Hassle nga eh,." nasambit na lang ni Ysa at nagumpisang magdrawing sa kanyang sketchpad.
"bakit naman? Ayaw mo ng course mo?" kunot na tanong ni Tristan.
"Hmmm, hindi naman kaso.." sabi ni Ysa.
"Kaso, hindi talaga yan ang gusto mo? Tama?" pagpapatuloy ni Tristan sa sinasabi ni Ysa.
"Hmmm, parang.. Iba kasi ang gusto ko.."sabi nito at saka pinagpatuloy ang pagdadrawing.
"Mukha nga.. " wika ni Tristan, nilingon ito ni Ysa at nakita niyang nakangiti ito sa kanya.
Nginitian nya din ito, at saka nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan, hindi namalayan ni Ysa ang oras kaya ng mapatingin ito sa ay nagmamadali itong tumayo.
"Naku naku, late na ata ako para sa next class ko, ikaw naman kasi e!" sisi nya kunwari sa binata.
"O bakit ako?" natatawang sagot ni Tristan.
"Hhmmmmp!" sabi nito at saka mabilis na lumabas.
+
"Pumunta ka na pare! Magenjoy ka naman!" pilit ni Yuan kay Lexin. Kinukumbinsi kasi ni Yuan na pumunta ito sa party na gaganapin sa rooftop ng school.
"Alam mo namang wala ako kahilig hilig sa mga ganyang party" iritang sabi ni Lexin.
"Hala, pare naman, minsan lang to, hindi pupunta sila Corine pag walang Lexin na lumitaw, kahit saglit ka lang doon!" pagmamakaawa ni Yuan.
Pero hindi pinansin ito ni Lexin, napatingin sya sa dumadaan at doon nakitang kaklase, si Ysa at nagmamadali. May isang ideya na pumasok sa kanya.
"Sige! Pupunta ako, pero sa isang kondisyon.." wika ni Lexin.
"Ano yon? Name it!" tuwang tuwang sabi ni Yuan.
"Nakita mo yung bago nating kaklase? Yung tiga Siquijor?" tanong ni Lexin.
"Si Ysa?" tanong ni Yuan sabay tingin sa kaklase.
"Oo, sya nga, ang gusto ko, mapaiyak mo sya bago mag-ala sais" ang dare ni Lexin.
"Pare naman, baka mamaya sakmalin ako nyan, mamaya may lahing aswang yan" parang takot na sabi ni Yuan.
Natawa si Lexin at tinapik si Yuan sa balikat. "Walang party kung ganon" asar nito sa kaibigan.
"Fine! Fine.. Sige, siguraduhin mo na pupunta ka!" banta ni Yuan.
Tango at ngiti lang ang sinagot ni Lexin, alam kasi nya sa sarili nya na hindi si Ysa ang tipo na basta basta mapapaiyak ng kahit sino.
"Good luck!" pahabol ni Lexin sa kaibigan na tila nagiisip na ng gagawin.
+
"Hi!" bati ng isang babae kay Ysa na abala sa isang sulok sa pagbabasa. Tumingala ito at nginitian ang babae na bumati.
"Ako si Marj, at ito naman si Aileen" pagpapakilala ng babae sa sarili at sa kaibigan.
"Im Ysa.." maikling tugon nya at saka nakipagkamay sa dalaga.
"Kanina ka pa kasi namin napapansin na magisa ka dine weh" may puntong sabi ni Aileen.
"Ikaw yung sumgot kay Bea kanina diba? Idol.." manghang manghang sabi ni Marj.
"Hindi naman, pinagtanggol ko lang ang sarili ko..!"ngiting sagot ni Ysa.
"Buti hindi ka inano na mga yon, mga mean girls kasi sila weh" bulong ni Aileen.
"Bago lang kasi sya sis, first offense pa lang" sagot naman ni Marj at saka tumabi kay Ysa.
Pinagmasdan ni Ysa ang dalawang bagong kakilala, maganda si Aileen pero mukhang mahiyain at si Marj naman ay mukhang palaban at maganda rin, pareho silang mukhang masayahin.
"First offense?"ulit nya sa sinabi ni Marj.
"Oo, usually, mga newcomers lang ang naFifirst offense, pag old student ka na, diretso second offense ka na" paliwanag ni Aileen.
"Anong ginagawa pag second offense?" curious na tanong nI Ysa.
"Mild pa lang nama, pinapahiya, sinusulatang ang upuan, minsan itatago yung mga gamit, pag ganon, may warning ka na, ibig sabihin magpakatino ka na sa kanila." salaysay ni Marj.
"Eh pag hindi pa rin nagpakatino?"kunot na tanong na sabi niya.
"Pahihirapan ang buong school year mo hanggang sa ikaw mismo ang magquit!" parang kinakabahang sagot ni Aileen.
"Yung isang estudyante na may pagkamayabang din, nakabangga yang tatlo, alam mo ginawa nila? Ginawan nila ng scandal, as in nilasing nila at saka hinubaran, tapos pinagalaw sa kung kani kaninong lalaki at saka vinideo, magaling yung pagkakagawa kasi nagmukhang gusto rin ni Roma, walang naging kaso yung mga sangkot kasi pinalabas nila na gusto rin ni Roma, ayun, napilitang magdrop out"kwento ni Marj.
"Kasalan din naman yun ni Roma weh, mayabang kasi sya, akala mo kung sino, nasampulan tuloy sya" dagdag pa ni Aileen.
"Sino ba kasi sila? Bakit ang lakas ng impluwensya nila?" seryosong tanong ni Ysa.
"Si Beatrice Joson, isang filingerang biglang rich na nasabit sa barkada nila Corine, mukha namang froglette, " mahinang sabi ni Marj.
"ginagawa lang naman syang chimi-a-a ni Corine" hagikgik na dugtong pa nito.
Sabay sabay namang nagbungisngisan ang tatlo.
"Si Mildred Mariano ay anak ni Congressman Mariano, asus, kay yabang yabang, corrupt naman yung tatay nya, hmmmp" pairap na sabi ulit ni Marj.
"Paano mo naman nalaman na corrupt si Congressman, mapunot dulo ka Marj.." pambubuska ni Aileen.
"Eh syempre, ako pa, si Mama pa, alam mo naman yun, sa sobrang active sa church, tuwing uuwi na lang, ang daming uwing chismis"
mataray na sagot ni Marj.
Isang mahinang hagikgikan na naman ang narinig mula sa kanilang tatlo.
"At si Corine Rivera, anak ng isa sa board member ng school na ito, sila yung may ari nung pabrika sa malapit sa amin, saka ng iba pang establishment dito sa atin." kwento ni Aileen.
"At sya, sya ang Campus Queen.."
Sabat pa ni Marj.
"Campus queen?" tanong ni Ysa.
"Reyna, pinakasikat, pinakamaganda, pinakatinitingala ng lahat, lalo na yung mga lalaki na sunod sunuran sa kanya." pahayag ni Aileen.
"Lahat ng lalaki maliban kay Lexin" dugtong ni Marj.
"Weh? Eh mukha din uto uto yung isa na yun eh!" bulaslas ni Ysa, hindi na yata maalis ang asar nya sa lalaking yon.
Biglang tinakpan ni Aileen ang bibig ni Ysa. "Sssshhhhhhh, ano ka ba?! Gusto mo bang kuyugin ka ng mga Fans ni Lexin Apostol!"bulong nito.
Tinanggal ni Ysa ang kamay ni Aileen sa bibig nya at saka nagsalita."Bakit? Artista ba sya?!"asar na tanong nito.
Natawa naman ang dalawa sa inosenteng tanong ni Ysa.
"Gaga! Hindi, car racer sya, at anak pa sya ng Governador ng buong probinsya na to!" paliwanag ni Aileen.
"at mas maipluwensya pa sila kila Corine, lahat ng babae at lalaki tinitingala sya pero unlike sa grupo nila Corine, dedma lang sya, suplado kasi at parang walang pakialam sa mundo, si Yuan nga lang ang nagtitiyaga makipagusap diyan e" kwento ni Marj.
Natatango lang si Ysa at saka nilingon kung nasaan si Lexin na nakatanaw naman sa bintana, parang nakadama tuloy sya ng konting awa para sa lalaki, nasa ganon syang titig ng nalingon sa kanya ang lalaki, huling huli sya na nakatingin sa kanya, nginitian sya nito ng nakakaloko. Irap lang ang sinagot nya dito. "Ang Kapal!" mahinang sabi nya.
Lingid naman kay Ysa ay kanina pa nakatingin sa kanya si Yuan at pinagiisipan na kung papaano gagawin ang pagpapaiyak sa dalaga hanggang sa isang magandang plano ang naisip.
+
"Ysa, pinapatawag ka ni Ms. Del Mundo.. " sabi sa kanya ng isang estudyante, pauwi na sila nila Aileen at Marj ng biglang lapitan sya ng isang estudyante.
"Bakit daw?"takang tanong ni Ysa.
"Basta tawag ka eh, halika na at hinhinta tayo ni Ms. DelMundo" inis na aya ng estudyante.
"Nagmamadali nagmamadali? May lakad ?" pambabara naman ni Marj.
"O sya, sige, mauna na kayo guys, bukas na lang tayo umuwi ng sabay sabay" paalam ni Ysa sa mga bagong kaibigan.
"O sige, o sige" paalam naman ng dalawa.
Sumunod na lang si Ysa sa lalaki at saka kumaway sa mga kaibigan.
+
Huminto sila sa tapat ng isang pintuan sa 3rd floor.
"Nandito si Ma'am?" kunot noong tanong ni Ysa pero hindi kumibo ang lalaki, bagkos ay binuksan nito ang pinto at sinenyasan si Ysa na pumasok.
Takang taka naman si Ysa na pumasok, pagpasok nya ay nakita nyang storage room pala ito.
"Eh hindi naman..."hindi na naituloy ni Ysa ang sasabihin dahil biglang sinara ng lalaki ang pintuan.
"Ano ibig sabihin nito?!!" panic ni Ysa at saka kinalampag ang pinto.
"BUKSAN NYO TO! BUKSAN NYO TONG PINTUAN! PARANG AWA NYO NA!!"
pagmamakaawa ni Ysa.
Sa labas ng Storage room ay nagapir naman si Yuan at ang estudyanteng inutusan para dalin si Ysa doon.
"Sinet up mo na ba yung camera sa loob?" tanong ng lalaki.
"Oo naman, o paano, halika na, hayaan mo siyang magiiyak diyan sa loob, balikan na lang natin maya maya, inuman muna tayo sa may rooftop!" bulong na sabi ni Yuan.
Takot na takot si Ysa sa loob, pinwersa nyang buksan ang pintuan pero hindi nya ito magawang buksan, kinalabog na lang nya ng kinalabog ang pintuan.
"PLEASE BUKSAN NYO NA TO! PLEASE!" naiiyak ng sabi ni Ysa hanggang mapaupo ito sa gilid at umiyak ng umiyak.
Pinagmasdan nya ang maliit na kwarto, madilim dito at mabaho, takot na takot sya, biglang natumba sa kanya ang isang manikin na nandoon.
"AHHHH AHHHH AHHHH!!" sigaw ni Ysa at saka tumayo ulit at kinalampag ang pintuan. "PARANG AWA NYO NA BUKSAN NYO NA PO! BUKSAN NYO NA!!"humahagulgol na sigaw ni Ysa.
Maya maya ay natigil sa pagsigaw si Ysa nang may marinig syang isang mahinang iyak, iyak ng isang babae at doon nanggagaling sa loob ng kwarto na yon, isang kamay ang biglang humawak sa paa nya mula sa likuran.
Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Ysa at pagkatapos noon ay biglang syang nawalan ng malay.
+
"Ysa.. Ysa.. Ysa gising, gumising ka!" nadinig ni Ysa na tawag ng isang lalaki, unti unti nyang dinilat ang mata at doon nakita nya si Tristan. "Anong nangyari? Nasaan ako?"
"Nandito ka sa school, nakita ka namin ni Mang Dante sa loob ng storage room, narinig ko kasi yung mga classmates mo ata yun na kinulong ka daw nila dito kaya dali dali kong tinawag si Mang Dante"
kwento ni Tristan.
Tiningnan ni Ysa ang matanda, ito rin ang matandang janitor na nakita nya kanina sa Cr.
"Mabuti na lang at nakatulog ako sa rooftop, kung hindi maiiwan ka diyan sa loob hanggang bukas" nagaalalang sabi ni Tristan.
Sa sinabing iyon ni Tristan ay bigla na lang naiyak si Ysa sa balikat ng binata,"Bakit ba nila ako ginaganto?!"sabi nya. Si Tristan nama ay habag na habag sa dalaga kaya hindi nya maiwasang mayakap ito.
"Tahan na Ysa, tahan na.." alo niya kay Ysa.
"Mga kabataan talaga, hindi iniisip kung makakapanakit sila, mabuti pa Hijo, ihatid mo na yang Kaibigan mo at bukas na bukas ay irereport natin yang mga yan sa Dean." mabait na wika ni Mang Dante.
Agad namang tumalima si Tristan at inalalayan si Ysa, mangiyak ngiyak pa rin ang dalaga hanggang sa makalabas sila ng gate.
"Huwag mo na ako ihatid Tristan, gabi na, umuwi ka na sa inyo, kaya ko na mag-isa" sabi ni Ysa kay Tristan ng umokey na ang pakiramdam nya.
"Delikado na, ihahatid na kita.." pilit ni Tristan.
"Huwag na, huwag na, mabuti pa ikaw umuwi na, promise okey na ako" ngiting sagot ni Ysa.
"Sigurado ka?"paniniguro naman ni Tristan.
"Oo naman" agad na sagot naman ng dalaga. Isang matamis na ngiti naman ang tinugon ni Tristan kay Ysa.
"Nga pala, maalala ko, diba narinig mo usapan ng mga gumawa sakin non? Nabanggit ba nila ang dahilan kung bakit kinulong nila ako doon!"
naalalang tanong ni Ysa.
"Ang sabi lang nila, dinare daw sila ng kaibigan nila na paiyakin ka" parang hindi siguradong kwento ni Tristan.
"Nasabi ba nila kung sinong kaibigan?"usisa ni Ysa.
Kibit balikat lang ang nasagot ni Tristan.
"Ganon ba, hmmm, o sige mauna na ako, salamat sayo ah, pakisabi na lang din kay Mang Dante salamat." paalam ni Ysa.
"Sigurado ka?" worry ni Tristan.
"Oo naman!" nakangiting sabi ni Ysa at saka umalis na.
+
"Pare, pano ba yan, nagawa ko nagawa ko na dare mo" bungad ni Yuan kay Lexin na himalang maagang pumasok non.
"Anong dare?"kunot noong tanong nito.
"Yung pagpapaiyak kay Ysa, kinunan ko pa nga ng video kaya may ebidensya ako" pagnanayabang ni Yuan at saka in-on ang digicam at pinakita kay Lexin.
Sa video ay kitang kita na iyak ng iyak si Ysa, halos masira na nito ang pinto kakakatok.
Awang awa si Lexin sa dalaga lalo na nung hinimatay ito dahil sa isang maniking na bumagsak sa kanya. Tuwang Tuwa pa si Nathan
"Pare, hindi ko naman sinabing seryosohin mo yung dare ko at mas lalong hindi ko sinabing paabutin nyo sa ganyan!"inis na sabi ni Lexin na sumisigaw na.
"Pero sabi mo diba paiyakin namin yung aswang na yon, kaya yun na ginawa ko!"ganting sigaw ni Yuan.
"So kagagawan nyo pala yon!" narinig nilang sabi ng isang babae, si Ysa na pala yon at kanina pa nakikinig sa kanila.
Napatingin naman ang magkaibigan sa dalaga na kararating lang, galit na galit ang itsura nito at saka biglang binuhat ang trash can at saka isinaboy kay Lexin ang laman nito.
"Subukan nyo pa ako pagtripan, hindi lang yan ang aabutin nyo, at saka kinuha ang digicam kay Yuan, nalak nya ito gawing ebidsnya pag nagreklamo sya at saktong saktong pagtingin nya sa video ay wala na sya eksena, bagkus ay ang storage room na walang tao, nakatitig sya sa video ng biglang isang mukha ng duguang babae ang sumilip sa video, Naibato nya tuloy ng hindi oras ang digicam

Is this horror or not?
ReplyDeleteHorror
ReplyDelete