CAMPUS QUEEN ( Chapter 7 )
."Aileen! Ano ka ba? Bakit nang-gugulat ka!!" sigaw ni Ysa ng makitang si Aileen pala ang nasa likod.
Tumawa naman ng tumawa si Aileen. "Ano ka ba Ysa, bakit ba praning na praning ka ah!" sabi nito sa putlang putlang si Ysa.
"Ikaw talaga Aileen, ang hilig mong magbiro, sa mga nangyari sayo may gana ka pang mag-biro.." biglang singit ng Lola ni Aileen na kakapasok lang.
"Ano ka ba naman Lola, nagbibiruan lang kami ni Ysa!" sagot naman nito sa Lola.
"Ikaw talaga gaga ka! Balak mo ba akong patayin sa takot.." nakabawi ng sagot ni Ysa.
"Hahahaha, hindi ka pa ba sanay Ysa? Sa dami daming kababalaghan sa school dapat masanay ka na.. Mas madami pang darating.." makahulugang sabi ni Aileen.
"Ano ka ba Aileen. Tinatakot mo naman yang kaibigan mo eh, mabuti pa at bumaba na kayo para magmeryenda" utos ng lola nito at saka bumaba.
"Halika na Ysa.."masayang aya ni Aileen kay Ysa.
Bumaba sila at masayang nagkwentuhan nila Ysa at Aileen pati na rin ang Lola nito, maya maya ay nagring ang cellphone ni Ysa.
"Uyy, si Marj, tumatawag.. "sabi ni Ysa at akmang sasagutin na sana ni Ysa ang cp ng pigilan ito ni Aileen.
"Naku, hayaan mo na yang si Marj, mangungulit lang yan!"sabi ni Aileen.
"Hija, ala-sais na, mabuti pa umuwi ka na at mag-gagabi na" wika ng lola ni Aileen.
"Ay, oo nga po, sige po mauna na ako, Aileen, pagaling ka na ah, tapos pasok ka na para party party ulit tayo"masayang sabi ni Ysa, pero imbes na sumagot ay niyakap ni Aileen ang kaibigan.
"Ysa, mag-iingat ka... mag-iingat ka sa mga taong napapalapit sayo.. Pangako mo Ysa.."umiiyak na sabi ni Aileen.
"Ano ka ba, bakit ka ba nag-kakaganyan.."takang tanong ni Ysa.
"Basta pangako mo, pangako mo na wag ka mag-titiwala kung kani kanino"pilit ni Aileen.
"O sige, sige.. Pangako.. Pangako.." nasabi na lang ni Ysa para matigil ang kaibigan. Nagpaalam na ito sa kaibigan at sa Lola nito.
"Sige po, mauna na po ako.." paalam ni Ysa.
Paglabas ng paglabas ni Ysa ay saktong dating naman ng sasakyan ng mommy ni Aileen.
"Good Evening po.." bati nito ni Ysa sa ina ng kaibigan, napansin nya na mugto ang mata nito.
"Ysa.. Anong ginagawa mo dito?"tanong ng ina ni Aileen na minsan na rin nyang nakilala ng sunduin nito si Aileen sa school.
"Dinalaw ko lang po si Aileen, matagal na po kasi sya hindi pumapasok eh."nakangiting sabi ni Ysa.
Kitang kita ni Ysa kung paano parang naupos sa kinatatayuan nya ang ina ni Aileen.
"Hindi mo pa ba alam Ysa?"tanong nito at saka humikbi ng humikbi.
"Ang alin po?!"naguguluhang sabi ni Ysa.
"Si Aileen, patay na sya.. Patay na sya kagabi pa.. Huhuhuhuhu"iyak ng ina nito. "natagpuan na lamang namin sya sa cr na wala ng buhay kaninang umaga, sabi ng doctor inatake sya pero napakabata pa nya.."kwento ng ina ni Aileen.
Si Ysa ay parang walang narinig, tulalang tulala sya at kilabot na kilabot, paanong patay na si Aileen samantalang masaya pa silang magkakawentuhan kanina.
"Kakamatay nga lang ni Mommy tapos ngayon si Aileen naman,"iyak pa ng ina ng kaibigan.
Mommy? Ang lola ni Aileen ay patay na din, ibig sabihin, ang dalawang kausap nya kanina ay pawang mga sumakabilang buhay na pero nakausap at nayakap pa nya.
Dahang dahang napaupo si Ysa, sya namang ring ng cellphone nya, tumatawag si Marj.
"Hello" sagot nya.
Isang malakas na iyak ang narinig ni Ysa sa kabilang linya.
"Ysa.. Si Aileen.. Si Aileen.. Patay na sya.. Patay na si Aileen.. Kanina pa kita tinatawagan bakit dimo sinasagot!"sabi ni Marj at saka humikbi ng humikbi..
Doon na napaiyak si Ysa, hindi dahil sa nakakakilabot na nangyari kanina, kung hindi dahil sa nawalan na sya ng isang kaibigan. Napayakap na lang sa kanya ang ina ni Aileen at sabay nilang iniyakan ang pagkamatay ni Aileen.
+
***
"Losing a Friend is Like losing a pair of your favorite shoes, Yes, you can buy another pair, even an expensive one..but still, its not the same.."
***
+
"Hi Ysa.." maikling bati ni Tristan sa kanya ng maaubutan nya ang dalaga sa rooftop na magisa.
Ngiti lang ang sinagot ni Ysa, wala sya sa mood makipagusap kahit kanino.
"Alam ko sobrang lungkot mo ngayon, nararamdaman ko kahit hindi mo sabihin.."malungkot na sabi ni Tristan.
Lumapit ito at tumabi kay Ysa, at saka nag-inhale at exhale, napatingin dito si Ysa.
"Anong ginagawa mo?"kunot noong tanong ni Ysa.
"Nag-iinhale exhale.."sagot naman ni Tristan at saka pinagpatuloy ang ginagawa.
Tinitigan ito ni Ysa, at saka napangiti dahil sa ginagawa ni Tristan, para itong bata.
"Imbes na tinatawanan mo ako diyan, mabuti pa, gayahin mo na lang tong ginagawa ko.."sabi ni Tristan at saka huminto sa ginagawa.
"At bakit ko naman gagayahin yan aber?"mataray na sabi ni Ysa. "para ako naman ang pagtawanan mo"
"Hindi.. Mali.. May nakapagsabi kasi sa akin non na imbes na kimkimin natin lahat ng negative vibes sa dibdib natin, bakit hindi na lang natin to ilabas sa hangin.." paliwanag ni Tristan.
"Sa hangin?"usisa naman ni Ysa.
"Tama sa hangin, mag-iinhale ka, at doon sa inhale mo na yun, ipunin mo lahat ng masakit na nararamdaman mo at pagkatapos saka mo iexhale"turo ni Tristan.
Sinubukang gawin iyon ni Ysa, huminga ito ng malalim at saka bumuga ng hangin.
"Yan, tama yan.. Paulit ulit mong gawin yan, at pag sa pakiramdam mo okey ka na, eh di good, libre mo ako ng footlong dun sa tabi ng school, yung kay Ate Pilar." biro ni Tristan.
At ganon nga ang ginawa ni Ysa, lahat ng takot at lungkot na nararamdaman nya ay inilabas nya sa pamamagitan ng hangin at sa pagitan ng paginhale at pagexhale nya ay di nya napansin na tumutulo na pala ang kanyang mga luha.
Napatingin dito si Tristan pero imbes na magsalita ay tinapik ni Tristan ang kanyang balikat na parang sinasabi nyang pwede syang iyakan ni Ysa, at si Ysa naman ay parang bata na humiling at umiyak sa balikat ni Tristan.
"Takot na takot na ako Tristan, takot na takot na ako..." iyak ni Ysa.
Awang awa si Tristan sa dalaga, inakbayan nya iyon at saka hinimas ang likod.
"Tahan na.. Wag ka matakot, nandito lang ako, hindi kita pababayaan.."paniniguro ni Tristan.
"Hindi ko maintindihan Tristan, nung una akala ko ordinaryong pagpaparamdam sa mga estudyanye yung nararamadaman ko pero bakit pati sa panaginip ko, pati si Aileen..hindi ko talaga maintindihan.."daing ni Ysa kay Tristan.
"Hindi lang si Aileen ang kauna unahang nagkagnon Ysa.."kwento ni Tristan.
Bigla namang napaayos ng pwesto si Ysa at saka napatingin sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin??" tanong nito.
"Mula ng mangyari ang sunod sunod na patayan 3 years ago ay naging haunted na ang cr na yon dahil dun daw pinatay karamihan sa biktima, kaya mula noon, wala ng nag-cr doon. At ilang beses may nagkamaling nagbanyo doon ay naposses katulad ng nangyari kay Aileen at matapos ang ilang araw ay namatay din sila sa di malamang dahilan, sinasabi na isang galit na kaluluwa daw yon na hindi matanggap ang pagkamatay nya."kwento pa ni Tristan.
"Kilala mo ba kung sino sino yung mga namatay non Tristan?" takot na tanong ni Ysa.
"Walo silang namatay non Ysa, Tatlong lalaki at Limang babae, karamihan sa kanila puro mga freshmen"sabi ni Tristan.
"Paano ba sila namatay? Sinunog? Paano?"curious na tanong ni Ysa.
"Karumal dumal, kung nakakapanood ka ng mga suspense movie, maihahalintulad mo dun"sagot naman ni Tristan.
"Hindi ko maintindihan kung bakit ako pinupuntirya nila, bakit ako? Bakit nila ako minumulto, Ano bang kasalanan ko?"naiiyak na naman na sabi ni Ysa.
"Sigurado ka ba na pang-gugulo ang pakay nila sayo? Paano kung isa pa lang babala.."makahulugang sabi ni Tristan.
Napatingin bigla si Ysa kay Tristan."ano ibig mong sabihin?"tanong nya.
"Wala naman, naalala ko kasi yung sabi sa akin ng lolo ko nun na ang mga kaluluwa daw, iba iba ang pakay, merong gusto lang talaga nila makasama ang mga naiwan, may mga naghahanap ng hustisya, yung iba ni hindi alam na patay na pala sila, at yung iba mga nanggugulo dahil hindi ang pagkamatay nila, at meron din mga nagbibigay lang ng babala para sa mga buhay, pero alam mo kung ano ang pinakapaborito ko?"sabi ni Tristan.
"Ano?"seryosong tanong ni Ysa.
Lumapit si Trisan kay Ysa at saka nagsalita."Si Casper.. Isa kasi syang friendly ghost.." sabi ni Tristan at saka tumawa ng tumawa.
Hinampas naman ni Ysa si Tristan sa balikat"sira ulo ka talaga!"kunwaring asr na sabi nito.
"Hahahahaha, masyado ka kasing seryoso Ysa, wag ka ngang ganyan, sige ka papangit ka.."biro ni Tristan kay Ysa.
"Hmmmmp, ikaw talaga, ano kayang gagawin ko kung walang isang Tristan sa buhay ko.."biro ni Ysa na parang nabura ang lahat ng iniisip dahil kay Tristan.
"Hala, pag nangyari iyon, pakamatay ka na kasi wala ng saysay ang buhay mo"masayang sabi ni Tristan.
Tumawa ng tumawa si Ysa, pakiramdam nya ay minamanipula ni Tristan ang nararamdaman nya.
"O tama na tawa mamaya nyan iyak ka na naman ng iyak.. Masasaktan na naman ako.."seryoso biglang sabi ni Tristan.
"At bakit naman!?"tanong ni Ysa.
"Kasi pag umiiyak ka, pakiramdam ko, dinudurog ang puso ko, kaya wag na wag ka ng iiyak kung ayaw mong tuluyang mapulbos ang puso ko.."nakangiting sabi ni Tristan.
Napatingin si Ysa kay Tristan, ganoon din naman ang binata, nag-ngitian sila at saka nagtawanan.
+
Nasa isang bar si Lexin, mag-isang umiinom, halos nakakadami na rin sya kaya lungayngay na sya, sya namang dating ni Corine kasama si Bea at Mildred.
"Is that Lexin?"sabi ni Mildred, napalingon naman si Corine sa lugar na yon ar doon ay nakita nga nya si Lexin, agad nyang nilapitan ang binata.
"Lexin.. Anong ginagawa mong magisa dito?"sita ni Corine.
Pero hindi nagsalita ang binata, tumayo ito at tinalikuran si Corine pero nabuwal ito.
"Lexiiiiiin!"sigaw ni Corine.
Tinayo nya ang binata at saka inalalayan, may maya ay nagsalita ito. "Ysa.." sambit nito.
Nagpanting ang tenga ni Corine, binitiwan nya si Lexin at saka umalis.
"Bakit iniwan mo si Lexin?"tanong ni Bea.
"Pumunta syang mag-isa diyan, umuwi syang mag-isa"asar na sabi ni Corine.
+
"Marj.. Sige na, samahan mo na ako dun sa party? Sige na please.."pilit ni Ysa kay Marj na kausap nito sa cellphone.
"Sabi ko naman sayo Ysa lumayo ka sa barkada ni Corine, problema yan?!"sabi ni Marj.
"Kaya nga isasama kita eh, ikaw ang aking bodyguard.."pilit pa rin ni Ysa.
"Ay naku Ysa, ewan ko sayo, bodyguard ka diyan, ganda kong to?!"mataray na sagot ni Marj.
"Sige na sis, please.."pagmamakaawa ni Ysa.
Sandaling tumahimik si Marj."Sige na nga, sige na nga..ikaw talaga!"
"Yey.. Promise ko sandali lang tayo doon, as in.. Aiyeee..."sabi ni Ysa.
Bigla biglang naputol ang linya at isang nakakatakot na boses ang bilang narinig nila Ysa.
"Ysaaaaaaaaaa..."
Biglang nabitiwan ni Ysa ang cellphone.
"Anak bakit?"takang tanong ng ina.
Nanginginig na pinulot ni Ysa ang cellphone."Wala po Ma, nabitawan ko lang po.."pagsisinungaling nya.
"Ganon ba.. O sya, tawagin mo na nga sila Papa mo at maghahapunan na tayo"utos ng ina ni Ysa.
Agad naman itong tumalima. Kinikilabutan pa rin ito sa boses na narinig, pamilyar ang boses pero hindi nya maalala kung saan iyon narinig.
Masayang naghahapunan ang mag-anak ng biglang may dumagundong sa may pintuan, napasigaw silang lahat, ang ama naman ni Ysa ay agad kinuha ang batuta nito at pumunta sa pintuan.
"Sino yan? Kung sino ka man magpakilala ka kung hindi magkakatamaan tayo dito"banta ni Javier.
Pero walang sumagot sa labas, dahan dahang binuksan ni Javier iyon at kasunod nya ang kanyang magana pagkabukas nito ay..
"Aahhhhhhhhhh"sigaw ng mga babae, pero bigla silang nakabawi ng makita kung sino ang naSa labas ng pintuan.
"Lexin! Anong ginagawa mo dito!"sita ni Ysa ng makilala nya ito.
Pero wala syang narinig na sagot mula kay Lexin dahil wala na itong malay.
"Naku, Sweetheart alalayan mo yung bata sa loob, mukhang lasing na lasing"wika ng ina ni Ysa na si Lina. Sumunod nama kaagad si Javier, binuhat nito si Lexin papaunta sa sala.
"Ano ba nangyari diyan? Nagbreak ba kayo Ysa?"tanong ng ate nyang si Flor.
"Sira ulo ka talaga ate! Ni hindi nga kami close nyan tas break, breakin ko pa face ng mayabang na yan eh"pagtataray ni Ysa.
"Ysa, kahit na mag-ano kayo, kaklase mo pa rin ito, kaya asikasuhin mo, siguro may mabigat na problema yan kaya nag-iinom"sabi ng Mama ni Ysa.
"Pero Ma.. "maktol ni Ysa.
"Tama na reklamo Ysa, tama ang mama mo, kaya asikasuhin mo yang si Lexin ah.."utos naman ng ama nito.
Walang nagawa si Ysa kung hindi sumunod, kumuha ito ng palanggana at pamunas at saka bumalik kay Lexin. Tulog na tulog ang binata. Umupo ito sa tabi ni Lexin at saka sinimulan itong punasan. Habang pinupunasan ay pinagmasdan mabuti ni Ysa ang mukha ni Lexin.
"Hmmm, pasalamat ka gwapo ka, kung hindi kanina pa kita sinipa palabas, napakayabang mo, akala mo kung sino ka.."salita ni Ysa dito at saka pinunasan ang binata.
Umungol ang binata, bigla naman ito binitiwan ni Ysa.
"Ysa...." maikling sabi ni Lexin.
"bakit?"sagot ni Ysa sa pagaakalang tinawag sya ng binata.
Pero hindi na nagsalita si Lexin, takang taka naman si Ysa na tinuloy ang pagpupunas dito.
Pagkatapos punasan ay nagpatulong ito sa ina na bihisan si Lexin, pinahiram ito ng damit ng Papa nya pagkatapos ay nilaban nito ang pinagbihisan. Madaling araw na ng makatulog si Ysa sa sala malapit kay Lexin.
+
Iyakan ng bata, tunog ng aso at manok, hiyawan ang gumising kay Lexin ng umaga na yon. Pagmulat na pagmulat nya ay mukha kaagad ni Ysa ang nakita nya, himbing na himbing ito sa pagtulog.
Mayamaya ay nagising na si Ysa, nawala sa loob nya na nandoon si Lexin kaya naman pinunasan pa nito ang muta sa mata at saka ngmiti, nang magising ng lubusan ay gulat na gulat itong nakita si Lexin sa harap nya at titig na titig sa kanya. Biglang napayakap sa sarili si Ysa at saka tumakbo papasol sa kwarto nya. Tawa naman ng tawa si Lexin sa reaksyon ng dalaga.
"O hijo, gising ka na pala, halika na nga at kumain na tayo ng almusal, nagluto ako ng sopas para mainitan yang sikmura mo" tawag ng ina ni Ysa kay Lexin ng makitang gising na ito.
Sabay sabay na nagpuntahan sa lamesa ang kapamilya ni Ysa.
"Hijo, kumain ka ng kumain ah, hindi ko na tatanungin kung bakit ka uminom basta ang masasabi ko lang, mas masarap kung may mapaglalabasan ka ng mga nararamdaman mo, hindi yung kinikimkim mo, masama yon"payo ng ina ni Ysa.
"Oo nga Hijo, hindi lahat nakukuha sa paginom."dugtong naman ng ama ni Ysa.
"Ysa.. Kakain na, asikasuhin mo tong kaklase mo, kunin mo na yng damit nya na nilabhan mo kagabi!"utos ni Lina sa anak.
"Opo Ma!"sigaw ni Ysa mula sa kwarto at saka lumabas ito at naupo sa tapat ni Lexin at inasikaso ang binata.
"Ayaw po yata ni Ysa" sumbong ni Lexin sa ina ni Ysa.
"Ysa, ano ka ba.. Mahiya ka naman sa kaklase mo!"sita naman ng ina ni Ysa sa anak.
Nakasimangot na inasikaso ni Ysa si Lexin. Tuwang tuwa naman ang binata sa ginagawa sa kanya ni Ysa.
+
"So Corine, bakit mo nga iniwan si Lexin doon kagabi?"kulit na tanong ni Bea.
"Ano ka ba Bea, ilang ulit mo ba akong kukulitin about that, kagabi ka ba, sinabi ko ng ayoko lang na mag pagkagalitan kami ni Yuan, baka nakakalimutan nyo, kami na!"palusot ni Corine.
"OH... MY.... GOD....!!"biglang sabi ni Mildred ng makitang bumaba ng kotse ni Lexin si Ysa.
Napatingin din naman si Corine dito, parang sinampal si Corine sa nakita, pero hindi nya ito pinahalata, bagkus ay ngumiti ito at umalis na parang wala lang.
"Kung hindi magawang magreklamo ni Corine, ako ang magpaparusa diyan sa Aswang na yan!"asar na sabi ni Mildred.
Si Ysa naman ay ilang na ilang pagkababang pagkababa ng kotse ni Lexin. Ipinilit kasi ni Lexin sa ina ni Ysa na isasabay na to kaya wala na sya nagawa.
+
Sa may pool area kung saan tuatabay ang ilang estudyante ay hinhintay ni Ysa ang kaibigang si Marj na varsity ng Swimming, katatapos lang nitong mag-training at nasa restroom ito para mag-shower at magpalit.
Natiyempuhan naman ito ni Mildred at Bea na nasa may pool side, isang maitim na plano ang naisip ng dalawa.
Saktong patayo na si Ysa ng lumapit si Bea at kunwaring tinulak ito ni Mildred, natabig ni Bea si Ysa kaya nahulog ito sa pool.
"oh my, Im sorry.. Ysa..!"kunwaring sigaw ni Mildred.
Ang mga nakakita na tutulong sana ay hindi na nagawang tumulong dahil tinitigan ng masama nila Bea.
Samantalang si Marj ay nasa banyo pa rin at walang kamalay malay sa nangyayari sa kaibigan.
"Tulong! Tulong..!"sigaw ni Ysa pero walang gusto tumulong sa kanya. Hirap na hirap na si Ysa kakawagwag, hindi sya marunong lumangoy kaya pakiramdam nya ay mamamtay na sya. Unti unti syang lumubog sa tubig, at paglubog nya ay kitang kita nya na may isang babaeng duguan at nanlilisik ang mata na nakatingin sa kanya, papunta sa kanya ang babae na nakangisi pa. Takot na takot si Ysa lalo na ng igalaw nito ang kamay papunta sa kanya. Sisigaw na sana si Ysa pero naalala nya bigla na nasa ilalim sya ng tubig at huli na bago nya marealize yun dahil pumasok na ang tubig sa bibig nya.
At dun ay tuluyan ng nawalan ng malay si Ysa

No comments:
Post a Comment